bc

Doctors Hidden Agenda ( Tagalog R18) First Love Series 1

book_age18+
43
FOLLOW
1K
READ
stepfather
secrets
like
intro-logo
Blurb

Being Unfaithful is a choice lalo na kung paulit ulit na itong ginagawa. Meet Shamella Reese Ramirez the youngest daughter of Juan Ramirez and Soledad Ramirez. Ang paulit ulit na niloloko ng kanyang nobyo hanggang sa ito ay napagod at nagpasyang kitilin ang sariling buhay. Ngunit hindi niya alam na may isang doctor ang lihim na nag babantay at nakamasid lamang sa kanya. Siya ay si Jacob Saint Castilliano ang billionaire doctor na lihim na nag mamahal sa kanya. Sa kabila ng maamong mukha at ngiti ng simpatikong doctor ay nagtatago ako isang possive at mapusok na pagkatao.

chap-preview
Free preview
Prologue
Disclaimer: Ang mga pangalan, lugar at pangyayaring nabanggit ay pawang kathang isip lamang. Ano mang pagkakahalintulad sa totoong buhay ay maaring nagkataon lamang. Ang librong ito ay ginawa ng may akda at walang sino man ang maaaring gumaya o gawa ng kopya ng walang pahintulot. Ano mang paglabag ay maaaring patawan ng kaokulang parusa. Warning!!! This book contains sensitive scenes and voulgar words that are not suitable for young readers in short rated SPG18 Shamella Reese Dahan dahan akong napaluhod habang walang tigil ang pag patak ng aking mga luha. Habang tinatanaw ko ang pintuang papasara, kasabay ang paglabas ay siya namang pagkawasak ng puso ko. Hindi ito ang unang pakikipaghiwalay niya sakin. Pero ito ang kauna unang pagkakataon na sinabi niya sakin Ng harap harap at hindi lamang sa message o tawag niya ginawa. Sinabi niyang dapat nanaming tapusin kung anong merun kami. Hindi na niya ko mahal ayaw na niya sakin. Masakit, sobrang sakit. Ano pa bang kulang sakin?. Ano pa bang mali. Lahat ginawa ko na, huwag niya lang akong iwanan. Lahat ng gusto niya sinusunod ko huwag niya lang akong hiwalayan. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses ako nag makaawa sa kanya na huwag niya akong Iwan. Pero bakit ganito ang nangyayari. Hindi ito ang pinangarap ko para samin. Siya lang ang gusto ko.Hindi ko Makita ang sarili ko sa iba kung hindi sa kanya lang. Ang pangarap ko simpling buhay kasama siya. Bumuo ng pamilyang masaya Kasama siya. Yun lang walang ng iba. Sabi ko after graduation nagtratrabaho kami at iipon para sa aming kasal. Pero bakit ganito. Kung kailan nag sisimula na Kong ihanda ang lahat tska naman siya makikipag hiwalay. Kahit ilang beses ko na siyang nahuling pinagtataksilan ako sa huli ay ako pa din ang gumagawa ng paraan para maging maayos kami. Kulang pa ba lahat ng sakripisyo ko. Hanggang dito na lang ba talaga. Pinahid ko ang mga luhang lumandas asking pinsngi. Dali-dali akong tumayo at tumakbo palabas upang labulin siya. Pag baba ng hagdaan hinanap siya inilibot ko ang aking mga mata at nang hindi ko siya matanaw lumabas ako sa gate at pilit na tinanaw kung saang direksyon siya dumaan. Ngunit laking gulat ko dahil papasakay siya sa sasakyan na may kasamang ibang babae. Habang pinag mamasdan ko sila. Doon na pumasok lahat sa isip ko. May iba na nga siya.Nakakatawa, nagbulagbulagan ako sa lahat ng nakikita sa lahat mga sinyales na merun ng iba. Pagkasakay nila sa sasakyan agad din itong umandar at dinaanan ako. Alam kong tanaw nila ko mula sa binta ng kanilang sinakyan. Ilang munuto muna ako nanatili sa aking kinatatayuan. Batid kong hindi na niya ko babalikan. Pero bakit Hindi matanggap ng puso at isip ko. Paulit ulit kong hinahanpas ang aking dibdib. Gusto ko nang mamangid ang puso ko. Ayako nang maramdaman ang sakit. Pumasok ako sa bahay diretso sa aking kwarto. Walang tao sa bahay dahil nasa probinsya ang aking mga magulang at dumalo sa fiesta kasama aking nakatatandang Kapatid. Four hours before.... Pumayag ang mga magulang kong maiwan ako dahil sabi ko sasamahan naman ako ni Carl habang wala sila. Pinilit ko pa siyang pumunta dito para makasama. Noong una ayaw niya pero sabi ko ay ibibigay ko sa kanya ang hiling niyang mamahaling relo. Pinagiponan ko yun mula sa mga simpling raket ko bilang pag momodelo ng mga damit para sa online selling. Pumayag siya pero sabi niya ay saglit lang daw siya. Masayang masaya pa ko sa pag dating niya. Nag luto ako ng paborito niyang ulam at naglinis ng buong bahay. Hinanda ko na din ang guest room sakaling magbago ang isip niya at dito na matulog. Pagdating niya ay pinaghain ko siya agad ng pagkain. Matapos kumain ay nanood siya sa television. Pero batid ko na abala siya sa pagkalikot ng kanyang cellphone. Noong una ay hindi ko ito pinapansin. Pero nang matapos akong naglinis sa kusina at tangkang tatabi ako sa kanya ngunit napansin kong agad niyang tinago ang kanyang cellphone. Nagkibit balikat ako at sumandal sa kanyang dibdib habang nakayap maya maya ay tumunog ulit ang kanyang cellphone at bahagya niya akong inilayo sa kanya. Tinanong ko kung sino iyon. " Wala si Mommy lang" Tumango ako at ngumiti. Ngunit mapapansin ko na halos itago niya sakin ang kausap niya. Nagtangka akong silipin ngunit nag paalam siya na mag babanyo sa taas, sakto naman na tumawag si Mama para kamustahin ako. Nakatayo ako sa may pinto habang kausap sila at nag bilin ng kung ano anu. Matapos nila akong kamustahin ay ibinaba ko na ang tawag. Sumilip ako sa bintana. Madlim na sa labas dahil nagbabadya ang malakas na ulan. Nang lumingon ako sa sala wala pa si Carl kaya naisip ko siyang sundan. Habang paakyat ng hagdan kinakabahan ako na hindi ko naintindihan. Nakita kong bukas ang ilaw sa aking silid dahan dahan akong naglakad sa nakaawang na pinto. Nakita ko si Carl nakatalikod hawak ang kanyang cellphone at may kausap. Ngunit hindi ako makagalaw dahil sa mga naririnog ko. "Yes babe wait me there, oo matatapos na to makikipaghiwalay na ko sa kanya. This time for good okay I love you" Gumuho ang mundo ko. Balak na pala niya akong iwan.Humakbang ako palapit sa kanya at siya naman pag harap niya. Para akong kandilang nauupos sa harapan niya. Ang daming katanungan sa isip ko. Iiwan niya ko dahil may iba na siya hindi pa ba ko sapat, may kulang pa lahat naman kaya kong ibigay pero bakit bakit ganito. Nakatingin lang siya sakin. At parang walang bahid ng pagsisi sa mukha niya dahil walang reaksyon niyang mukha. " Bakit?" madaming tanong sa isip ko na hindi mailabas ng labi ko. Kumamot siya sa kanyang noo at humawak sa kaliwang bewang. "Ano iiyak ka nanaman, too much drama Shamella, You know what alam mo naman na pinipilit na lang natin to." " So you breaking up with me" Di ko mapigilan ang pangangatog ng aking katawan at pagbuhos ng aking luha. " Matagal na sana kaso lagi mo ka lang nag mamakaawa, nakakairita na magtira ka naman ng konting kahihiyan mo!" Oo tama lahat ginawa ko hwag niya lang akong Iwan. Pati ang ipon ko onti onti ng na wawala dahil sa kagustuhan kong maibigay lahat ng gusto niya. Bibilhan ko siya ng mga sapatos, mamahaling gadget at lahat ng luho niya. At ngaun bibilhan ko siya ng mamahaling relo kasi nakita ko na tunitignan niya ito sa kanyang cellphone noong Isang araw. Kahit walang okasyon nagbibigay ako ng regalo. Sa loob ng pag sasama namin ganun ako. "Ano pa bang kulang Sabihin mo babaguhin ko, may gusto ka ba bibilhin ko. May ayaw ka ba sa kin mag babago ako. Hwag mo lang akong Iwan." " This is enough Shamella. Were over! Tama na ang puro drama. I felt out of love with you." Ang sakit sobrang sakit, halos lahat ibinigay ko na. Halos wala na mga akong itira sa sarili ko. Pero sa huli kulang pa din at iiwan pa din niya ko. Wala akong nagawa kung hindi umiyak. Naglakad siya palabas at nilampasan niya ako patungo sa pintuan. Dahan dahan akong napaluhod habang walang tigil ang pag patak ng aking mga luha. Habang tinatanaw ko ang pintuang papasara, kasabay ang paglabas ay siya namang pagkawasak ng puso ko. Buong gabi akong nakulong sa kwarto. Kinabukasan wala pa din ang Kapatid at mga magulang ko wala din akong gana kumain. Makulim lim ang panahon ngaun . Nakaramdam ako ng gutom na pag pasyahan kong tumayo at lumabas ng bahay. Iniisip ko na bumili ng makakain. Para akong walang buhay na naglalakad sa daan hanggang hindi ko na malayan na malayo na pala ang aking nalalakad. Napadpad ako sa isang mataas at mahabang tulay, sa ilalim ay ang napakalalim na ilog. Pinag masdan ko ang ilog, medyo madumi ito at malabo ang tubig. Tulad ng mga pangarap ko para samin ang tubig ng ilog na ito. Malabo at kailan man ay wala ng pag asang luminaw. Naisip ko pano ba maiibsan ang sakit. Pano ba mawawala ang lahat ng pighati sa loob ko, sa puso ko. Pano ba Hindi masaktan. Pano ako aahon sa lungkot na kinasasdlakan ko. Parang walang malinaw na bukas para sakin. Wala nang saysay pa yung buhay ko kasi wala yung taong nagpapaikot ng mundo ko. Yung taong inalayan ko ng buong ako. Ang merun na lang ako ngaun ay yung wasak na wasak na ako. Yung walang direksyon na ako. Yung ubos na ubos na ako. Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa at tinawagan siya. Binuksan ko din ang camera para makita ko siya. Sinagot niya ang tawag napangiti ako. "Babe, nagugutom ako" " F*ck Shamella, It's six in the morning natutulog pa ko."Mapait akong na pangiti kasi nakahubad siya at may nakita akong babaeng nakayakap sa kanya. Tama, yun pala ang kulang sakin kasi hindi ko maibigay ang puri ko dahil gusto ko yun ang iregalo ko sa kanya sa kasal namin. Kaya siguro nag hanap siya ng iba. Kaya ko naman ibigay malapit ko naman nang ibigay kaso hindi na siya nakapag hintay. " Alam mo ba kung nasaan ako ngaun. Dito tayo madalas naglakad noon pag pauwi" Pinakita ko ang tulay. Napapagod na ko masaktan. Gusto ko nang huminto yung sakit. Iniharap ko ulit ang camera sa mukha ko at ngumiti.Ito lang naiisip ko ngaun na makapagpapawala ng sakit na nararamdaman ko. " Carl, tandaan mo kung gano kita kamahal, kahit papipiliin ako at uulitin lahat sa buhay ko. Pipilitin ko pa din na makasama ka. Paalam na mahal ko." Nakita ko ang pagkabigla sa kanyang mata at pag ahon ng kanyang ulo mula sa pagkakahiga. May sinasabi siya ngunit hindi ko na pinakinggan. Inilapag ko ang cellphone ko gilid ng poste malapit sa tulay na nakatayo at nakatutok sakin. Humakbang ako palapit sa tulay at umaakyat sa railing nito. Lumingon ako sa poste kung nasaan ang cellphone ko at kumaway sa kanya. " Paalam mahal ko hanggang sa muli".Sigaw ko at pumikit. Itinaas ko ang kamay ko para damhin ang hangin kasabay ng pagdipa ko ang pagpapatihulog ko sa aking sarili papunta sa malalim na ilog. At onti onti kong pinikit ang aking mata. Ngunit bago tuluyang mahulog may narinig ako na boses ng isang lalaking tumatawag sakin at naramdaman ko din ang paglapit niya. Ngunit huli na dahil pabagsak na ang aking katawan sa ilog. Mawawala na ang sakit. Ang hirap at ang lungkot.Matatapos na ang lahat kasabay ng paglubog ko ang mga ito........

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
556.0K
bc

Dominating the Dominatrix

read
52.8K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
19.6K
bc

The Slave Mated To The Pack's Angel

read
378.2K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
786.0K
bc

The Lone Alpha

read
123.1K
bc

The CEO'S Plaything

read
15.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook