Chapter 6 - AFTERMATH
Lhorr’s POV
“Kaya mo ‘to, Lhorr!” sabi ko habang pinapakalma ang aking sarili.
Hindi ako mapakali nang marinig ko ang pagtawag sa amin dahil magsisimula na ang laro. Napalingon ako sa aking mga makakalaban. Nakikita ko sa kanilang mukha na gusto nilang manalo.
“Huwag kang kabahan sa kanila, Lhorr. Kaya mo silang talunin,” pagpapanatag ko sa aking sarili.
Gagawin ko ang lahat nang makakaya ko para maipanalo ang larong ito. It’s now or never. I have invested my time in our training and I won’t waste it.
Kaagad akong nagpunta sa gitna ng field at pumwesto sa ‘king linya. Hindi pa rin tumitigil ang bilis nang kabog ng aking dibdib, na siyang nagpabingi sa akin at bumalewala sa ingay ng mga estudyante sa iba’t-ibang departamento. Nakabibingi rin ang mga sigawan ng mga mag-aaral habang isinisigaw ang kanilang pambato. Ayaw kong biguin ang aming departamento lalo na’t kami ang champion last OctoberFest.
Nakita ko si Sandara. Napatingin din siya sa gawi ko at ngumiti na parang alam niyang hindi ko siya matatalo. Sa una ay nagdadalawang-isip akong kalabanin siya. Hindi dahil ay magkaibigan kami kundi alam kong malakas siya.
Mas mahusay sa akin si Sandara dahil na rin sa mga karanasan niya. She already proven herself; she represented our country in the field of running several times. Habang ako, baguhan sa larangang hindi ko rin alam bakit ko nga ba pinasok. Pero hindi dapat ako mawalan ng kumpiyansa na maipapanalo ko ang larong ito.
I know that I will give my best just to represent the College of Engineering. The loud cheers of my department fueled my commitment to win this event.
Plak!
Mabilis akong tumakbo nang marinig ko ang hudyat. Wala nang atrasan pa. Tumakbo na kaming lahat habang dinig ko ang sigawan ng mga nanonood sa amin. Takbo lang ako nang takbo dahil ako na ang nahuhuli sa aming lima. Natapos nga ang laro na ako ang huling nakarating sa finish line.
“Ang kulelat naman!” dinig kong sigaw ng ilan.
Nadismaya nga ako ng bahagya sa resulta ng una kong laro. Alam kong madali lang akong maungusan ng aking mga kalaban. Isa itong kahihiyan sa aming departamento.
Naglaro ang ibang kasamahan ko sa kani-kanilang sinalihang category na tatakbuhin. Isa na lang ang pag-asa ko dahil ako ang sasali ulit sa huling category, ang 3000m long distance.
Ito ang inaabangan ng karamihan dahil una itong lalaruin ngayon. Idinagdag ito sa mga kategorya ng pagtakbo. Kaya magiging history ang mananalo sa kategorya na ito. Alam kong hindi ko matatalo si Sandara, pero kahit 4th placer man lang. Nakakahiya naman na mabalandra ang pangalan ko sa student publication na ako ang huli sa lahat. Wala akong mukhang ihaharap kapag nagkataon.
Mayamaya ay nagsimula na rin ang last category at nagpunta na sa aming linya. Gusto kong manalo kahit alam ko na imposible ang hinahangad ko. Si Sandara pa rin ang makakalaban ko bilang representabte ng kanilang departamento. Hindi na ako nagulat na siya ang isinali sa kategoryang ito.
“May the best woman win,” sambit ko.
Isa rin sa mga makakalaban ko ang naging pambato ng Pilipinas na nanalo sa Palarong Pambansa nakaraang taon. Natatakot ako na hindi makuha ang gold medal upang maitayo ang bandera ng Engineering Department sa kategoryang ito.
“Hindi ako susuko!” nasambit ko nang marinig ang hudyat ng laro.
Tumakbo muna ako nang mabagal kaya’t huli na ako sa apat kong kalaban. Ayaw kong sumagi sa isipan ko na matatalo ako sa laro kaya nagmadali na rin akong tumakbo para maabutan sila.
Ramdam ko ang saya ng mga nanonood. Napupuno nang sigawan ang loob ng stadium. Hindi ko na rin maiwasan mapagod dala ng matinding pawis at sikat ng araw. Pero nakapokus lang ako sa finish line at pagsungkit ng unang pwesto. Hindi ko inakala na naabutan ko ang ikaapat na manlalaro mula sa COC hanggang sa naabutan ko rin ang ikatlo mula sa CON.
Mas binilisan ko ang pagtakbo hanggang sa nalagpasan ko ang manlalaro sa COL na nasa ikalawang puwesto kanina.
Kailangan ko pang bilisan upang hindi nila ako maabutan. Habang nakikita ko sa di-kalayuan si Sandara na pokus pa rin sa pagtakbo. Gusto ko siyang maungusan subalit napakabilis niya pa rin. Hindi ko na inasahan ang mga sumunod na nangyari ng magpantay na kami ni Sandara na ilang hakbang na lamang ang layo namin sa finish line. Mas lalo akong nanggigil na manalo at talunin ang mga kalaban ko sa larong ito. Hanggang sa naabot ko na nga ang finish line.
“Yahoo!”
“Engi-Engi-Engineer-Engineer!”
Sobrang lakas nang hiyawan ng mga tao. Hindi ako makapaniwala na ako nga ang nanalo. Pagkatapos kong masungkit ang unang puwesto ay hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari ng mapahiga ako sa lupa dahil sa sobrang tuwa.
Sandara’s POV
Masaya ako sa naging resulta ng laro kahit pumangalawa lang ako kay Lhorr. Ako pa rin naman ang maglalaro sa 800m middle distance sa Provincial level at hindi na masama ‘yon. Naghihinayang lang din ako dahil napakahalaga ng kategoryang iyon sa lahat ng laro. May kaunting tuwa naman akong naramdaman dahil si Lhorr ang nakakuha ng puwestong dapat ay sa’kin. Now, I could say she’s far from who I know about her. She’s a fighter, I could tell.
Tumatagaktak ang pawis sa aking mukha lalong-lalo na kay Lhorr na parang naliligo sa sarili niyang tubig. Nakaabot ako sa finish line at napaluhod na lang sa sobrang pagod. Nang makatayo kaming pareho ni Lhorr ay nakita ko kung paano muling bumagsak ang kaniyang katawan sa sahig.
She looks so pale. Mabilis na nagkumpulan ang mga tao sa loob ng field at nagmamadali namang tumawag ng medic ang kasamahan niya.
Nahimatay si Lhorr pagkatapos ng laro dahil na rin siguro sa matinding init. Maski ako ay nahilo ng bahagya ngunit sanay na ako sa ganito. Baguhang manlalaro si Lhorr sa larong ito. Hindi pa sanay ang katawan niya sa ganitong klaseng sport.
Isa talaga siya sa hinahahangaan ko pagdating sa Volleyball noong high school. Kaya nga laking gulat ko na dito pala siya sumali. Alam kong hindi bagay sa kanya.
Sa katunayan siya ang Team Captain ng kanilang koponan at naging scholar din ng school. Hindi ko nga lang alam kong bakit naisipan niyang tumakbo kaysa sumali at sumabak sa ulit Volleyball.
Last year, she wasn’t able to join the team when she had an emergency. Maybe it’s her way to recover by joining in other sports event. She forgets to love the sport she used to admire before.
“Ako na pong bahala sa kaniya. Ako na po ang magdadala sa kaniya sa clinic,” udyok ng isang lalaki.
Nakipagsiksikan ako sa mga kumpulan ng mga tao upang malaman kung kanino nanggaling ang boses na iyon. Nakita ko na agad binitbit ng lalaki si Lhorr at nagmadaling isinugod sa malapit na clinic. Hindi na ako nabigla kung sino ang nagbuhat sa kaniya. Sobrang pamilyar ng lalaki sa akin kaya napangiti ako.
“Mabuti naman at nagpakita ka na,” nasabi ko sa aking sarili, tinitingnan siyang bitbit si Lhorr.
Sobrang liit nga ng mundo. Mukhang ang university na ito ang nagbibigay ng kuwento sa amin. Based on his uniform, he’s a student from College of Engineering.
“Lhorr, you’re on the right track,” I said, a wide smile drawn on my face.
Jorge’s POV
Paalis na sana ako ng stadium ngunit nagsigawan ang mga tao. Napabalik ako sa aking puwesto upang makibalita sa kung anong nangyari. Nagkumpulan na ang mga tao sa gitna ng field at parang may tinitingnan. Mayamaya pa ay lumabas ang isang lalaki sa kumpulan bitbit sa kaniyang mga kamay ang walang malay na babae.
“Teka! Si mataray ‘yon, ha?!” gulat na sabi ko.
Nagmamamadali akong tumakbo patungo sa kanila habang nakikipagsiksikan sa dami ng mga tao. Hindi ko naman maitago na nag-alala ako sa kaniya sa kabila ng hindi namin pagkakaintindihan. Sinundan ko kung saan siya dinala ng lalaki at pinagmasdan ang mga sumunod na nangyari.
Ilang oras na lamang ang natitira at magsisimula naman ang laro namin. Kailangan ko nang maghanda. Ngunit naguguluhan ako sa nararamdaman ko ngayon. Gusto ko munang malaman ang kalagayan ni Lhorr bago ako bumalik sa headquarter. Alam kong hindi ako makakalapit sa kaniya dahil kasama niya ang kaniyang mga kaibigan.
Simula nang iniiwasan ko siya, mas lalo kong hinahanap na makatunggali siya sa campus. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nagiging ganito sa tuwing siya ang pinag-uusapan, lalo na sa barkada namin. Hindi ko talaga kayang magalit sa kaniya kahit pa na sobrang sungit niya sa akin.
Alam kong hinahanap na ako ni coach. Paalam ko ay saglit lang akong maglilibot ngunit ilang oras na akong hindi bumabalik.
Hey, Jorge! You have received a message.
Tumunog ang ringtone ng aking cellphone kaya dali-dali ko itong binuksan.
From: Coach Time
: Nasaan ka na?
I immediately encoded my reply however it was interrupted by a sudden call from someone named Coach Time. Without a doubt, I answered the call from the other line.
“Yes, coach?” bungad na tanong ko.
“Jorge, nasaan ka na! Kanina ka pa namin hinahanap, huh?! Malapit na magsimula ang laro mo!” galit na sabi ni coach Time.
“Ah― Pabalik na po ako, coach. Sige po.”
Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni coach Time at agad na ibinaba ang tawag. Mablis akong tumakbo papuntang headquarter kahit na naiwan pa ang isip ko sa clinic. Lutang ang isip ko habang ang mga paa ko ay patuloy sa pag-uunahan.
“I’ll be back to you, Lhorr,” sabi ko, habang dinadaanan ang mga estudyanteng nakakasalubong ko.
Para akong sumali tuloy sa laro nina Lhorr kanina sa layo ba naman ng aming headquarter sa clinic kung saan siya dinala. Nasa kabila pang building ang aming headquarter kaya kailangan ko pang magmadali.
Nakarating ako sa headquarter na hingal na hingal. Puno na rin ng pawis ang aking katawan habang patuloy na hinahabol ang aking hininga. Ito na ang oras na hinihintay ko. Mabilis kong inihanda ang aking gamit at sumabay sa mga kasama ko nagpunta sa natatorium ng university. Hindi ko na pinansin pa si coach Time nang pinagalitan niya ako pagdating ko.
"Para sa'yo ito, Zenn… at Lho― bakit ko kaya siya iniisip? Hindi pwede. Para kay Zenn lang ang larong ito,” nasabi ko, nag-aaway ang aking isip. Kaya pumasok na ako sa loob ng natatorium.
@phiemharc – C6