CHAPTER 10

2966 Words
"Totoo naman diba? Kaya nga siya napalayas sa companya dahil malandi siya," "What?! The who ba 'yan beshy?" "Eh sino pa ba, e 'di si—" Hindi ko na narinig ang pinag-uusapan ng tatlong babae nang tawagin ako ni Maetel. Familiar yung tatlong babae sa 'kin, nag ta-trabaho din sila sa Dillera corp. pero ibang apartment. Sino kaya yung pinag-uusapan nila? Hindi kaya... ako? Dahil sa nangyare dun sa airport? Tinulungan ko naman si Maetel sa pag-aayos ng mga paper towels na ilalagay sa mga bagong table. Naisipan kasi naming ayusin yung cafe, nagbigay ako sa kanila ng idea at tulong tulong kami sa pag-aayos. Si boss Kai naman ay agree, tumulong pa nga siya kahit ayaw namin eh. Pagod din kasi sa trabaho 'yon. Naka assign ako ngayon sa counter. Palit kasi kami ng trabaho ni Maetel, siya na raw bahala sa pag kuha ng order ng mga customer. Aalis na sana ako sa pwesto ko dahil sa gusto kong tumulong sa pag kuha ng order ng tumunog ang bell hudyat na may bagong customer. "Welco—" yung ngiti ko ay biglang nawala. Bakit siya andito? "Hi," ngiti nitong sabi. Anong ginagawa niya dito? "What can I get for you sir?" Walang gana kong tanong sa kaniya. Hindi ko siya kayang tignan dahil naiinis ako pag nakikita ko ang mukha niya. "Green tea, please." Napatingin naman ako sa kaniya, ngunit nag iwas siya ng tingin sa 'kin habang takip takip ang bunganga nito. Is he blushing? "That will be ₱60.00 sir," iniabot naman niya sa 'kin ang 100 pesos. Ibinigay ko naman sa kaniya ang sukli niya at ang table ringer. Ginawa ko ang Green tea na inorder niya, nasa tabi lang kasi ng counter ang pagawaan ng mga inumin kaya ako na ang gagawa dahil busy ang lahat sa kaniya kaniyang trabaho. Nang matapos kong gawin ang green tea ay pinindot ko na ang table ringer niya. Nakita ko namang umilaw iyon mula sa table niya. Nang makalapit siya sa counter ay ibinigay ko na ang inorder niya. "Thank you," sabi nito ngunit hindi ko siya pinansin. Wow, ambait naman yata niya? Anong anghel pumasok sa katawan niya? Sana mag stay na sa kaniya para naman bumait bait siya. 10 pm na at wala nang customer sa cafe, ay meron pa pala. Si Jin. Hindi ko alam ba't andito parin siya. Lalapitan ko na sana siya nang pumasok si boss Kai, I greeted him at ganon din ang ginawa niya. Napatingin naman siya kay Jin na parang boring na boring na sa buhay niya. Ba't 'di pa kasi siya umalis? Ilang Green Tea na ang inorder niya! Nilapitan naman siya ni boss Kai kaya hinayaan ko nalamang silang mag-usap. After an hour, I saw both of them shake hands. Are they doing some business? Napatayo naman ako ng palapit sila sa kinaroroonan ko, I saw Kairo's tired eyes. Oww, pogi parin kahit pagod and then their's Jin; ang taas ng ngiti akala mo walang kasalanan sa 'kin! "Meri, I have some favor to ask," sabi ni boss Kai, tumango lamang ako. "I need someone to handle the papers at my department. Can you do the work for me? Kailangan ko kasing umalis dahil sa business trip namin sa Hawaii and I can't do the papers while I'm away at ikaw lamang ang alam kong magaling sa pag handle ng mga paper works ng Dillera Corp. And you don't have to work in here anymore dahil ayaw kong mapagod ka lalo." Mahabang lintyahan nito. So babalik ako dun sa impyernong companyang 'yon? Makakasama ko na naman itong dinosaur na 'to? Aba, tadhana nga naman oo! "Of course boss Kai," Tanging nasagot ko na lamang. Wala naman na akong magagawa noh? Tsaka naging mabait sakin si boss Kai, simula pa lamang noong una ay tinulungan na niya ako. Kaya ito na yata ang panahon upang siya naman ang tulungan ko. "Ilang araw kang mawawala boss Kai?" "I think months, sobrang dami kasi naming kailangan ayusin kaya mahihirapan akong bumalik kaagad dito. But don't worry, I'll make sure na mababayaran kita sa tamang oras." I just smiled. Sobrang bait talaga ni Kairo. Sana si Jin nalang yung aalis, sayang naman. Kinabukasan, maaga akong nagising upang makapag handa sa pag pasok muli sa Dillera Corp. makikita ko na naman ang mga bubuyog kong mga co-workers pero 'di ako magpapa apekto sa kanila. Buhay ko 'to pakealam nila? Nang makarating ako sa companya ay dumeretso ako sa department ni boss Kai. Sobrang ganda rin pala dito at talagang mababait ang mga tao. Kahit na alam nila ang nang yare sa 'kin last time na andito ako ay hindi parin nila ako jinudge. Katulad nalang ngayon, they even have a welcome party for me. Hindi man nakatakas ang kwentong nang yare sa pagitan namin ni Jin noon, binalewala nalamang nila iyon. Okay lang daw 'yun dahil ganon naman talaga ang ugali ni Jin, masama. Aba, buti aware sila! Swerte nga nila hindi sila dun department napunta, kundi watak watak na utak nila ngayon. 'Di ko alam panong nag tatagal yung mga ex co-workers ko 'don, siguro dahil sa pogi si Jin. Oo, halata namang malantod lahat ng babaeng makakapal ang make-up 'don. Matiwasay naman ang buhay ko sa trabaho ko ngayon, wala akong boss o CEO na pinoproblema dahil mabait at maalaga na boss si Kairo. Kagabi ay umalis na rin si Kairo dahil mag hahanda pa daw siya para sa flight niya ngayong araw. Hindi ko nga alam kung nakalis na 'yon dahil hindi pa nag re-reply sa messege ko. Sabi niya kasi I-message ko siya pag karating ko dito sa office niya. Oo, sa office niya ako naka assign. Dito ako dinala nung secretarya niya. Akala ko nga kukunin ko lang yung mga papel na kailangan kong gawin ngunit dito pala ako pansamantalang mag o-office hanggat wala ang boss Kairo nila. Wala namang tutol dahil kilala naman daw nila ako bilang isang magaling na handler dito sa companya. Habang busy ako sa pagtitipa sa laptop ko ay may kumatok naman sa pinto, itinigil ko naman ang ginagawa saka ko pinapasok ang tao sa labas. Yung secretarya pala ni boss Kai. "Yes?" "Ma'am Merimie, Mr. Montrales is here to talk to you. Shall I let him in?" Jin? Anong ginagawa niya dito? Naliligaw ba ang dinosaur na 'yon at andito siya sa department ni Kairo? Tumango lamang ako, may tinawag naman si Fe ang secretarya ni Kairo. Ilang segundo pa bago nag pakita si Jin. "Have a sit Mr. Montrales," I said while offering the sit infront of Kairo's desk. Sumunod naman siya. Inilapag niya ang paper bag sa lamesa, saka isa isang inilabas lahat ng laman nito. Puro Tupperware na may lamang pagkain. Don't tell me may balak siyang inggitin ako habang kumakain sa harapan ko? "May office ka naman diba, ba't dito ka pa kakain?" He looked at me but didn't say anything. Binigyan niya ako ng tupperware na may lamang kanin saka mga ulam. Ganon din ang meron sa harap niya. Itinabi niya rin ang laptop at mga papel na nag kalat sa table. Nang makaayos siya nang upo ay wala walang sabing sumubo ito nang pagkain. Gutom na gutom? Tsaka, parang hindi lang ito bili sa karenderya dahil sobrang bango ng pag kakaluto. As in parang sa amoy palang mabubusog ka na. Hindi na ganon kainit pero ang bango parin. "Alam kong masarap ako pero yung pagkain yung tignan mo, hindi ako." Hindi naman ako makapaniwala sa narinig ko. Kapal din nang mukha neto eh noh? "Hindi ako gutom," sabi ko saka inilihis lahat ng pagkain sa harapan ko. Kinuha kong muli ang laptop ngunit agad niya rin iyong kinuha, kinuha naman niya ang tupperware kanina na nasa harapan ko saka ibinigay ang kutsara at tinidor sa 'kin. Bakit ba siya nagiging mabait? "Sabing hindi nga ako gu—" hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko nang itapat niya sa bunganga ko ang isang kutsarang pagkain. "Eat, ayokong may nakikitang nasasayang na pagkain." Seryoso nitong sabi. "Bakit, ikaw ba nag luto nito?" "Yes," mabilis nitong sagot. Tinignan ko naman ang hawak hawak niyang kutsara. "Nangangalay na ako, just eat it." Dinampot ko ang kutsara saka tinidor na nasa tupperware ko saka ako doon sumubo. Ano siya jowa ko para subuan ako? Aba, 'di ko siya type! Dismayadong mukha naman ang nakita ko sa kaniya. What? Nadismaya siya dahil sa hindi ko kinain yung asa kutsara niya? Aba, ibang level ng kalandian 'yan ah? Hindi niya ako magagaya sa mga dating secretarya niya oy! At sa araw na ito, ipapangako kong never akong mahuhulog sa demonyong Jin Russel Montrales na 'to! As in never! Never ever and ever! As in no! Magiging bangungot sa 'kin ang lahat kapag nang yareng magustuhan ko siya. At kahit pa magugustuhan ko siya, magigising at magigising lang rin naman ako sa katotohanan eh. At kung sakaling magising ako sa katotohanan, hindi ko gugustuhing makilala siya, at wala akong balak kilalanin siya! Tahimik lamang kaming kumakain, minsan ay nararamdaman ko siyang nakatingin sa 'kin ngunit isinawalang bahala ko nalamang iyon dahil ayaw ko naman siyang makasama sa iisang lugar. Ginagawa ko lamang ito dahil sa pabor ni Kairo. Nang matapos kaming kumain pareho ay nag presenta siyang siya na raw ang magliligpit. Aba, dapat lang. Siya nag dala ng mga 'yan dito eh. Joke, promise ansarap niya magluto. 'Di ko maitatanggi 'yun. Bago pa man siya makaalis ay muli siyang humarap sa 'kin, "I wanted to know you better Merimie and I'm sorry for what I did." hindi ko alam kung gusto ko na siyang patawarin o gusto ko siyang sipain. Para saan naman 'yon? Ano kayang good spirit pumasok sa katawan non? Apaka bait ah? Pinagluto pa ako ng pagkain. Hindi ko na siya napasalamatan dahil agad itong lumabas ng office, siguro next time nalang. Pwede naman pala maging mabait yung lalaking 'yon. Wag lang sumanib yung mala dinosaur niyang ugali, nako! Matik na, wala nang matinong masasabi 'yon. Ala-sais na nang gabi at handa na akong umuwi. Nakasabayan ko ang ilang tauhan ni Kairo papunta sa elevator, yung iba binati ako ng magandang gabi, yung iba naman ay goodbye. Sobrang bait talaga nila, hindi katulad nung mga asa department ni Jin, pinaglihi yata sa kaniya lahat. Maliban sa mga kaibigan ko tho. Nang mag bukas ang elevator ay sabay sabay kaming pumasok, o-onti lamang kami dahil yung iba ay ginamit ang kabilang elevator. Sampung tao lang kasi ang minimum na pwedeng sumakay sa elevator. Pinindot ko naman ang Floor 1 dahil doon naman ang punta nang lahat. Nag stop naman ang elevator sa Floor 11. Pagka bukas nang pinto ay natahimik ang mga kasamahan ko sa pag uusap usap. Si Jin pala. Nag silabas naman kaming lahat dahil ayaw na ayaw niyang may nakakasabay sa elevator, ewan ko ba ang arte. Nang makalabas ang lahat ay siya namang pag pasok niya, ilang segundo na pero hindi parin nag sasara ang elevator. Kapag mag sasara naman ito ay pipigilan niya. Anong problema niya? "Are you not going in?" Napatingin naman ako sa mga kasamahan ko. Bulungan naman sila, hindi rin alam kung anong nangyayare. Wait, sino bang tinatanong nito? "Merimie, I said are you not coming in?" Napaturo naman ako sa sarili ko. Malamang Meri ikaw tinatanong, may iba pa bang Merimie sa companya niyo? Panenermon ng isip ko. Malay mo, hindi lang naman ako ang may Merimie na palangalan diba? 9 billion kaya ang tao sa mundo duh. Napaatras naman ang mga tao sa likod ko nang lumabas si Jin saka ako hinila sa loob ng elevator. Agad niyang pinindot ang floor 1, kaya unti unting nagsara ang elevator. Nahagip pa nang mga mata ko ang hindi makapaniwalang mukha nang mga tao sa labas. Hindi rin siguro makapaniwala sa nang yare. Iniisip siguro nila close kami nang hinayupak na 'to, duh. As if. Ni hindi ko nga alam anong pumasok sa utak neto at isinabay ako sa elevator, samantalang dati onti nalang sasabog na yung ulo niya sa galit pag nakikitang may taong hindi pa lumalabas sa elevator eh. Paanong hindi alam eh ke bago bago, tsk. Eh kung mag pagawa nalang kaya siya ng sarili niyang elevator? Hindi yung inaangkin niya yung elevator na para dapat sa lahat? Sarap upakan neto eh. Tahimik lamang kami habang hinihintay na makababa ang elevator, ba't ang tagal? Parang kanina pa kami dito ah? Diba dapat saglit lang ang elevator? Bigla namang yumugyog ang elevator kayat napakapit ako sa braso ni Jin. Shia, ano 'yon? Namatay rin ang mga ilaw kaya't natakot na ako. Duwag kasi ako, takot ako sa madilim. Nanginginig na ako sa takot, naiiyak na rin ako. Ba't ngayon pa nang yare 'toh? Lumiwanag naman ang ilaw nang cellphone ni Jin, may dinadial ito ngunit out of reach. Kinuha ko naman ang cellphone ko ngunit wala itong signal. Kahit isang bar lang? As in wala? Ilang minuto ang lumipas saka nag open ang ilaw sa elevator ngunit hindi parin kami umaandar. May red botton naman akong nakita sa gilid ng pinto, kaso mataas 'yon. Abot ko kaya 'yon? "Jin, yung red botton. I think that's for emergency," napatingin naman si Jin sa tinuturo ko. Nilapitan niya iyon saka inabot. Hindi naman siya nahirapan dahil matangkad siya. Nang mapindot niya 'yon ay may tumunog. 'Di ko alam saan nang gagaling. Inilibot ko ang paningin ko, baka sakaling meron akong magagamit upang makakuha nang signal. Ngunit sa kasamaang palad ay wala akong makita. Paano na 'to? "Wala bang signal yung phone mo?" Tanong ni Jin. Tinignan ko naman ang cellphone ko at nadismaya nang makitang zero bar parin. "Wala eh," narinig ko naman ang mahinang pag mura niya. Pwede din ba akong mag mura? "Alam ko na," hinalungkat ko ang bag ko saka hinanap ang earphones ko. Pwede ko itong magamit upang makasagap nang signal. Nang mahanap ko ito ay kinuha ko ang maliit na gunting na palagi kong dala dala, pang self-defense, jok. Nang maputol ko ang dulong bahagi nang earphone ay isinaksak ko ito sa cellphone ko saka tumayo para mag hanap nang signal, ilang segundo lamang ay may one bar na signal na ang cellphone ko. Nag stay ako sa lugar kung saan ko nasagap yung signal. Nag dial naman ako nang 911 para mailabas na kami dito, parang na sosofocate ako dahil sa sobrang init tas ang hot pa nang kasama ko, juice ko po. "Hello, 911 what's your emergency?" "Hello po, I'm Merimie Baustita, tulungan niyo po kami. Na sira po yata yung elevator na sinasakyan namin ng boss ko. Na trap mo kami at ilang oras na rin kami dito," sabi ko. Hindi ko naman malingon si Jin dahil pag gumalaw ako ay mawawala ang signal. "Saan po kayo ma'am?" "Sa Dillera Corporation po, sa dasma" "We'll be right there Ma'am," sabi nang babae sa kabilang linya. Pinasalamatan ko naman siya. Masayang nilingon ko si Jin dahil sa magandang balita ngunit natigil ako nang dahil sa nakita ko. He's half n***d for God's sake! Anong ginagawa nang lalaking 'to?! Kita ko naman ang tagatak na pawis niyang nag uunahan sa pagtulo mula ulo hanggang sa katawan niya. Shet that abs. Oy oy! Manyak Merimie! Stop it! Abs lang 'yan! Nag iwas naman ako nang tingin sa kaniya nang dumapo ang mata niya sa 'kin. Ganon na ba siya kainit at hindi na niya mahintay na makalabas kami dito? Tutal mainit naman. Bahala siya dyan! "Remove your shirt kung naiinitan ka, wala naman akong gagawing masama sayo." Napatanga naman ako sa sinabi niya. Bulag ba siya? 'Di ba niya nakikitang babae ako? "Baka nakakalimutan mo Mr. Montrales that I'm a woman, not a man." Sabi ko saka siya inirapan. Narinig ko naman ang bahagya niyang pag tawa. "'Di halata, wala ka kasing dibdib." Masama ko naman siyang tinignan. Akala niya 'di ko narinig yung sinabi niya. Tumayo ako saka siya nilapitan, napadaing naman siya nang batukan ko siya. Kaya sinamaan niya ako nang tingin ngunit binelatan ko lang siya, buti nga sayo. "So you wanted it rough huh?" Nakangisi nitong sabi. Ano daw? I wanted it rough? Pinag sasabi nito? Tsaka 'yang ngising 'yan, may binabalak siyang masama noh? Unti unti siyang lumapit sa kinaroroonan ko. Kahit pa sobrang liit ng elevator ay sobrang layo ko sa kaniya. Bakit kami magtatabi, sino ba siya? Hindi parin maalis sa labi niya ang ngisi. Ano bang balak nang lalaking 'to? Ano na naman gusto niya? "Sapak gusto mo?" Tanong ko sa kaniya na ikinatawa niya. "Masasapak mo ba ako pag nasarapan ka sa gagawin ko?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ano 'to r**e?! No way! Bata pa ako! Ramdam ko ang malamig na metal wall sa likod ko, dead end? Hindi na ba talaga ako makakatakas? Tsaka sandali, hindi ko alam na naughty rin pala 'tong si Jin. Akala ko puro sama lang nang loob mayroon sa ugali niya. Sobrang lapit nang katawan namin, ilang pulgada nalang din ang layo ng mukha niya sa mukha ko. Parang isang maling galaw na nga lang ay mahahalikan ko na siya. Pero 'di ako papayag! 'Di ko siya type! Ayaw kong sa kaniya mapunta ang first kiss ko! Uwu no no! Nararamdaman ko ang pag hinga niya sa leeg ko, lumapit lalo ang ulo niya ngunit napunta iyon sa tenga ko, nakiliti naman ako nang dumampi ang hininga niya sa tenga ko. Wait shet, nakikiliti ako. Pulang pula na siguro ako, ba't kasi ganto 'tong lalaking 'to? Tigang na tigang? "Don't be scared Ms. Bautista, wala akong gagawing masama sayo. Tsaka 'di kita type." Natatawa naman siyang lumayo sa 'kin. Dahil sa inis ko ay di ko naiwasang sipain siya sa gitna nang hita niya, kaya napaluhod siya at namimilipit sa sakit. Aba, deserved.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD