Chapter 12: EMERGENCY CALL
Jorge’s POV
“What the heck!” I cussed, curing the wounds on my face.
“Ano ba kasing nangyari, anak?” tanong naman ni nay Binda. Abala siya sa paghahanda ng hapunan. Patuloy ko lang iniinda ang hapdi ng pasa na nakuha ko sa pakikipaglaban kanina.
“Nakipagbasag-ulo lang sa daan, nay,” sagot ko.
“Hindi ba’t tinuruan―“
“Opo, nay,” pag-awat ko sa sasabihin niya. “Niligtas ko lang po ang babae kanina, nay. Hindi naman ako mapapasabak nang gano’n kung hinayaan na lang nila,” dagdag ko.
“Sa susunod kasi, anak, mag-iingat ka.”
Tumango na lang ako bilang sagot. Alam ko naman na nag-aalala lang sa akin si nay Binda. Kaya naiintindihan ko ang pinanggagalingan niya.
“O siya, kumain na tayo,” anyaya niya.
Bago pa man ako tumayo sa sofa ay nakita kong may tumatawag sa aking cellphone. Agad kong dinampot ang aking cellphone sa mesa.
“Saglit lang, nay, sasagutin ko lang ‘to,” pagpapaalam ko, nakaturo sa aking cellphone.
“Bilisan mo na at baka lumamig ang pagkain,” bilin niya bago ako umakyat papunta sa aking kwarto.
Nag-aalangan man ako na sagutin ang tawag, ay may kung anong enerhiya ang nagbigay sa akin ng lakas na sagutin ko ito. It was coming from a stranger’s number.
Hindi ito naka-register sa cellphone ko. Sinagot ko kaagad ang tawag sa kabilang linya. Isang boses ng lalaki ang narinig ko.
"Hello?”
“Yes?” bungad ko.
“Kamag-anak po ba kayo ng may-ari ng numerong ‘to?” aniya ng kabilang linya.
“W-what? Anong kamag-anak?” naguguluhang tanong ko.
“Pasensiya na. Numero mo lang kasi ang nakalagay sa cellphone ng may-ari na ‘to. Kaano-ano niyo ba siya?” dere-deretsang tanong naman nito.
“Huh?” I asked, ambiguous of what’s happening.
“I can’t clearly hear you. I just send you the location of the owner’s phone. She’s in the hospital right now,” he said, before the call has ended.
I was frazzled yet here we go again. A stranger has been called and wanting me to go in the hospital. Who’s in the world will trust a stranger who has called you out of nowhere? As the waves of thoughts keeps on flushing my mind, I found myself lying on my bed. Shall I trust him? What if it’s only a prank?
At this age, scammers will do everything just to lure and scam people. While weighing things, I heard my phone’s message ringtone. A message from the number who called a while popped up.
From: 09463829101
San Lasedo Hospital, near the Ilo’s downtown. Please be here immediately.
That was what written on the stranger’s message. I’m still unsure if I would go or not. A flash of that day when I bumped a girl on the hallway appeared on my mind.
It was Lhorr who I gave my number aside from my friends and nay Binda. Maybe it was her number. But it was impossible that it’s her number. I saw her crumpled the paper I gave her with my number.
“Damn!”
Naguguluhan ako. Pero may kung anong humila sa akin na bumangon. Hindi na ako nakapagpalit at dali-daling lumabas ng kwarto. Nakita ko si nay Binda na kumakain sa dining.
“Anak, saan ka na naman pupunta?” tanong ni nay Binda nang makita akong palabas ng bahay.
“I have an emergency, nay. Baka bukas na po ako uuwi,” pagpapaalam ko.
“Pero―”
“Nay, ayos lang po ako. Huwag na po kayong mag-alala,” pagpapanatag ko sa kaniya. “Aalis na po ako.”
Hindi ko na narinig ang huling sinabi ni nay Binda. Agad akong pumunta sa garahe at sumakay ng sasakyan. Pinaandar ko ang makina ng sasakyan at nagmaneho papunta sa hospital na ibinigay sa akin ng lalaking ‘yon.
“Pambihira ka talagang babae ka,” napasabi ko. "Ano na naman bang nangyari at bakit nasa ospital ka ngayon?"
*****
SAN LASEDO HOSPITAL
Ito ang pangalan ng hospital sa natanggap kong message. Tumakbo ako kaagad papasok ng hospital. Habang papasok ako ay may isang lalaki na nakaabang at lumapit sa akin. Agad siyang nagtanong kung ako ba ang tinawagan niya. Nagpakilala siya sa akin at inihatid sa kwarto ng babaeng tinutukoy niya.
Alam kong si Lhorr ang tinutukoy nitong lalaki. Nakapag-usap din kaming dalawa habang papunta kung saan si Lhorr ngayon. I found out that his name was Wilb. We were in the same university unexpectedly, but I never saw him in the campus.
Baka nasa ibang department nga siya. I don’t bother to ask him. Na-ikwento na rin sa akin ni Wilb ang lahat ng nangyari sa kaniya. Naawa ako sa lagay ni Lhorr base sa kaniyang ikinwento.
Inihatid ako ni Wilb sa silid kung saan nakahiga si Lhorr. Hindi ko man lang nalaman na kailangan pala niya ng tulong. Nalaman ko rin na sa kabilang eskenita lang nangyari ang pagtatangka sa kaniya. I hate myself for being an idiot at that moment.
Nasa kabila lang ako ng mga gabing iyon dahil sa pagtulong ko sa isang babae. Nagtanong ako kay Wilb kung kaano-ano nito si Lhorr ngunit hindi niya raw ito kilala. Narinig niya lang na may humihingi ng tulong kaya agad siyang rumesponde.
Pero bakit panay pangalan ni Lhorr ang bukam-bibig niya? I feel like he’s lying. For someone who spoke to a stranger, I doubted. Mukhang kilalang-kilala niya si Lhorr base sa kaniyang kuwento. Pero ang sinabi niya sa akin ay humahanga lang siya kay Lhorr.
Nagpaalam si Wilb na mauuna muna siyang umuwi. Kaya pumasok na rin ako sa loob ng kwarto kung nasaan niya ako iniwan.
I felt guilty after seeing her unconscious body. Nakita ko siyang nakahiga sa loob at puno ng mga apparatus sa katawan. Napakaaliwalas niyang tingnan kahit bakas pa rito ang mga pasa sa kaniyang mukha.
Umupo ako sa couch habang seryosong tinititigan ang kaniyang mukha. Hindi ko mapigilan ang lungkot na nararamdaman ko dahil no’ng araw na nagkikita kami ay kakaiba siya.
She’s a fighter. I know she can recover to what had happened.
*****
It’s been two days but she’s not still awake. Nagsasalitan kami ni Wilb sa pagbabantay sa kaniya habang wala pa rin siyang malay.
Hindi pa raw makakarating ang nanay ni Lhorr. Doon ko lang nalaman na patay na ang kaniyang ama. I thought she has everything despite her life’s status. Behind her energetic and strong personality, she was carrying multifarious predicaments in life.
I don't know why I felt this way. I don’t know why I longed for something. It seems that I already knew her story. I am trying to recall where did I heard it, but I can’t remember a single detail of it.
Memories na hindi ko alam kung anong klase kung bakit parang pamilyar sa akin. Deep in my heart, I heard it to someone.
*****
“It will serve as your assignment. Class dismissed.”
Hindi na ako nag-atubiling mag-stay sa classroom. Natapos na rin ang huling subject namin sa araw na ito.
“Hoy, Jorge! Saan ka na naman pupunta?!” rinig kong tanong ni Tim.
“May practice pa tayo,” pahabol naman na sabi ni Shoi.
Hindi ko na sila pinansin. Ang kailangan ko ay magmadali papunta sa ospital. Minsan na rin akong umuwi ng bahay dahil sa ospital na ako nakakatulog para bantayan si Lhorr. Naibalita ko na rin sa unibersidad ang nangyari sa kaniya.
Napagpasyahan na namin ni Wilb na ‘wag ng ipaalam sa mga kaibigan niya. Alam kong malalaman din nila iyon.
Ikalawang araw na niya sa hospital. Agad akong naghanap ng parking at dali-daling pumasok sa loob. When I opened the door, I saw her mother. Yakap siya ng kaniyang ina habang wala pa rin siyang malay.
I envy her. Ano kaya ang pakiramdam na kayakap mo ang iyong nanay?
Kahit kailan kasi ay hindi ko ‘yon naramdaman kahit na umuuwi si mommy galing sa trabaho. Palagi siyang busy; she doesn't have time for me.
Nakita ko rin ang kapatid ni Lhorr na abala sa binabasa niya. “Salamat sa pagbabantay ninyo sa anak ko, iho,” pagpapasalamat ng kaniyang sa akin.
“Huwag po kayong mag-alala. Ayos lang po,” tugon ko.
Basya.
Ito ang pangalan ng ina ni Lhorr ayon sa pagpapakilala niya sa'kin. Parang bigla akong nakaramdam ng kakaibang koneksyon ulit. Tila narinig ko na ang pangalan ng kaniyang ina. Hindi ko lang ulit alam kung saan at paano.
Pinapauwi na ako ng kaniyang ina. Ngunit hindi ko pa rin kayang iwanan si Lhorr hanggang hindi pa siya nagigising. Malaki rin ang utang na loob ko sa babaeng iyon kahit na may alitan kami.
Naikwento na rin sa kaniya ni Wilb ang lahat. Pero laking pagtataka ko kung bakit parang matagal ng kilala si Wilb ng ina ni Lhorr. Maybe he played a part to Lhorr’s life before, my second guess. Hindi ko na ‘yon pinansin pa.
*****
Mayamaya ay lumabas si Wilb sa loob ng kwarto at ibinalita na nagising na siya. Nakahinga naman ako ng maluwag sa magandang balitang iyon. Nalaman ko na rin ang buong pangalan ni Lhorr mula sa kaniyang ina. At least, I had the chance to know her story.
Nagpaalam na rin si Wilb sa amin dahil may bibilhin lang sa cafeteria ng hospital. Bago pumasok ang ina nito sa loob ay pinakiusapan kong huwag nang ipaalam ang tungkol sa akin. Sapat ng alam niyang may nagbabantay sa kaniya sa mga sandaling wala siyang kasama.
“Maraming salamat ulit, iho. Napakabait mo talagang bata,” sabi ng ina nito.
“Walang anuman po,” sagot ko.
"Salamat ulit. Nawa'y maging kagaya mo ang magiging kasintahan ng anak ko," nakangiti pa nitong sabi.
Namula ako ng bahagya sa sinabi ng kaniyang ina. “Huwag po kayong mag-alala. Ako na po ang magbabantay sa anak ninyo simula sa araw na ito, para hindi na po ulit mangyari iyon,” pangako ko. “Mauuna na rin po ako baka malaman pa po ni Lhorr na nandito ako,” paliwanag ko.
“Bakit naman, iho?”
“Hindi lang po naging maganda ang una naming pagkikita sa campus.”
“Hayaan mo. Akong bahala sa ‘yo.”
Napangiti na lang ako.
“Salamat po sa pagbabantay ng ate ko, kuya Jorge,” pagpapasalamat ng kapatid nito. Nasa Grade-10 na ‘yong kapatid niya. Akala ko si Lhorr lang ang nag-iisang anak. Masaya naman akong nakilala ko ang kapatid niya.
Lalaki ang kapatid niya. Nasa 5'5 ang height at hindi maikakaila na may hitsura rin siya. I saw Lhorr’s resemblance to him.
“Anytime. Sige mauna na po akong umuwi. Makikibalita na lamang po ako,” pagpapaalam ko.
Umuwi na ako kaagad sa bahay. Panatag na ang loob ko na gising na siya ngayon. Nang isuksok ko ang aking kamay sa aking bulsa ay may nakapa ako. Hindi ko naman namalayan na nadala ko ang bracelet niya na nakapatong sa mesa ng kwarto kanina.
“What the—” Muntikan na akong mapamura. Hindi ko alam kung bakit ko nadala ang bracelet niya. Alam kong hahanapin niya ito
“Lagot na.”
*****
Habang hawak ko ang aking cellphone ay patuloy lang ako sa pag i-scroll sa newsfeed ko. Sa hindi inaasahan ay nahagilap ng aking mata ang isang bracelet sa lamesa.
Pamilyar ito sa akin. Parang nakita ko na ito dati sa kung saan. Kinuha ko ito at itinapat sa ilaw na nanggagaling sa ceiling ng kwarto.
Tumambad ang limang letra mula rito. May nakaukit rito na pangalan at nakasulat ang salitang “PIPAY”.
Nailagay ko ito sa aking bulsa nang biglang pumasok si Wilb sa loob. Lumabas muna ako saglit para makapag-isip ng mabuti kung saan ko nakita ang bracelet na kagaya ng mayroon si Lhorr.
"Pipay?”
@phiemharc – C12