C11: Vacillated

1460 Words
Chapter 11: VACILLATED Lhorr’s POV Enclosed to a dark place, I could still feel the pains on my body. I slowly opened my eyes, trying to escape in the dark place where I am. I was welcomed by a bright light which pushed me to close my eyes again. As I get courage to open my eyes, I already adjusted from the bright arrays of lights on the ceiling. “Nasaan ako?” napatanong ko. Hindi ko alam kung nasaan ako. I was a mere stranger of this peaceful and serene place. Napalingon ako sa aking kaliwa. Nakita ko ang isang lalaki na nakatayo sa pintuan. He looks like my father who died six years ago. Is he picking me up here on Earth? Am I dead? Sana hindi totoo ang mga pinag-iisip ko. “S-sinusundo niyo na po ba ako?” tanong ko. Unti-unti siyang lumapit sa aking direksiyon. In a snap, I knew where I am. It’s in a hospital room after seeing the medical paraphernalia on the table. Pinilit kong umurong sa aking kinahihigaan habang lumalapit sa akin ang lalaki. I remember the night before I lost my consciousness. He was like the guy who kidnapped me. I can sense the danger… again. “L-lumayo ka! Huwag kang lalapit! Ibabato ko ‘tong unan na hawak ko!” pagbabanta ko sa kaniya. Without thinking, the pillow I am holding won’t get him hurt if I would throw it. I saw a smile on his face. “Lhorr, kumalma ka lang. Hindi ako masamang tao. Dinala kita dito sa ospital dahil nawalan ka ng malay. Ako ‘to si Wilb,” sabi niya. Dahan-dahan pa siyang lumapit sa akin. I put off the pillow on my side, showing that I’m giving up. I could vividly remember the last minute before I fainted again. Siya ang huli kong nakita. I owe him my life, but it doesn’t mean he has the chance to forget the past. "S-salamat," nauutal kong sabi. Hindi ko alam kung dala lang ba ng kaba itong nararamdaman ko. Ngunit alam kong galit pa rin ako sa kaniya. Pero inuusig naman ako ng aking konsensiya dahil utang ko ang buhay ko sa kaniya. I doubt him; he’s not a type of a person I should easily trust with. He could be the man behind of what happened that night. Baka nga na frame-up niya lang ako dahil gusto niyang gumanti sa 'kin. Paano niya ako natagpuan? Paano niya nalaman na nandoon ako sa lugar na ‘yon? Paano niya natalo ang apat na lalaking ‘yon? Naguguluhan lang ako sa t’wing iniisip ko iyon. Sa kabila ng pag-aalinlangan ko ay pilit ko pa rin siyang binigyan ng ngiti. Kahit na siya ang nagligtas sa akin, wala pa rin akong tiwala sa kaniya. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ko. “I’m checking on you hanggang wala pang magbabantay sa iyo,” aniya. “Ayos na ako. Kailangan ko nang umuwi dahil may pasok pa ako,” sabi ko. “Dalawang araw kang nawalan ng malay. Hindi naman kita kayang iwan dito ng mag-isa kaya ako muna ang nagbantay sa iyo,” deretsong sabi niya. “A-ano?!” Nabigla ako sa narinig ko. Dalawang araw na pala akong walang malay. Imbes na ang sarili ko ang naisip ko, ay bigla akong napaisip sa babayaran ko sa pananatili dito sa ospital. “Baka malaki na ang hospital bill ko dahil nasa private room pa ako dinala ng kumag na ‘to,” pabulong kong sabi. “Don’t mind about your bill, I already paid it,” tugon niya. “Oh! Wait, ito ‘yong cellphone mo.” Iniabot niya sa akin ang cellphone ko. Buti na lang at hindi iyon nahablot ng mga lalaki. “S-salamat,” nasabi ko na lang. "Tinawagan ko na ang number na naka-register diyan. Hindi ko naman akalain na iisang number lang ang mayroon sa phone mo,” nakangiti niyang sabi. “Ano?! Nayari na!” gulat kong sabi. “Don’t worry, ipinaalam ko lang sa kaniya ang nangyari sa iyo. Wala naman akong alam na pwede kong pagsabihan tungkol sa nangyari,” paliwanag niya. “Also, I already informed your professors and the Dean about what happened. You don’t have to worry on the classes you’ve skipped. All you have to do is to rest until you regain your strength.” Natutop ako. Hindi ko alam kung ano ang pwede kong sabihin. "Puwede ba muna akong mapag-isa? Puwede bang lumabas ka na muna?" pakiusap ko. As his reply, he smiled at me. Then he went to the door, but before he opened the door, I called him. “Wilb.” Napalingon muli siya. “Thank you,” sabi ko. He then smiled again at agad siyang lumabas sa kwarto. Bakit hindi ko kayang pigilan ang pagdadalawang-isip ko sa kaniya. Pilit ko man na gustuhin na patawarin siya bilang kabayaran sa pagliligtas sa akin ay ‘di ko kaya. Pero biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang marinig ko ang sinabi niyang tinawagan niya ang numero sa cellphone ko. Kaagad kong binuksan ang cellphone ko at sinubukang tingnan kung totoo nga ang sinabi niya. He’s right. He dialed the only number on my phone. “Ilang beses na rin pala siyang bumabalik dito sa ospital. Siya ang nagbabantay sa iyo sa dalawang araw na wala kang malay.” Nagulat ako sa nagsalita. Hindi ko namalayan na pumasok pala ulit si Wilb. Natameme ako sa sinabi niya. “S-siya ang nagbantay sa akin dito?” Tumango si Wilb bilang tugon. “Akala ko ikaw―“ “I have to attend my class, kaya salitan kami. But he never left until you gain your consciousness. In fact, kaaalis niya lang nang nalaman niyang may malay ka na.” Siya ang nagbantay sa 'kin? Bakit naman? Hindi ba siya galit sa akin dahil sa nagawa ko sa kaniya noon? “Kung may kailangan ka, nandito lang ako sa labas,” saad niya bago pa tuluyang isinara ang pinto. I never thought he’s that caring and gentle. I wonder how he spent his time here while I am in a deep sleep. I think, I should thank him for what he had done. But I don’t know how after being narcissistic and grumpy to him. I feel embarrassed and ashamed. “Lhorr! H’wag ka ngang maging mabait sa kaniya. Remember, marami pa siyang kasalanan sa'yo!” dinig ko, tila may biglang bumulong sa akin. Walang pattern or password itong cellphone ko kaya mabilis na nabuksan ni Wilb. Kahit kailan ay hindi ko talaga maaasahan ang lalaking iyon. Wala naman kasi itong kalaman-laman kaya wala rin akong dapat na itago. Memorize ko na rin kasi ang mga numbers ng mga kaibigan ko. At tsaka sa wala namang cellphone sina mama at ang kapatid ko, kaya hindi ko na ito sine-save. Is there something that I need to be worried after I knew it? None, I guess. Muli akong napahiga. “Bakit pa kasi ‘yong mokong na ‘yon ang tinawagan pa niya?” inis kong tanong. Hindi kasi talaga ako mahilig mag-save ng numbers. Ayaw ko lang talaga. Kaya ang number niya ang kauna-unahang na-save ko sa aking contacts. The good things is, hindi ko nilagyan ng pangalan niya. Kaya pala dapat nag-iimbak ako ng numbers kung sakaling may mangyari ulit. “Argh!” inis ko. Napataklob na lang ako ng unan sa mukha. Kilala naman ni Wilb si mama at ang iba kong mga relatives, bakit hindi na lang siya doon humingi ng tulong? “Kahit kailan talaga, Wilb, sakit ka ng ulo!” Napangiti ako. Hindi ko alam kung nababaliw na ako. Kanina ay galit at inis ang nararamdaman ko. Ngayon naman ay masaya ako dahil sa naisip ko. Natawa na lang ako dahil baka takot lang magsabi si Wilb kay mama at sa kapatid ko. Baka takot maresbakan. Sa relatives ko naman, walang pakialam pala ang mga ‘yon sa amin. Kaya hindi na kami nakikisawsaw sa buhay nila. Para na talaga akong baliw na kausap ang aking sarili. Naguguluhan pa rin ako. Pero hindi ko maiwasan na mapangiti dahil sa nalaman ko. He has a pure heart indeed. Sa una pa lang naming pagkikita, alam kong mabait siya. The way he confronted me, hindi niya ako tinaasan ng boses. I can feel how soft-spoken and gentlemen he is. Maybe it was my fault since the beginning. I have to find a way on how to make up with him. Pero bakit hindi ba alam ng mga kaibigan ko na nandito ako? Baka ma-failure pa ako sa subjects ko. "Lagot na!" napasabi ko. Ngunit napatigil ako sa aking pagpapantasya ng may biglang pumasok. “Kumusta ka na?” @phiemharc – C11
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD