CHAPTER 6

1719 Words
Nang makabalik ako sa companya ay agad akong pinatawag sa office ni Mr. Montrales, kaya naman doon ang diretso ko, ano na naman pag ipinuputok ng budhi ng lalaking 'yon? Kumatok muna ako sa pinto bago ako pumasok, nadatnan ko naman siyang nag babasa ng mga papeles. Nang mapansin niyang naka pasok na ako ay saka niya ibinaba ang hawak niyang papel saka galit na tumingin sa 'kin. Tusukin ko mata mo tamo. "Gusto mo ba talagang magka sahod Ms. Bautista? Hindi ko alam kung tanga ka ba talaga o iniinis mo ako," hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko mula sa bunganga niya. Oo alam kong demonyo siya at mukha siyang dinosaur pero hindi ko alam na may lahi palang siyang manok ah, putak siya ng putak nang mga walang kwentang bagay. "Hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo Mr. Montrales but can you explain it to me? Hindi yung mumurahin mo nalang ako bigla," itinapon naman niya sa pagmumukha ko yung papel na hawak niya kanina. Tarantado ba siya?! Hindi manlang ba siya marunong mag abot? Sinamaan ko naman siya nang tingin saka pinulot yung papel na binato niya. Ito yung files na ginawa ko kagabi, tungkol sa pera na itatransfer sa ibang companya nila. Well, may isa pa kasi silang companya na nasa states; Montrales corp. naman 'yon. Siguro itong Dillera corp. ay sa ibang pamilya niya, pero siya ang pinag hawak dito sa companya dahil isa siya sa pinaka magaling na business man sa industry na 'to. "Alam mo ba kung gaano kalaking pera ang sinayang mo nang dahil sa katangahan mo Ms. Bautista? Bilyon! Sa tingin mo mababayaran mo 'yan ng isang hulugan lang? Of course not! Dahil mahirap ka lang! Wala kang pera at lalo na sa lahat tanga ka!" Hindi ko mapigilang masagot siya nang dahil sa mga sinabi niya. Hindi naman na yata tama yung mga sinasabi niya sa 'kin. Oo alam kong tanga ako pero hindi ko alam paano nangyare 'to, alam kong tama yung ginawa ko kagabi. Bago ko ipinasa 'to kaninang umaga nire-check ko muna ulit, at sigurado akong walang mali na nailagay dito. Pero paanong meron na ngayon? Parang napalitan itong papeles na ibinigay ko. "Excuse me Mr. Montrales pero wala kang karapatang sabihan ako nang masasama, alam ko kung anong pag kakamali ko at aaminin ko 'yon, pero itong papeles na ito, hindi ito galing sa 'kin. Kahit pa pangalan ko nakalagay dito. Yung papeles na ipinasa ko kaninang umaga, nire-check ko ulit 'yun bago ko ipinasa dito sa office mo; pero hindi ko alam panong ito yung nakita mo. I swear, hindi ito yung pinasa ko." Narinig ko naman ang pag tangis niya. "At nag mamaang maangan ka pa? Why don't you just tell me the truth hindi yung kung ano anong excuses pa yung pinag sasabi mo? Dahil alam mo Ms. Bautista, hindi lang kita tatanggalin sa trabaho dahil dyan sa ginawa mo, ipapakulong pa kita." Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya. Bakit hindi niya ako paniwalaan? Mahirap na bang paniwalaan ang isang tulad ko? O dahil sa basura lang din ang tingin niya sa 'kin? Hindi ko na mapigilang umiyak sa harapan niya. Hindi ko alam kung naririnig rin ang pag uusap namin sa labas pero paniguradong oo dahil sa lakas ng mga boses namin. "Ohh come on Ms. Bautista, wag kang umiyak dahil kasalanan mo rin naman 'yan!" "Hindi ko kasalanan 'to dahil alam kong tama yung ibinigay kong papeles sayo, nakalagay pa 'yon sa black envelope dahil wala na akong makitang brown envelope o white sa table ko, kaya bakit hindi ka naniniwala sa 'kin? Dahil ba sa ginawa ko sayo sa airport? Dahil ba ako yung pinaka tangang babaeng nakita mong sisigaw ng kung ano ano tapos yayakap sa taong hindi ko kilala? Dahil ba sa basura ang tingin mo sa 'kin?!" I can't control my emotion, sobrang nasasaktan ako ngayon. Halo-halo ang nararamdaman ko, lungkot, galit, at disappointment na rin sa sarili ko. Kahit naman nag sasabi ako nang totoo walang naniniwala sa 'kin, dahil hindi ako kapani-paniwalang tao. Mukha ba akong sinungaling? Mahirap bang paniwalaan lahat ng sinasabi ko? Kung mag sisinungaling ba ako saka nila ako paniniwalaan? Kasi kahit totoong pag katao ko o mga sinasabi ko parang purong kasinungalingan sa kanilang lahat eh. Ni walang taong nakaka intindi ng nararamdaman ko. Tumigil na ako sa pag iyak, pinulot ko lahat ng papel na nag kalat sa lapag. "Sorry Mr. Montrales, gagawin ko po ang lahat para mabayaran ang utang ko sa companya. Bigyan niyo lang po ako ng mahabang panahon. Wag niyo lang po ako tatanggalin sa trabaho ko," sabi ko saka umalis sa office niya. Nag umpisa naman ang bulungan nang mga co-workers ko pero wala na akong pakealam. Sabihin nila yung gusto nilang sabihin, basta alam kong wala akong kasalanan dito. Hindi ko gustong ipahamak ang companya lalo na ang sarili ko, pero mukhang may taong gusto akong masira lalo. Matagal nang sira ang pag katao ko, matagal na akong durog. Nagsimula sa pamilya ko, sa kaibigan ko, at sa taong minahal ko ng sobra, pati ba naman ito? Sila? Pagod na ako. Pagod na pagod na akong intindihin lahat ng nangyayare sa buhay ko, pero kinakaya ko dahil gusto ko ring magkaroon ng sariling pamilya. Yung maiintindihan ako. Yung hindi basura ang tingin sa akin. Gusto ko rin ng pamilya at kaibigan na magmamahal sa 'kin. Yung paniniwalaan lahat ng sasabihin ko. Kaso parang hindi na darating 'yun. Parang mamamatay akong mag-isa. Nang matapos ko ang huling papeles ay nag-ayos na ako ng lamesa, kahit bukas pa ang part time job ko ay gusto kong ngayon na mag trabaho dahil wala naman akong gagawin. Maboboring lang ako kung ganito. Pumunta muna ako sa canteen para makakain, simula kasi kaninang umaga ay wala pa akong kinakain. Nang makapag off ako sa trabaho ay nag umpisa na akong mag lakad papunta sa cafe, malayo 'yon mula sa companya pero mas gusto kong mag lakad dahil malamig ang simoy ng hangin at wala naman akong pamasahe. Kaya kahit pagod ako sa pag tatrabaho ay sige parin ako para hindi lang ako matanggal sa trabaho. Kailangan kong mabuhay. Buti nalang at hindi pa sila sarado, pumasok naman ako at binati si Maetel na nasa counter. "Oh Meri, diba bukas ka pa mag uumpisa?" Binigyan naman ako nito nang maiinom. "Ah wala naman na akong gagawin kaya kung okay lang ngayon na ako mag umpisa," pumayag naman siya, sinabi naman niya sa 'kin kung anong gagawin ko kada shift ko. Ako daw yung taga gawa ng kape, siya sa counter or paminsan minsan mag papalit kami ng pwesto dahil magaling rin naman daw siya gumawa ng kape, si Ronie naman ang chef isa rin sa kasama namin, at si Larie na baker. Minsan naman ay tumutulong daw si boss Kairo sa ibang gawain dito, kahit nahihiya na nga daw sila ay wala din silang magawa dahil si Kairo naman ang may gusto. "May iba pa bang trabaho si boss Kairo maliban dito sa cafe?" tanong ko kay Maetel habang nag huhugas ng mga pinag gamitan. "Actually, part time job lang ni boss Kairo itong cafe, ang main job niya ay sa companya nila. Sa Dillera Corp." Napatigil naman ako sa pag huhugas. Dillera Corp.? As in sa companya na pinagta trabauhan ko? "Dillera Corp.? As in yung sikat na companya dito sa maynila?" Paninigurado ko, syempre malay mo may iba pa palang Dillera Corp. Pero impossible naman 'yun diba? Iisang companya lang ang may pangalang Dillera at 'yun ang companya ng dinosaur na 'yon. "Yes! As in!" Hindi na lamang ako sumagot. Paanong hindi ko siya nakikita doon? At nung interview namin, parang hindi naman siya nagulat na doon ako nagta trabaho. Kaya paano? "Pero may kumakalat na chismis na hindi daw sila magka ayos nung CEO nang Dillera Corp. 'yun bang Mr. Montrales?" Hindi magka ayos? So it means enemy sila? Okay possible 'yon kasi sa ugali ba naman ni Mr. Montrales malamang sa malamang maraming kaaway 'yan, pero si boss Kairo? Masyadong mala anghel ang itchura niya para mag karoon nang kaaway. Kumbaga kung pag hahambingin silang dalawa, parang taga impyerno si Mr. Montrales tas taga langit si boss Kairo. Halata naman, sa ugali palang sobrang layo nang agwat nila. "Panong hindi magka-ayos? Nag away ba sila o sadyang enemy sila?" Nag punas naman ng kamay si Maetel at mukhang mahaba haba ang mapag uusapan namin. Well, chismis haha. ⁂ "Ahhh" "Kaya ayun, pinatayo ni boss Kairo itong cafe, para kapag naboboring siyang makita yung pag mumukha nung Mr. Montrales na 'yun, dito niya binubuntong inis niya." Hindi ako makapaniwala sa mga ikunwento niya sa 'kin, grabe naman pala yung ugali nang dinosaur na 'yon. Parang kamag anak na siya ni Satanas. Kami nalang ni Maetel ang naiwan dito sa cafe yung dalawang lalaking kasamahan namin ay mas nauna na dahil may anak at asawang nag hihintay sa kanila, ganoon rin si Maetel pero sinamahan niya muna ako dito, pero aalis na rin siya maya maya. Close na rin naman ang cafe kaya wala nang papasok na customer dito. "Ahm, Maetel ayos lang bang dito muna ako matulog sa cafe?" Naalala ko kasing wala pala akong uuwian. At saka meron namang mga kwarto dito siguro pwede muna akong mamalagi roon. "Kahit ilang araw lang, pag nakahanap na ako nang malilipatan aalis na rin naman ako." "Nako, don't worry about it, kahit ilang buwan ka pang manatili dito, yung mga kwarto sa taas ay para sa mga staff 'yun, yung mga dati kasing nagta trabaho dito ay wala ding mauuwian kaya dito sila natutulog. Kaya okay lang, free naman 'yun para sayo. Basta mag sara ka lang nang mabuti dito sa baba bago ka umakyat para alam mo na... iwas nakaw." Tumango tango naman ako bilang pag sang-ayon. Buti nalang mabait sila rito. Sa wakas may matutulugan na ako. Thanks Lord! Nagpa alam naman nang uuwi si Maetel, nang maka alis siya ay naglock na ako nang pinto ng cafe, pinatay lahat ng ilaw sa baba saka umakyat sa pangalawang palapag. Haist, nakakapagod nga naman talaga. Nag shower muna ako bago humiga sa kama. Syempre nagdasal na rin para mag pasalamat sa blessings ngayong araw. Ahhh nakakapagod talaga pero laban lang. Makakabangon din ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD