Chapter 4 - SILLY IDEA
Wilb’s POV
Nakita ko si Lhorr na papunta sa cafeteria. Agad itong pumila sa cashier pagkatapos nitong kumuha ng kaniyang makakain. It’s already one o’clock in the afternoon at mukhang ngayon pa lang siya magta-tanghalian.
Nakapila lang siya sa cashier para yata magbayad. Ngunit mabagal ang pagtitipa ng chasier na nakatoka rito kaya usad pagong ang pila. I don’t want Lhorr to see me right now. Kaya mablis akong napataklob ng aking ulo. I am still hiding to her the last time we saw each other. Mukha talaga siyang napagod sa training nila.
Nang nakaupo na ako natatanaw ko pa rin si Lhorr. Ilang minuto pa ang nagtagal bago siya nakapagbayad ng kaniyang pagkain. Mabilis siyang nagpunta sa labas ng cafeteria upang makahanap ng mauupunan, sapagka’t puno ang cafeteria sa oras na ito.
Pinagmamasdan ko lang siyang umiikot habang hawak ang trey ng kaniyang pagkain. Parang naghahanap siya ng mauupuan; habang ako rito ay nakatayo sa harap ng freezer. Siguro bibili na lang ako ng ice cream para panghimagas ko.
Mayamaya sa kaniyang paglilibot dala ang trey ng kaniyang pagkain, nakita niya ang isang lalaki na tumayo sa isang mesa. Ngunit ang kasama nito ay naiwan at patuloy sa pagsubo ng kinakain. A familiar face in the table is busy eating his foods. Wala nang nagawa si Lhorr kundi lumapit sa iisang espasyo sa loob ng cafeteria. At sa unti-unti nitong paglapit ay alam kong kilala niya na ito.
Maraming nangyari bago pa man magsimulang kumain si Lhorr. Nabalot ng katahimikan ang lamesa sa pagitan ng dalawa pagkatapos ng kaunting diskusyon. Pasulyap-sulyap na tinitingnan ni Lhorr ang lalaki na abala sa kaniyang kinakain.
Pagkatapos ng lalaking kaharap ni Lhorr kumain ay agad itong tumayo. Hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari. Bigla na lamang itong nabilaukan ng ‘di inaasahan.
Lhorr’s POV
“Let’s have a break, girls. Be back at two p.m.”
“Yes!”
“Thanks, coach!”
Sabay-sabay kaming nagpaalam kay coach pagkatapos ng training. Wala na akong ibang inisip kundi ang dumeretso na kaagad sa cafeteria. Nagrereklamo na rin ang tiyan ko kaya hindi na ako sumabay sa mga kasabayan ko kanina.
I looked at my watch. It’s already one o’clock in the afternoon. At ngayon pa lang ako magta-tanghalian.
Tinola at isda at isang cup ng kanin ang in-order ko. Kumuha na rin ako ng isang bote ng softdrink. Agad akong pumila sa cashier pagkatapos kong kumuha ng aking makakain. Ngunit mabagal ang pagtitipa ng cashier na nakatoka rito sa till. Kaya sobrang mabagal ang usad ng pila.
Ilang minuto pa ang nagtagal bago ako nakapagbayad ng aking order. Mabilis akong nagtungo sa labas ng cafeteria upang makahanap ng mauupunan, dahil puno ang cafeteria sa oras na ito. The students arrived in great number at this time. Almost half of the students din kasi sa ganitong oras ang nag-o-occupy ng cafeteria.
Malawak naman itong cafeteria ng university. This is also exclusive for engineering students only. Ang lawak nito ay parang tatlong blocks na pinagdugtong. Ang isang bahagi ng block ay ang loob samantalang ang dalawang bahagi ay ang nakapwesto sa labas nito. Para sa mga gusto ng sariwang hangin ang kumakain-s***h-tumatambay sa labas.
Patuloy lang ako sa paghahanap ng bakanteng mauupuan. Pero bigo pa rin ako. Anong oras kaya ako makakakain nito? Hindi ko alam dahil mukhang walang balak ang ibang estudyante na umalis.
“Teka! Nandito na naman ang mokong na ‘to? Ano kaya ang ginagawa niya rito? Himala ngayon ko lang ulit siya nakita,” natanong ko, nagtataka.
Simula nang nagsimula ang training hindi ko na siya inabala pa. Ayaw ko nang ubusin ang oras ko sa isang mokong lang. Wala rin naman akong mapapala kaya minabuti ko na lang mag-pokus. Naging abala na ako sa pag-e-ensayo para sa paparating na sports festival.
Sa kadahilanang wala na ring mauupuan hindi na ako nakapagpigil pa. Nagmamadali na rin akong matapos sa pagkain kaya napilitan akong lumapit sa kaniya.
“Auhm… hi!” bati ko. “Is this seat occupied?”
Tumingin siya sa akin nang marinig niya ang boses ko. Pero tinitigan niya lang ako at muling nagpatuloy sa kaniyang kinakain. Hindi niya talaga pinansin ang aking presensiya. Umupo na lang ako at inilapag ang trey sa lamesa. Tiningan ko ang kaniyang maamong hitsura. Alam ko naman na nakatago rito ang pangit niyang ugali.
“Suplado nga, akala mo naman guwapo,” sabi ko, pabulong.
“Yes, miss, anong problema?” tanong niya.
“Wala,” sagot ko, pabalang.
Nabalot ng katahimikan ang lamesa sa pagitan naming dalawa. Patuloy lang din siya sa pagsubo ng kaniyang kinakain. Pasulyap-sulyap na tinitingnan ko siya.
Tumayo na siya pagkatapos niyang kumain. Ngunit nagulat ako ng bigla itong mabilaukan sa natitirang nginunguya nito sa kaniyang bibig. Bumaling ang tingin ng mga estudyante sa kaniya at napatingin naman siya sa akin. Sumesenyas siya nang paghingi ito ng tulong sa akin. Itinuro nito ang tubig na katabi ng aking pagkain.
“Timing!” saad ko, ngumiti habang may binabalak.
Dala ng kapilyahan ay kinuha ko ang takip ng suka na iniwan niya sa mesa. Dali-dali kong iniabot ito sa kaniya. Natawa na lang ako sa kaniyang naging reaksiyon nang makita ko ang kaniyang mukha na asim na asim.
Tawang-tawa ako sa ginawa ko; kaya lang nang pagtingin ko sa kaniyang mga mata ay natahimik ako. Nanlilisik ang mga ito at para bang nais kumitil ng buhay. Ang ilan din sa mga estudyante ay para akong lalamunin ng buo.
Napataklob na lamang ako ng aking bibig at umiwas ng tingin sa kanila. Inilapag naman niya sa lamesa ang lalagyan ng suka. Pabagsak niya itong ipinatong at ang kaniyang dalawang kamay ay nakaharap sa akin. Gumawa ito ng malakas na ingay.
“Humanda ka sa akin!” sabi niya, may galit sa boses. Pinagbantaan niya ako bago tuluyang umalis sa lamesa.
Medyo natakot ako sa pagkakasabi niya. Mukhang mapapasubo na naman ako sa giyera dahil sa mokong na lalaking ‘yon. Kaya paghahahandaan ko ang araw na iyon kagaya na lamang ng paghahanda ko sa aming kompetisyon. Umalis na rin ako pagkatapos kong kumain. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad na tumungo sa training namin.
Tagumpay ang paghihiganti ko.
Jorge’s POV
Tahimik ang lamesa namin ng babaeng nakiupo sa harap nang pinagkakainan ko. Nakita ko na siya kanina pa habang papalapit sa lamesa kung nasaan ako. Hindi ako nagpahalata sa kaniya. Hindi ko rin siya pinansin nang magtanong ito sa’kin dahil baka mag-away lang kami ulit. Naaalala ko pa ang una naming pagkikita na para siyang dragon magalit.
Sa tuwing makakasalubong ko siya sa hallway ay umiiwas na rin ako. Minsan ay nagtatago pa ako bago siya dumaan. Gano’n ang araw-araw kong ginagawa para hindi na sumiklab ang alitan sa pagitan naming dalawa. Mabuti na lamang ay abala ang aming departamento sa linggong ito dahil sa pag-e-ensayo. Nagkaroon ako nang pagkakataon na hindi siya makita. Rason ito upang maging madalang na kaming magkasalubong sapagka’t may kaniya-kaniya na kaming sinasalihang events.
Ang dinig ko sumali siya sa running event pero mukhang patpatin naman siya kung tingnan. Hindi naman halata sa kaniya na mabilis siyang tumakbo. Kung titingnan siya ng mabuti para ngang may hika siya.
Napikon ako sa ginawa niyang kahihiyan sa akin. Hindi ko inakala na suka pala imbes na tubig ang ibinigay niya nang masamid ako.
Anong klaseng tao kaya siya? Kampon ba siya ng demonyo? Hindi ko na alam kung anong puwede kong gawin sa babaeng ‘yon.
Muntikan na nga akong mamatay kanina. Papatayin niya nga talaga ako ng tuluyan. Ibang klaseng tao talaga siya. Hindi ko inasahan na may natitira pang nilalang na kagaya niya. She’s freak.
Mabuti na nga lang at nailuwa ko ang nakain ko kaya nakahinga ako nang maayos. Galit na galit ako sa ginawa niya kaya pinagbantaan ko siya. Hindi man ako gano’ng tao pero sinusubukan niya ang kabaitan ko, lalo na sa mga babae. Hinahamon niya talaga ako kaya talagang mapapasubo ako. Hindi ko inaasahan na ganito ang aabutin ko sa unibersidad na papasukan ko.
Hinarap ko siya na may pagbabanta. I was like a predator eyeing to my prey. Nakita kong natakot siya sa ginawa ko kaya napayuko ito.
Isinubo niya ang natitira nitong pagkain na para bang walang-alam sa nangyari. Out of dismay, I left the table full of disbeliefs and embarrassment. Napansin ko naman ang isang babaeng sinusundan ako nang tingin. Her alluring aura brought me in recognizing her. I know here since then because I was his ultimate fan. I admire her as if I was like a diehard fan of an idol, a great athlete of our generation.
Filled with humiliations, I wasn’t able to scan her if she’s really the girl I adore. But my instinct never fails. I can’t believe she’s studying in this institution.
Nagpatuloy na akong naglakad palayo sa cafeteria kasabay pa rin ng mga mata na nakatitig sa akin. Our upcoming event helps me to recognize different faces that I never expected to meet. Tumungo na ako kaagad sa pool area upang ipagpatuloy ang pag-ensayo. Kabawasan na rin ito ng inis ko sa babaeng nakasagupa ko sa cafeteria.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang malas na araw na nangyari sa akin. I think were quits, but I won’t let her win our game.
“Stupid.”
@phiemharc – C4