Chapter 10: TO THE RESCUE
Jorge’s POV
Now Playing: Kung Akin ang Mundo
Malakas kong ipinatugtog ang music sa sasakyan. Hindi ko alam kung nananadya nga ba ang panahon ngayon. I could literally relate to the music sang by Jem Macatuno. What a brilliant day to hear this in the middle of a whirlwind situation.
The strangest thoughts I have right now, is why I am still thinking to that acrimonious girl. In the middle of my driving, I felt something’s not good tonight. Is it still the side effect of too much thinking to that girl? I’m sure, it’s not.
Akala ko maaabutan ko siya sa kalsada, pero hindi na. If I only knew where she lived, I could’ve checked if she’s at home. Siguro nga ay nakauwi na siya sa kanila.
“Tulong!”
Amidst the high volume of my car’s music, I heard someone who seems shouting for help. Is it a hallucination? I don’t know either. With my concern, I turned off the music currently playing in the car.
Looking at the outside of the car’s window, I saw myself driving in the middle of a bush of tall grasses. Shall I disregard what I’ve heard? Or shall I go outside my car to know where’s that voice is coming from?
In the vast options I had, the voice was heard again… clearly, the first time I heard it. Hindi nga ako nagkamali at mayroon nga talagang humihingi ng tulong. Nagmamadali kong itinabi ang sasakyan at mabilis na lumabas dito. Mas naging klaro na ang sigaw ng babae na humihingi ng tulong.
Tinahak ko ang isang masukal na talahiban kung saan nanggagaling ang boses. Doon ko nakita ang isang babae na pinagtutulungan ng isang grupo ng kalalakihan. Hindi na ako nagdalawang-isip lapitan sila para awatin sa kanilang binabalak sa babae.
“Mga boss, babae ‘yang pinagtutulungan ninyo,” pag-aawat ko sa kanila. Nakita ko ang gulat sa kanilang mga mata nang lumingon sila sa akin.
“Labas ka na dito, pare. Kung ako sa’yo lumayo ka na at baka madamay ka pa rito,” sabi ng isang naka-asul na lalaki sa akin, puno ng tattoo sa braso.
“Sandali lang, mga boss. Puwede naman siguro na pag-usapan natin ‘to. Kasi isang babae ‘yang pinagtutulungan ninyo. Syempre, wala namang kalaban-laban ang isang babae kumpara sa inyo,” sabi ko, pinipigilan kumawala ang kamao ko sa kanila.
“Bingi ka ba, bata?! ‘Di ba ang sabi namin ay umalis ka na rito. Kawawa ka lang sa amin, payatot!” sagot naman ng lalaking naka-leather jacket at may mahaba ang buhok.
Napalingon ako sa direksiyon ng babae. Nakayuko siya sa akin pero ramdam kong takot na takot siya.
Napangiti ako sa kanila. “Nagpapatawa po ba kayo? Kung ayaw kong umalis, ano bang gagawin ninyo? Ako ba ang pagsasamantalahan ninyo?” biro kong sabi. Wala na akong naisip na sasabihin. Basta ang alam ko ay matulungan ko ang babae sa binabalak nila.
Nagkatinginan sila. “Pare, niloloko yata tayo ng batang ‘to ha. Upakan na kaya natin para matahimik?” dinig kong bulong ng isa pa nilang kasama.
“Oh, c’mon! I’m ready!” sabi ko para mas maagaw ang atensiyon nila.
“Ayaw mo talagang umalis, payatot? Kung ‘yan ang gusto mo pwes ay ibibigay namin sa’yo!” seryosong sabi ng kanilang lider.
Kumaripas sa paglapit sa akin ang isang lalaki sa 'kin. Mabilis akong nakailag nang akmang susuntukin niya ako.
Pinagtulungan ako ng tatlong lalaki na tumangay sa babae kanina. Nasa akin na nga ang atensiyon nilang tatlo. Umiilag ako sa bawat paglapit ng kanilang kamao sa akin. Ngunit hindi ko naiiwasan ang ilang tadyak at suntok na tumama sa aking katawan.
I never thought to experience this action-like scene mainly watched in action movies. Kahit papaano ay nagamit ko rin ang natutuhan ko sa boxing no’ng high school. I enrolled in the boxing summer class. I was a center of bullying before, and through boxing I was able to defend myself.
It seems I was boiling in anger the reason I punched their faces with a heavy fist. I saw two of the guys running away which made me smirked.
“Akala ko ba malalakas kayo?” napasabi ko.
Subalit hindi ko napansin na nakabangon pala ang kanilang lider na nakahandusay sa lupa kanina. The impact of a tree trunk at my back made me kneel on the ground. It was painful as hell.
“Pakialamero ka kasi, bata! Magkikita pa rin tayo.” Iyon ang huling sabi ng lider sa akin bago siya tuluyang umalis.
I saw how he laughed seeing me suffer from what he had done. He’s an idiot. If I were him, I would make his life miserable.
“As if we’re close,” I jokingly said, enduring the pain at my back.
Lumapit sa akin ang babae na tinulungan ko. I saw the pity and scared in her eyes.
“K-kuya? A-ayos lang po ba kayo? Pasensiya na kung nadamay ka pa po," tanong niya sa’kin, dinig ang kaniyang pag-aalala.
“Ayos lang ako, bata. Kaunting gasgas lang naman ito. Ikaw, kumusta ka?”
“A-ayos lang po ako, kuya. Marami pong salamat talaga sa tulong niyo. Kung ‘di ka po siguro dumating baka kung napaano na po ako,” pasasalamat ng dalagita.
I smiled at her. At least, she’s feeling safe now. “Sige na. Umuwi ka na at baka abutan ka ulit ng mga tarantadong mga lalaki na ‘yon.”
“Salamat po ulit, kuya. Utang ko po sa inyo ang buhay ko. Mauna na po ako,” pagpapaalam niya.
I watched her walking until she was gone in my sight. Ramdam ko pa rin ag kirot sa likod ko. I know it marked bruises. Hindi na ako nagtagal sa lugar at agad na bumalik sa sasakyan. Nagpatuloy na akong nagmaneho pauwi sa bahay.
I have to remedy myself.
Wilb’s POV
After being neglected for the nth times, I decided to go home. I have to rest my mind and heart from this epic day. I knew its coming, but my pride pushed me to still do it.
I saw myself walking in a noiseless place with tall grasses in the street’s side. While walking with heavy heart, I heard someone is shouting. That was a familiar voice of someone. It’s coming from the middle of the bushes.
"Teka!” I gasped. “Si Lhorr ‘yon ha!"
Nagmamadali akong tumakbo sa gitna ng nagtataasang mga damo. Patuloy ko lang sinusundan ang boses na pawala-wala kong naririnig. Until I saw a quadruple of guys hitting Lhorr. Without a doubt, I run immediately as my fist landed to the guy’s face who was about to punch Lhorr again.
“Hey, muscle head! Babae ‘yang sinasaktan mo!” I said angrily.
Agad naman akong pinagtulungan ng tatlo pa nitong kasamahan. Sinusubukan kong tamaan ang bawat kamao na papalapit sa akin. Mabilis akong umiilag at nakikipagsuntukan sa kanila.
Hindi ko naiwasan ang biglang pagsipa sa likuran ko. Napaluhod ako sa lupa pero mabilis na umangat nang agad akong kinwelyuhan ng isang lalaki. “Bata, ‘wag ka na kasing mangialam dito dahil wala kang binatbat,” sabi nito sa akin. Nakasuot siya ng asul na jhersey short at itim na damit.
“Alam ko kung anong ginagawa niyo sa babae. Sa akin niyo na lang kasi siya ipaubaya,” sagot ko.
Nagtawanan silang apat. “Ayaw mo talagang makinig, bata?” wika ng kasamahan niyang lalaki na may bandana sa ulo.
“Kung ayaw ko? Anong gagawin ninyo?”
Hindi na ako nakapalag nang bigla akong sinuntok nito. Napadaing ako sa sakit na naramdaman ko. Mabilis akong kumawala sa pagkakahawak sa akin ng maskuladong lalaki. Sinunggaban ko kaagad ito ng suntok habang hinihila ako ng kasama nito.
Nagpatuloy lang ako sa pakikipagsuntukan kahit na ramdam ko ang sakit ng aking sikmura. Nang napayuko ako, nakita ko ang isang bakal na nagtatago sa damuhan. Dali-dali ko itong pinulot at ginamit bilang panangga.
Sa bandang huli ay humandusay ang apat na lalaki sa lakas nang pagkakahampas ko ng bakal sa kanilang likuran.
Wala na akong oras na inaksaya pa at agad na tumawag ng responde sa mga pulis. Wala na akong pakialam kung itataboy ulit ako ni Lhorr, basta dapat ko siyang kumustahin. Nilapitan ko siya habang nakahiga sa lupa na puno ng gasgas sa katawan.
“L-Lhorr, ayos ka lang ba?” tanong ko. “P-pasensiya ka na dahil nahuli ako ng dating,”
“S-salamat,” pautal-utal na tugon niya, nang magkaroon siya ng malay.
Mayamaya ay dumating na rin ang mga pulis. Dinampot nila ang apat na lalaki kung saan lamang nagkaroon ulit ng malay. Binuhat ko naman si Lhorr at nagmamadaling inihatid sa pinakamalapit na ospital.
Sa ospital ko lang nakita ng klaro ang mga galos ni Lhorr sa katawan. Puno siya ng mga pasa. Siguro nga at natagalan ako ng dating. Marami ng suntok ang nakuha niya sa mga kamay ng mga lalaking iyon.
Mabuti na lang at may nurse na sumalubong sa amin. “Nurse, kayo na pong bahala sa kaniya. Pagalingin niyo po siya!” Hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko habang nakikipag-usap sa nars.
Inaamin ko na ayaw ko pang bitawan si Lhorr. Mahal ko pa rin siya hanggang ngayon kahit alam kong wala na akong pag-asa.
“Makakaasa po kayo, sir,” tugon ng nars. “Dumito lang po muna kayo sa labas at kami na pong bahala sa kaniya,” habilin nito.
Hindi ko na napigilan magalit sa sarili ko. Kasalanan ko kung bakit hindi ko man lang siya sinundan para makasiguradong makakauwi siya ng ligtas. Napasabunot na lang ako sa aking buhok dahil sa galit.
Kung dapat sana ay mas maaga akong nakarating kanina. Siguro ay hindi na mas masaklap ang natamo ni Lhorr. Alam kong kasalanan ko ang nangyaring ito sa kaniya. Ginalit ko siya.
Napatingin ako sa cellphone ni Lhorr na hawak-hawak ko. Hindi na ako nagdalawang-isip pa na tingnan kung sino ang maaari kong balitaan sa nangyari sa kaniya.
Laking pagtataka ko kung bakit isang number lang ang naka-register sa contacts ni Lhorr. Walang ano-ano’y tinawagan ko ang nag-iisang numero sa contacts niya. Nakahinga ako ng maluwag nang agad sumagot ang kabilang linya.
"Hello?"
@phiemharc – C10