Nang matapos akong patahanin ni Kairo sa kaiiyak, pumunta na kami sa cafe. Ipagluluto niya raw kasi ako ng bagong recipe na naisip niya for breakfast.
Breakfast pero mag gagabi na. Iba rin utak netong boss ko.
Gusto niya raw kasing matikman ko muna yung recipe bago niya ilagay sa menu. Kung hindi ko lang talaga boss 'tong si Kai, iisipin kong may gusto siya sa 'kin.
"Goodevening boss, Meri." Bati ni Maetel nang maka pasok kami ni Kairo sa cafe. Gabi na kami nakarating dito ni Kairo dahil nag grocery pa kami dahil may mga kulang daw na ingredients sa kusina.
"Goodevening din Mae, nakauwi na ba si Ronie at Larie?"
"Yes boss, kakauwi lang kanina. Pauwi na rin po ako." Tugon ni Maetel habang nag aayos ng gamit niya. Nauna na si Kairo sa kusina, kaya kaming dalawa nalang ni Maetel ang naiwan.
Napatingin ako kay Maetel ng pakunyare itong naubo. Nakakaloko itong tumingin sa 'kin. Ano naman kayang nasa isip nito?
"Ba't mag kasama kayo ni boss Kai, siguro... nililigawan ka niya noh? Ayieeeee". Sabi ko na, may iniisip siyang hindi kapani-paniwala.
"Kung ano anong pinag iisip mo," umupo naman ako sa isang silya. Sobrang tahimik na nang cafe dahil kami kami nalang ang tao dito. Naririnig naman mula dito ang ingay na nang gagaling sa kusina.
Umupo naman si Maetel sa tabi ko, at bakas sa mukha nito ang excitement. Ha? Tama ba ako ng nakikita sa mukha niya? Ba't siya masaya?
"Tell me, anong meron sa inyo ni boss Kai?" Interesado nitong tanong. Nagpa cute pa ito na para bang gusto niyang sabihin ko sa kaniya lahat ng sikreto ko. Eh sa wala naman akong tinatago.
"Wala nga sabi. Nakita ko lang siya kanina sa opisina kaya nag sabay na kaming pumunta dito. Sabi niya kasi na may ipapatikim siya sa 'kin." Napatakip naman siya ng bibig habang nanlalaki ang mga mata. May nasabi ba akong nakakagulat?
"Gosh sis! Kakakilala mo palang kay boss Kai pero isusuko mo na ang bataan?!" Sabi nito tas tumingin sa pagitan ng mga hita ko. Aba, bastos!
"Mali ka nang iniisip, ipagluluto ako ni boss kai. Ipapatikim niya raw sa 'kin yung bagong recipe na naisip niya bago niya ilalagay sa menu." Parang natunawan naman ng yelo sa katawan si Maetel. Kung ano ano kasing pinag iisip.
Napatingin naman kami sa cellphone niya ng tumunog ito. Tumayo siya para sagutin iyon. Hinahanap na siguro siya sa kanila.
"Sis, I need to go home na. Hinahanap na kasi ako ng boyfriend ko eh." Sabi nito saka nag beso beso sa 'kin. Bago pa man siya makalabas ng cafe ay may sinabi pa siyang nag pa-init ng sistema ko.
"Mag suot ng proteksyon sis ha? Meron diyan sa kabinet just in case," Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Grabe siya mag isip. Apaka sama!
Pumasok naman ako sa kusina. Nadatnan kong patapos na si Kairo sa pagluluto. Ganon na ba katagal yung pag uusap namin ni Maetel?
"Ambango," ani ko na nag pangiti kay Kairo. Totoo naman eh. Kung hindi yung pagkain yung mabango, si kairo 'yon.
"I'm done. Let's have a sit." Naupo naman ako sa tabi niya. Ang dami niyang niluto, sure siyang para sa menu 'to o date? Char, assumerang Meri.
Tinikman ko naman ang unang nakahain sa harap ko. Para siyang itlog na hinaluan ng something. 'Di ko ma explain, ano ba 'to?
Nang malasahan ko ito ay para akong napunta sa ulap. Grabe ang sarap, best chef talaga si boss Kairo. Napatingin naman ako sa kaniya ng marinig ko siyang bahagyang tumawa.
"What?" Tanong ko.
"You're really cute, ang kalat mong kumain." Sabi nito tas inilapat ang hintuturo niya sa labi ko. Parang tumigil ang paligid ko.
Tanging siya lang ang nakikita ko at ang bahagya niyang pag tawa ang naririnig ko. Wait, am I?
Am I inlove with Kairo?
Nabalik naman ako sa realidad ng marinig ko ang pagtawag nito sa pangalan ko. Shockksss kakahiya, nag de-daydream ako.
"Are you okay? Kanina pa kita tinatawag pero nakatulala ka," tumango tango lang ako. Nag patuloy nalamang kami sa pagkain.
Nakakahiya ako. Naisip ko pa talagang gusto ko siya. Ipinagluto niya lang naman ako sa para sa menu ng cafe.
Tinulungan ko naman siyang nag ayos nang kusina, sabay na rin kaming nag sara ng cafe. Kay lamig ng simoy ng hangin sa gabi. Ang sarap sa pakiramdam.
Tumingin naman ako sa ulap, andaming bituwin. Kamusta na kaya ang pamilya ko? Si mama, si papa, si kuya. Namimiss rin kaya nila ako? Mahal— mahal pa kaya nila ako?
Nabigla ako ng yakapin ako ni Kairo. Ni hindi ko siya nagawang yakapain pabalik dahil sa gulat.
"Shhhh, don't cry. Andito lang ako," hindi ko na mapigilang maiyak lalo. Ramdam ko ang pag aalala sa boses ni Kairo. Ang malamig na simoy ng hangin ay natatakpan ng init ng katawan ni Kairo.
"Bakit mo ba ginagawa 'to Kai, iisipin ko niyan may gusto ka sa 'kin." Biro ko ngunit wala akong narinig na tawa mula sa kaniya. Kaya pinunasan ko ang mukha ko bago ko siya tinignan.
Seryoso naman siyang nakatingin sa 'kin.
"If that's what your thingking then it's okay, I really like you Meri. Simula palang nung makita kita. I know that I like you, and it's killing me when I see you like this." hinawakan niya ang mukha ko. Unti unti niyang inilalapit sa 'kin ang mukha niya.
Ngunit bago pa man niya ako mahalikan ay tumilapon siya sa sahig. I saw a man's back infront of me. Malaki ang taong ito, pansin ko ang damit nitong pang trabaho, ang buhok nitong naka intak sa likod ng ulo, and his smell.
Jin.
"Ano bang problema mo Jin?" Tanong ni Kai na katatayo lamang. Hindi naman nag salita si Jin ngunit masama ang tingin nito kay Kairo.
"Stay away from Merimie," ano daw? Stay away from me? Aba, bakit pag mamay ari ba niya ako?
Bahagya namang natawa ng pagak si Kairo sa narinig. Sandali, nag kakaganito si Jin dahil ba sa nangyare sa kanila dati? Yung sa secretary niya na girlfriend dapat ni Kairo?
"And who do you think you are para pag sabihan ako? Meri is mine." Ani ni Kairo. Wait, anong mine mine sinasabi niya? Hindi pa naman kami ah?
Nilingon naman ako ni Jin. Masama ang tingin na iginawad niya sa 'kin. Oh, ba't sa 'kin na siya ngayon galit? Diba dapat kay Kairo siya galit?
Lumapit siya sa 'kin, hindi ko naman nagawang gumalaw sa kinatatayuan ko. Para akong naistatwa dahil narin sa takot sa maaaring gawin sa 'kin ni Jin. Sasaktan ba niya ako?
Nang makalapit siya sa 'kin ay hinapit niya ang bewang ko saka ako hinalikan.
Wait! Ba't hinalikan? Ano ba talagang nang yayare? Ba't niya ako hinalikan?!
"Sa 'kin ka lang, I don't want you to be with someone else. I'll kill if I wanted to." Tiim bagang nitong sabi. Shocks, pogi naman nyarn papa Jin. Kaso aba, galit. Bakit kami ba? Hindi naman ah?
Nakaramdam ako ng malamig na bagay sa mukha ko, inimulat ko ang mata ko at nakita si Maetel na natatawa. Eh? Panaginip?
"Goodmorning sunshine!" kinusot kusot ko naman ang mata ko. Anong oras na ba?
"Grabe ah? Ano kayang panaginip 'yan at tulo laway ka. Siguro may kababalaghan noh?" Sinamaan ko naman siya ng tingin na siyang ikinatawa niya. Lumabas na rin siya ng kwarto pag katapos akong dalhan ng maiinom. Apaka bait naman na bata.
Nang makapag ayos ako ng sarili ay bumaba na rin ako sa cafe para tumulong. Hindi pa kami open at nag hahanda palang nang mga gamit. Nginitian naman ako ni Maetel, ganon rin ang ginawa ko sa kaniya.
Pumunta ako sa kusina dahil may kape daw ako na ginawa ni Ronie. Isa ring mabait. Ano ba ako dito, bisita o empleyado?
Nadatnan ko namang nag hihiwa ng mga ingredients si Ronie na gagamitin sa pag luluto mamaya, samantalang si Larie naman ay andami nang na bake na cupcake para idisplay sa counter mamaya.
"Goodmorning," Bati ko sa kanilang dalawa. Ganon rin ginawa sila sa 'kin.
"Meri, may iniwan pala si boss sayo dito. Hindi ka na niya nahintay magising kaya nauna na siya sa opisina." May itinuro naman si Ronie sa isang lamesa. May nakapatong roon na box at kape.
Ano naman kayang laman ng box? Tsaka birthday ko ba? Hindi pa naman ah?
Inopen ko ang box at isang teddy bear ang laman nito. Asong teddy bear. Wait, asong teddy bear? Hindi ba dapat tawad dito teddy dog? Ay basta ang cuteee.
Bakit naman ako bibigyan ni Kai ng teddy bear? Dahil ba sa umiyak ako kahapon dahil sa ice cream na natutunaw o sinabi ko sa kaniyang mahilig ako sa aso?
Ay basta, salamat sa kaniya. Mamaya ko nalang siya pasasalamatan pag balik niya dito. Mag hapon rin 'yon sa trabaho niya kaya gabi lang siya pumupunta dito sa office. Ginabi na rin kami ng uwi kahapon dahil sa dami naming pinamili sa mall.
Late na rin ako natulog dahil nag kwentuhan pa kami bago niya napag pasyahan umuwi na.
Naalala ko naman yung panaginip ko kagabi, yung nag away si Kairo at si Jin. Ba't andun yung hinayupak na 'yon? Hahalikan na sana ako ni Kairo eh. Sayang sinapak pa kasi.
Akala ko sasaya na ako eh. Gusto ko nang happy ending para sa story ko. 'Di naman 'to story ni Jin pero umeepal sa eksena. Sarap ipalapa sa dinosaur.
Niyakap ko nalamang ang teddy dog na nasa kamay ko. Ang lambot.
Ang swerte naman ng magugustuhan ni Kairo. Ang pogi na nga, ang jumbo pa!
Nang katawan.
Iniligpit ko na ang baso ko pati na rin ang teddy bear. Ibinalik ko muna iyon sa box para hindi madumihan saka ko itinago sa ilalim ng counter. Thank you sa pinaka mabait na co-workers at boss. Nagiging magaan ang loob ko tuwing kasama ko sila.
Sana araw araw na ganito. Puro saya lang, walang Jin na epal.