Chapter 5 - OKTOBERFEST
Lhorr's POV
The College of Engineering,
The College of Education,
The College of Nursing,
The College of Communication, and
The College of Law.
Ito ang limang departamento ang naglalaban-laban sa kompetisyon taon-taon.
“I am elated to announce that I officially open this year’s OctoberFest. May you enjoy this long week event. Thank you!” masayang anunisyo ng pangulo ng unibersidad.
Dumagundong ang palakpakan at hiyawan ng lahat. Lahat ay nagsisigawan na siyang gumising, gumimbala, at nagpaalala na sa oras na ito hanggang matapos ang palaro, lahat ay uuwi at nag-uumapaw sa tuwa. Hindi na nga talaga maitago ng lahat ang saya sa pagsisimula ng palaro. Kahit ako ay masaya ngunit kinakabahan na.
Makikita sa mga mukha ng karamihan ang tuwa. Magsisimula na kasing maglalaro ang kani-kanilang pambato sa bawat sports na kanilang sinalihan. Sa ikatlong araw naman ay magaganap ang tagisan sa talento sa gaganaping cultural contests. Nagsipaghanda ang lahat ng estudyante sa kanilang cheers and yells. Ang iba naman ay nag-aabang na magsimula nang magpatagisan nang lakas ang mga manlalaro. At matapos nga ang ilang minuto ay nagsimula na ang unang event, the cheers and yells competition.
Tumungo na ang mga mag-aaral ng College of Education sa gitna ng gym. Sila ang unang magtatanghal na susundan ng CON, COL, COC, at an gaming departamento ag huli. Napuno muli nang hiyawan ang buong stadium. Naghanda na ang education students at sa hudyat ng kanilang lider ay nagsimula na nga sila.
Education for the win!
Education sa ngayong taon ay papalarin!
ED-di kami magpapatalo sa inyo!
Sapagka't kami ang may mahusay na departamento.
Anong sigaw ng bayan? Education ang magiging kampyon!
Iyon ang linya ng mga education students sa kanilang cheers and yells. Sumunod na ring nagpakitang gilas ang mga mag-aaral sa College of Nursing.
College of Nursing ay ‘di magpapadaig,
Sa mga kalaban na patpatin at hindi naman astig!
C-O-N ay palaban walang inuurungan!
Buwelta naman ng mga taga-Nursing department. Kahit kailan ay lumalaban ang mga nursing students. Marami rin ang magagaling sa kanila. Kaya alam naming mahirap silang kalaban.
Manalo, matalo walang kokontra!
Abogado’t abogada ang dedepensa!
Ito ang COL, ho, ho, ho.
Siyento porsyentong mananalo,
Kayong lahat ay di bagay sa trono!
Champion na ang College of Law!
Depensa ng mga College of Law students. Halatang ayaw din talaga nila magpatalo. Alam mong uhaw silang manalo ngayon taon.
Team Communication! Are you ready?
Here we go just walking down the street,
Saying communication team ay ‘di magpapadaig.
Turn to your right, oopsss.
Education students? Hit us baby one more time.
Turn to your left,
Engineering students? Our heart went ooppssss, wosshhh.
Look at the Nursing students!
Ohhhh Tag-Nursingko, nursing-ko, nursing-ko na lang.
And lastly, Law students!
Law-lubog lilitaw sa dumi ng kalabaw. Get get aw!
Pakitang gilas naman ng taga-COC. Huling nagpabida ang mga Engineering students sa aming departamento. Hindi na magkanda ugaga ang lahat sa halakhak at kakasigaw. Napuno muli ng ingay ang gym ng pumwesto na ang aming mga representatives sa cheers and yells.
ENGI-ENGI-ENGINEER-ENGINEER.
Engineering ay hindi magpapaalipin,
Sa taga-Communication na puro bading.
Engineering ay hindi magpapatalo,
Sa taga-Law na mga walang jowa dahil ang lalabo.
Engineering hindi magpapapigil,
Sa mga taga-Nursing na mga heart-breaker.
Engineering hindi magpapadaig,
Sa taga-Education na puro pasikat lang ang hilig!
Iyon naman ang cheer ng taga-Engineering students. Isa lang ito sa kasiyahan ng mga mag-aaral sa unibersidad. Sa una kong salta rito ay medyo nasaktan ako. Ngunit kalauna’y nalaman ko rin na parte lang iyon ng isang kompetisyon at sanay na sila rito. Nakasanayan na rin ng bawat departamento ang ganitong klase ng cheering competition at hanggang ngayon ay may biruan pa rin na nakapaloob sa kani-kanilang piyesa. Panay tawanan at sigawan ang nangyari hanggang matapos ang cheers and yells competition.
Nagsimula na ang mga ganap ngayong araw. Hindi na rin ako mapakali dahil ilang oras na lang din at magsisimula na rin ang track and field events.
Hindi ko na mapigilan ang pagtagaktak ng aking pawis. Gano’n din ang katotohanan na wala na itong bawian at atrasan pa. Totoo nga na kapag dumating na ang araw na ito kakabaahan ka talaga. Sa kauna-unahang pagkakataon ay sasabak ako sa pagtakbo, ang isang sport na kailanman hindi ko naisip salihan pero napasabak na ako.
I am a Volleyball player way back in high school. It was also the reason why I am a student scholar. And as I stepped in the university, I want to explore things I am afraid to take. Gusto kong subukan ang ibang laro. Sa paraang ito, malalaman ko kung hanggang saan ang kaya kong gawin. Kaya minabuti kong sa running event sumali.
When I was in freshmen, I tried to join the running event. Unfortunately, I wasn’t able to continue for a major reason. Hindi ako nakasali noon sapagka’t sa araw mismo ng aking laro ay napasabak na ako sa habulan. Iyon ang laro kung saan ang naging kalaban ko ay walang iba kung hindi ang mismong buhay.
It was a day when an unexpected emergency happened. Isinugod si papa sa ospital kaya hindi ko ‘yon ipinagpalit sa laro ko. As I stride faster to the hospital, I felt the daggers of hopelessness catching me.
Jorge’s POV
The most awaited moment of everyone in the campus has come. The OctoberFest keeps on turning up mixture of unmixed emotions; from the flammable excitement that filled the air down to the dusty cemented floor. The mark ‘unstoppable’ was scribbled from the entrance of the university. It can also even saw painted on the walls which now look like it was built during the Stone Age period.
The university is celebrating its Centennial Anniversary, a year filled with skills and talents to be showcased. It feels like being a brave competition between the other tropes in the battle. Kung kaya’t gano’n na lamang katindi ang kagustuhan ng bawat manlalaro manalo sa kompetisyon.
The only thing that differs is the fact that this feeling wasn’t experienced before in my previous attended school. Their shouts and cheers were like bombs and gunshots during the World War II. Every department is getting ready to conquer this year’s competition and every athlete is at their peak to completely vanquish their opponent. I am one of the excited athletes of this year’s sports festival.-
As I entered the university, I immediately parked my car. I really waited for this day to come. I directly go to the headquarters where my team is preparing for the events today. I put my backpack on the vacant chair next to other stuffs. Mamayang hapon pa naka-schedule ang event namin pero inagahan ko lang bumalik sa campus upang makapaghanda. Naisipan ko munang maglibot sa unibersidad mag-isa.
I haven’t seen my friends in the headquarters when I arrived. Maybe they were somewhere in the university watching the events today. I asked permission to our coach and luckily he permitted me to do an errand.
Exactly when I entered the school’s stadium, the game is about to start. Nahagilap ng mga mata ko ang babaeng iniiwasan ko. I saw her pale face as she continues to wipe her face with a face towel. Upon seeing her rivals, I think she is just having a mixed feeling. In fact, her opponents were much experienced than she was.
“You just giving yourself a shame,” I whispered, referring to her.
I saw the girl who I admired since then. She’s the type of an idol I wish to be a good friend of mine. But I became a coward back then. Unluckily, I wasn’t given a chance to know her more after she transferred in the public school. I heard her family struggles financially the reason why she was transferred. After that, I only heard news about her existence when joining national and international competitions. She’s a star you can reach, but fate never gives me the opportunity to know her.
I was startled that we are studying in the same university. As I have seen, she’s wearing a blue jersey and a band in her head. It is where I identified her as an Education student. No doubt, this event is just like a piece of cake for her to be victorious.
Alam kong siya ang babaeng nasulyapan ng aking mata na nakatitig sa'kin sa cafeteria. I hate remembering that embarrassing day. But, I have a gut feeling that she’s the one caught by my peripheral view. Hindi ko lang siya lalong pinansin dahil alam kong hindi niya ako kilala.
Way back in high school, my friends started to live in our house. Since our house is near the University and it is just us, me who lived under Nay Belinda’s solace and, my friends who sheltered me and learn to adore my childishness, I asked them to live with us.
It is the reason why I know Sandara. My friends keep on sharing about her knowing everyone admired Sandara that much. Natampok na rin kasi siya sa mga pahayagan matapos masungkit ang silver medal sa ginanap na marathon sa Germany. Ilang television guestings na rin ang napanood ko tungkol sa kaniya.
“I doubt, if you, little chipmunk, can beat the champion,” I smirked.
Hindi ko inasahan ang mga sumunod na nangyari nang magsalita na ang emcee, senyales ng pagsisimula ng laro. I was calmly sitting on the center bench of the stadium. I am estimated three meters away to the players of the College of Nursing. Naghanda na ang lahat ng mga manlalaro sa kanilang puwesto.
It’s a 800m middle distance. Malakas na tumunog ang clappers kaya’t mabilis na umarangkada ang mga manlalaro. Nakikita kong malayo na ang agwat ni Sandara sa kaniyang mga kalaban. It’s a clear winning to the College of Education. As expected, Sandara was the first player reached the finish line.
After five minutes, the game for 3000m long distance is about to happen. This is the most anticipating moment of everyone based on the deafening cheers of the crowds. Naging ganado ang mga manlalaro ngunit hindi maitatago ang pagod sa kanilang pawisang mukha.
Hindi na rin ako magtataka kung si Sandara ulit ang mananalo sa set na ito. Based on her experiences, she already proven herself to everyone.
Naghudyat na ang nagbabantay upang simulan ang laro.
“Uno… Dos… Tres!”
Malakas na tumunog muli ang clappers. Mabilis namang nagsitakbuhan ang limang manlalaro kabilang ang chipmunk na representative ng Engineering. Gitgitan pa ang laban dahil magkakasunod-sunod lang silang lahat. Pero nauuna pa rin si Sandara na sinusundan ng manlalaro mula sa College of Law. Napangiti ako ng bahagya nang makita kong huli sa lahat ang babaeng ubod ng sama ang ugali.
Naka-isang ikot na ang lahat sa field at malalakas na ang sigawan ng mga tao. Nakita ko rin ang pagtayo ng mga coaches sa iba’t ibang colleges. Ramdam ko ang kanilang kaba sa kung sino ang mananalo sa larong ito.
Tanaw sa aking puwesto ang dikit na laban nina Sandara at ng Chipmunk na ‘yon. Nabigla rin ako nang makita kong nalamangan niya ang tatlong kahit na siya pa ang huli kanina. Ilang metro na lang at malapit na ang finish line. Mas lalong tumindi ang sigawan ng magpantay silang dalawa. I won’t deny that I am cheering for our program to win. However knowing Sandara’s capability, only miracle could save the chipmunk to win this event.
“Go, Sandara! Kaya mo ‘yan!” sigaw ng babae na katabi ko.
“Malapit na lang! Konting bilis pa, Sandara!” hiyaw pa ng kaibigan nito.
“ENGI-ENGI-ENGINEER-ENGINEER!” sigawan naman ng mga mag-aaral sa kabila kung saan ang aming department.
“You are different, chipmunk, huh,” I said softly.
Sa ilang larong nakita ko ay palaging nahuhuli ang masungit na babaeng iyon kanina. Pero kakaiba ang ipinakita niyang husay ngayon.
“Oh my Ghad!” sigaw ng karamihan.
Hindi ko na nakita ang sumunod na mga nangyari. Sobrang bilis ng lahat.
“Yahoo!” sigaw ng katabi ko sa kaliwa.
Nakita ko na lang nakahiga sa lupa ang babaeng hindi ko inasahang mananalo. Next to her was Sandara who is kneeling. They both seem enjoyed the game.
“Ang galing mo, Lhorr! Hanep ka talaga!” sigaw ng isang di-kaguwapuhang lalaki sa likod ko.
I wasn’t able to witness who won the match after students in front of me keeps on jumping in joy. Masaya naman ako na walang napatid o nahimatay sa kanila. I am not hoping that little chipmunk will ace this event. It’s a huge slap of shame on me for doubting her. Namangha lang ako sa husay niya dahil hindi ko inasahan na ganoon siya kagaling para talunin ang isang batikan.
“We are proud of you, Sandara!” namamaos naman na sigaw ng babaeng sa kanan ko.
Si Sandara ay mahusay sa pagtakbo at isa talaga ako sa umiidolo sa kaniya. Sa kabilang banda, ang masungit na babaeng iyon ay hindi rin pala matatawaran ang husay. May tinatago pala siyang talento. Hindi masyadong halata dahil kalyo ng masama niyang ugali ang lumalabas sa kaniya.
Ngayon, tila marami na rin ang nagkakagusto sa kaniya. Mukhang ibinandera niya ng mahusay ang departamento namin. Pero sa kabila ng lahat nalaman ko na rin ang kaniyang tunay na pangalan nang isigaw ito ng nasa likuran ko kanina.
“Ahh, Lhorr pala,” sambit ko.
@ phiemharc – C5