CHAPTER 7

1405 Words
Na gising ako dahil sa sinag nang araw na tumatama sa mukha ko, ginawa ko na ang morning routine ko bago ako bumaba sa cafe. Naka open na ito at may na aamoy akong mabango, mukhang may nag luluto. Andito na ba si Ronie? Pumasok naman ako sa kusina at nadatnan ko si— "Boss Kairo, ikaw po pala. Goodmorning po," lumingon naman ito sa gawi ko, saka ngumiti. "Goodmorning Ms. Baustita, do you want some coffee or you prefer some milk cause you do look like my baby," namula naman ang mukha ko sa sinabi niya. 'Look like my baby?' May anak na ba si Boss Kai? "Come, sit here." Hinila naman niya ang isang silya tas tinap ito. Lumapit naman ako sa kaniya saka umupo doon. Pinag handa naman niya ako nang makakain, parang masarap itong niluto niya dahil amoy palang ulam na. "Try it, when you like it you're mine," hindi naman ako makapaniwala sa mga pinag sasabi ni boss Kairo, ano bang hangin nalanghap niya at puro pick-up lines siya ngayon? Iniwas ko nalamang ang tingin sa kaniya at nag umpisa nang kumain. At hindi nga ako nag kamali, sobrang sarap nga. Naalala ko naman yung sinabi niya kanina, yung 'you do look like my baby,' Malay niyo may anak na siya diba or kamukha ko nga talaga! "Ahmm boss Kai, ask ko lang po. May anak ka na po ba?" Siya naman ngayon ang hindi makapaniwalang napatingin sa 'kin. May mali ba akong nasabi? "Do I even look like I have a child to you Ms. Bautista?" Gusto ko nalang mag pakain sa lupa. Mukhang na galit ko yata si boss Kai. "No Sir, It's not like that. I mean... yung sinabi niyo po kasi kanina sa 'kin; yung—" itutuloy ko pa ba yung sasabihin ko? Siguro pulang pula na yung mukha ko dahil sa hiya. "Yung 'you do look like my baby'?" tumango naman ako. Narinig ko naman ang mahihinang hagikgik niya. "Well, I'm just messing with you," nakahinga naman ako ng maayos, pero hindi parin magandang mag biro nang ganon. Nakakapanghina. Masakit sa heart. "Why? Did you take it seriously? May boyfriend ka na ba?" Agad naman akong humarap sa kaniya saka iwinagayway ang kamay ko to say no. Hindi naman ako makapag salita dahil sa may laman ang bunganga ko. "Then, I think it's just fine to say it to you," trip ba ako ni boss Kai? Lakas ng radar nito, hindi naman kami close pero kung pag tripan ako parang 10 years na kaming mag kakilala. Well, araw araw naman na kami mag kakasama dito sa cafe kaya siguro tinatry niyang maging komportable sa 'kin. E 'di ganon nalang din gawin ko. Nang matapos kaming kumain ay nag paalam na akong papasok ng trabaho. Gusto pa sana niya akong ihatid pero tumanggi ako. "Iisang lugar lang naman ang pupuntahan natin eh, kaya let's go together," ilang ulit na niya itong sinabi at ilang ulit ko na rin siyang tinanggihan pero hindi talaga siya papaawat kaya sa huli ay pumayag nalang din ako dahil baka pareho pa kaming ma late. "So saang department ka?" Tanong nito habang nag mamaneho. "Kay Mr. Montrales," wala naman akong narinig na sagot mula sa kaniya. Nga pala, magka away pala silang dalawa. Pero malay mo noon hindi naman sila enemy diba, na mag kaibigan pa sila. Tas nangyare na yung nangyare tas dun lang sila naging magka away. Psh, nang dahil lang sa iisang babae? "May nagustuhan kasing babae si boss Kairo na nag tatrabaho rin sa Dillera Corp. nasa department siya ni Mr. Montrales, I think secretary yata ni Mr. Montrales yung babae that time. So, nanligaw itong si boss Kairo dun sa babae, dahil pareho naman daw silang gusto ang isa't isa. Pero isang araw, nahuli mismo ni boss Kairo yung babaeng kahalikan si Mr. Montrales sa parking lot, dun na rin daw sila mismo nag away. Kaya simula noon naging magka galit na yung dalawa. Kahit ayaw ni boss Kairo na makita si Mr. Montrales wala siyang magagawa dahil pinsan niya ito at isa rin siya sa pinag hahawak nang Dillera Corp. kaya pinagawa ni boss Kairo itong cafe pang part time job para kapag naboboring siyang makita yung pagmumukha nung Mr. Montrales na 'yun, dito niya binubuntong galit niya." Naalala ko yung sinabi ni Maetel. Naalala ko rin yung araw na makita yung secretary ni Mr. Montrales na naka upo sa lap niya. Lahat ba nang nagiging secretary niya, pinupuntirya niya? Napalaki naman ang mata ko, naalala kong secretarya niya rin pala ako! Pero hindi ako papayag na gawin sakin ng dino na 'yun yung mga ginagawa niya sa mga dati niyang secretarya, kahit matanggal na ako sa trabaho ko, basta hindi lang ako magaya sa mga 'yun. At saka anong nakita nila sa Mr. Montrales na 'yan? Dahil ba sa gwapo siya? So 'yun na pala basehan sa pag mamahalan ngayon? Ang itchura? Yock! Huminto naman na ang kotse, andito na pala kami sa parking lot ng companya. "Salamat sa free ride boss Kai," ngumiti naman siya sa 'kin. "I told you stop calling me boss, just Kairo and I like that shortcut of my name... Kai," haha ang cute niya. Okay na sana eh, hindi na sana awkward kaso ayon na naman siya sa kakornihan niya, "but I want that your the only one to call me that nickname, got it?" tumango tango lamang ako dahil hindi na ako makapagsalita dahil sa lapit ng mukha niya. Tinanggal ko na ang seatbelt ko at nauna nang lumabas. Hindi naman pwedeng sabay kaming lumabas dahil isa siya sa may ari nang companyang pinagta trabauhan ko. Pag pasok ko nang department namin ay wala pa gaanong tao, ibig sabihin wala pa din si— "Hindi pa ba pumapasok si Ms. Bautista?!" Umalingawngaw naman ang boses ni dino sa speaker na nakapalibot sa office. Napatingin naman sa 'kin lahat ng co-workers kong andito na. Hindi ko nalamang sila pinansin at dumeretso sa office ni Mr. Montrales. Kumatok muna ako bago pumasok. Galit na mukha naman nito ang bumungad sa 'kin. "Buti naman pumasok kana, diba may rules ka? Na dapat bago ako pumasok ay asa labas ka na nang office ko, may kape na rin dito. And what do you think your doing?! Feeling mo ba boss ka dito? Na mas nauuna pang pumasok yung boss mo kaysa sayo?" Hindi na lamang ako umimik kahit gustong gusto ko na siyang sigawan. Yumuko nalamang ako. "You know what Ms. Bautista? You're fired." Agad naman akong napatingala. No, hindi ako papayag. Na late lang naman ako pumasok, at hindi ganon kalaki yung kasalanan ko. "Mr. Montrales please wag naman pong ganto—" hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang itapon niya sa pagmumukha ko lahat ng papel na nasa lamesa niya. Mga papeles ko iyon noong nag apply ako dito. "Sir, please give me another chance." "Give you another chance? For what? Para sirain mo nang tuluyan ang companya ko? Para sayangin ulit ang bilyon bilyong pera ng companya? Para ma late lang ulit? No chances anymore Ms. Bautista, you can get your things and leave my company and don't ever comeback!" Wala na akong nagawa kundi ang lumabas nang office niya para mag impake nang gamit ko, rinig ko naman ang bulong bulungan nang mga co-workers ko. Wala na ba silang alam gawin kundi maging bubuyog? Masaya na ba silang nakitang natanggal na naman ako sa trabaho ko? Umalis ako ng hindi na muling lumingon pa. May narinig naman akong mga taong tumatawag sa pangalan ko pero hindi ko na sila nilingon pa, basta takbo lamang ako nang takbo. Dahil nasasaktan ako, hindi dahil sa natanggal ako sa trabaho ko kundi sa mga pinag sasabi sa 'kin ni Mr. Montrales, hindi lang ito yung unang beses na pinagsabihan niya ako ng masasama kundi maraming beses na ito, at sisiguraduhin kong ito na ang panghuli. ⁂ KAIRO "Meri, sandali lang!" "Meri, hinto muna!" "Merimiee!" Napatingin naman ako sa mga taong nag tatakbuhan habang hinahabol ang isang babaeng may hawak na box habang umiiyak at napagtanto kong si Merimie iyon. Bakit siya umiiyak. Naalala kong sinabi niya saking secretarya siya ni Jin. Ano na naman bang ginawa ni Jin sa kaniya? Pati ba naman babae papatulan niya? Wala na talagang nagawang matino yung lalaking 'yun, hindi ko alam kung magsisisi akong naging pinsan ko siya o ano. Tsk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD