CHAPTER 8

1663 Words
JIN Tumakbo naman si Meri paalis ng department habang hinahabol nang tatlong tao, mga kaibigan niya yata. Hindi ko naman talaga gustong saktan siya emotionally pero hindi ko lang mapigilan yung galit ko, bago kasi ako pumasok ay may tumawag sa 'kin. Sa boses palang alam kong siya na 'yun kaya agad na uminit yung ulo ko. Talagang may gana pa siyang tawagan ako after all those things na ginawa niya sa 'kin, nagsinungaling siya sa 'kin. Sabi niya wala siyang boyfriend pero magugulat nalang ako nang umeksena ang magaling kong pinsan tapos sasapakin ako. 'Yun pala matagal nang sila. Tsk. Kaya naibuntong ko yung galit ko kay Meri dahil may usapan rin kaming dapat bago ako papasok ay meron na siya sa harap ng office ko at nag hihintay sa 'kin pero wala! Lumabas naman ako ng office ko, susundan ko si Meri para makapag sorry ako. Alam kong mali yung ginawa ko at sobra ko siyang nasaktan kaya sana mapatawad niya ako. Nakita ko naman yung mga humabol sa kaniya kanina na pabalik na yata sa department kaya agad ko silang nilapitan. "Where's Meri?" "Boss, hindi na po namin siya naabutan." Tinanong ko pa kung alam nila kung saan matatagpuan si Meri o 'di kaya saan yung bahay niya pero sabi nila na wala daw bahay si Meri dahil wala siyang perang pambayad dun sa last na inuupahan niya, kaya pinalayas daw siya. Kaya sa ngayon ay hindi din nila alam kung saan siya namamalagi. Sumakay naman ako nang kotse ko, pwes kung wala siyang bahay ibig sabihin andito lang siya sa pali-paligid. At pag nakita ko siya aalukin ko siyang sa condo ko muna mamalagi para na rin pambawi sa mga kasalanan ko sa kaniya. Ilang oras na akong palibot libot, at kung saan saan narin ako na punta ngunit wala akong Meri na nakita, naalala ko naman na mahilig siya sa park base sa resume niya. Kaya nag isip ako ng park na malapit dito. At mag gagabi na nang makakita ako, malapit ito sa subdivision namin. Marami nang ilaw roon dahil alasingko na nang hapon. May nakita naman akong babaeng naka upo sa bench, at si Meri iyon. Kaya nag park ako sa tabi. Bababa na sana ako nang may lalaking lumapit sa kaniya at nag abot nang ice cream. Naiyukom ko ang kamay ko, ba't andito siya? At kailan pa sila naging close? Bumalik akong muli sa loob ng kotse, at pinagmasdan silang dalawa. Bakit ang saya saya niyang kasama yang lalaking 'yan? Sila ba? May relasyon ba sila? Mukhang komportable naman sila sa isa't isa dahil nag kukulitan silang dalawa na para bang sobrang tagal na nilang mag kakilala. Nang hindi na ako makapag pigil ay lumabas na ako sa kotse saka sila nilapitan. ⁂ MERIMIE Nang makalabas ako sa companya ay may kamay na humigit sa wrist ko, akala ko ay sina Dave parin kaya pabalang kong binawi ang kamay ko. "Hey Meri it's me, Kairo," natigil naman ako sa pag iyak nang marinig ang boses niya. Hindi ko mapigilang yakapin siya dahil sa sakit at pang hihina na nararamdaman ko. Naramdaman ko naman sa likod ko ang kamay niyang humahagod. "Let's go somewhere na makapag papawala nang lungkot mo," hinila naman niya ako sa parking lot ng companya at dinala ako sa... Park. Umakyat naman kami sa slide, pero hindi kami nag laro. Sumilong lang kami doon dahil 'yun lamang ang natatanging may bubong. Tahimik lamang kami at ni isa samin ay walang balak na magsalita, hindi naman ako makapag salita dahil nahihiya parin ako sa nagawa ko kanina, nung niyakap ko siya nang walang pahintulot niya. Sa tingin ko tuloy, ang manyak ko. Ano na carried away na naman ba ako nang emosyon ko? Inimagine ko rin bang imaginary boyfriend ko siya? Na nasa panaginip—arghhh ano ba 'tong pinag iisip ko? "So what happened?" Tanong nito. Hindi naman ako tumingin sa kaniya dahil ramdam kong namumugto ang mga mata ko at ayokong makita niyang ganto ang itchura ko. "Tell me, what did that monster did to you?" Muli ko naramdaman ang nag babadyang mga luha, nag-iinit na rin ang gilid ng mata ko. Hindi parin ba ako tapos umiyak? Ang hapdi na nang mata ko ah? Pinunasan ko nalamang ang ilong ko dahil ramdam ko yung sipon kong tutulo na. "If you don't want to talk about it then do you want us to play?" Napatingin na ako sa kaniya. Para siyang bata, sa laki niyang 'to gusto niya parin maglaro? Dito sa park? Hahaha ang cute naman. Hindi na ako nag alinlangan pa at pumayag na. Siguro ito yung way para makalimutan ko yung problema ko, kahit saglit lang gusto kong makalimutan yung problema ko. Naglaro naman kami ng kung ano ano, sa slide, sa sisow, at kung saan saan pa. Naglaro rin kami nang habulan na talaga namang mas lalong ikinatuwa naming dalawa. Nang mapagod kami ay napag pasyahan naming mag pahinga na, kinuha ko ang bag ko mula sa taas ng slide saka kami umupo sa isang bench na nasa gilid lamang ng parke. Ala singko na rin ng hapon kaya marami nang ilaw dito sa park na naka open, sobrang aga naman yata? May araw pa naman ah? Pero medyo madilim na kasi parang uulan yata. Nahagip naman ng mata ko ang isang itim na kotse na pumarada sa kalsada katabi ng park. Hindi ko nalamang iyon pinansin at itinuon ang atensyon sa cellphone ko. Marami akong misscalls galing sa mga kaibigan ko, pero misscall galing kay dino? Psh, bakit ko pa ba aasahan 'yon? Siya naman may kasalanan bakit ako ganto ngayon. Nakarinig naman ako ng mga yapak at nakita ko si Kairo na papalapit habang may hawak na ice cream. Napangiti na lamang ako, paano niya nalamang mahilig ako sa ice cream? At saka, saktong paborito ko pang cookies & cream ice cream flavor ang napili niya. "Pano mo nalamang favorite ko ang cookies & cream flavor?" Tanong ko habang sinimulang dilaan ang ice cream ko. "I just felt it," eh? Anong ibig niyang sabihin 'I just felt it'? Mag tatanong pa sana ako kaso hinayaan ko nalang, siguro na ikwento o nasabi ko na sa kaniya dati kung anong gusto kong flavor pag dating sa ice cream, pero sa pag kakatanda ko... wala pa akong nasasabi sa kaniya about sa sarili ko. Sa mga gusto ko o sa kung ano pang ginagawa ko sa buhay. Like of course hindi pa kami ganon ka close dati, sadyang mabait siya sa 'kin dahil employee niya ako, pero hindi ko ine-expect na sobrang close na niya sa 'kin ngayon na parang mag kaibigan lang kami at hindi niya ako empleyado lamang. Nag kwentuhan lamang kami ng kung ano ano, like—tungkol sa trabaho niya, kung anong mga hobbies niya at kung ano ano pang tungkol sa kaniya at sa ginagawa niya sa buhay. "Are you having fun?" Napatingin naman kami sa lalaking kakalapit lang samin. Bakit—Anong ginagawa niya dito? Pag katapos nang lahat ng ginawa niya sa 'kin, saka siya mag papakita? Wala ba siyang kahihiyan sa katawan? Kahit onti manlang? "Jin, what are you doing in here? I thought you're too busy to do some extra jobs," Hindi ko naman naintindihan ang ibig sabihin ni Kairo, at oo nga pala... mag kagalit ang dalawang ito, kaya panong nakakausap nang mahinahon ni Kairo 'tong dino na 'to? "I need to talk to Ms. Bautista, so back off," mas lumapit naman si Jin sa 'kin, hahawakan na sana niya ang kamay ko nang tumayo ako. Umarko naman ang kilay nito. "Bakit ka ba andito? Wala na tayong kailangan pag usapan kaya umalis ka na," hindi naman maipinta ang itchura nito. Ayaw ko siyang makita eh, pero siya naman ngayon yung andito para makausap ako. At saka nag resign na ako sa trabaho ko, meron pa naman yung cafe kaya may trabaho pa ako. "You heard her Jin, just go." Sinamaan naman ng tingin ni Jin si Kairo saka umalis. Sumakay siya dun sa itim na kotse na nakaparada sa gilid ng parke, sa kaniya pala 'yun. So kanina pa siya dun? Ano bang gusto niyang pag usapan namin at siya pa talaga yung pumunta dito? Hinawakan naman ni Kairo ang kamay ko at iginaya akong umupo. Hindi ko siya matignan dahil... nahihiya ako? Dahil nakita niya kung paano ko sagutin yung Jin na 'yon at dahil sa 'kin kaya sila muling nag kausap? Hindi ko na alam. "Are you okay?" Tanong ni Kairo. Hindi ako makapagsalita, nanginginig ang katawan ko dahil sa takot sa pwedeng gawin ni Jin. Ano ba kasing gusto niya? Umalis na nga ako sa kompanya dahil 'yun ang gusto niya tapos ngayon ginugulo pa niya ako. Hindi pa ba sapat yung sakit na dinulot niya sa 'kin? Apakawalang hiya naman niya kung ganon. Nakaramdam naman ako ng lamig sa kamay ko, natutunay na pala ang ice cream ko kaya tuluyan na akong naiyak. Nataranta naman si Kairo at 'di alam kung anong gagawin. Kung papatahanin ba ako o sasaluhin yung mahuhulog kong ice cream, ngunit inuna na niya yung ice cream at itinapon sa basurahan. Naglabas naman siya ng panyo saka pinunasan ang kamay ko. "Hey, stop crying already." Pag papatahan nito, ngunit hindi parin ako matigil sa pag iyak. "Yung ice cream ko Kairo! Natunaw na yung ice cream koooo!" Humagalpak naman ito ng tawa kaya napatingin ako sa kaniya. Mas lalo naman itong matawa ng makita ang itchura ko. Inayos naman niya ang panyo saka idinikit sa ilong ko. "Kita mo oh, may sipon ka pa hahaha can you stop crying now? Ito oh yung ice cream ko sayo nalang," I sniff, I looked at him. Tumango lamang siya saka inilahad ang ice cream niya. Kinuha ko naman ito. "You're so damn cute when you cry," natigil na ako sa pag iyak, nakakahiya naman. Bakit ba ako umiyak ng dahil sa natutunaw na ice cream. Ang weird ko amp.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD