Chapter One: Blurry Beginnings
Mainit ang araw. Maingay ang paligid. At kahit orientation week pa lang sa St. Maria del Cielo College, parang ang bigat na agad ng college life kay Helliara.
Bagong course. Bagong school. Bagong mundo.
Hindi ito katulad ng high school na kabisado na niya ang pasikot-sikot, ang mga guro, ang cafeteria na may paborito niyang kwek-kwek. Dito, wala siyang kilala—bukod kay Ava, na tila nagbago na rin.
Freshman si Helliara sa kursong Accountancy—isa sa mga bagong offering ng kolehiyo. Hindi siya sigurado kung ito ba talaga ang gusto niya, pero ito ang pinili niya. Practical daw. Maraming trabaho. Maraming pera. Kahit hindi siya mahilig sa numbers, pinilit niyang paniwalaan na kaya niya.
Noong araw ng orientation, hindi niya sinuot ang salamin niya. Mababaw ang dahilan—ayaw niyang masabihang “nerd” agad. Pero tuloy, halos wala siyang naintindihan sa mga sinasabi ng mga speaker. Ang mga PowerPoint ay parang abstract art. Ang mga tao sa stage ay nagmistulang gumagalaw na anino lang. Umuugong lang sa tenga niya ang mikropono.
Sabi nila, college is freedom. Pero ang una niyang naramdaman?
Pressure.
---
Helliara wasn’t loud, but she wasn’t invisible either. May presensya siya kahit ayaw niyang ipakita. May resting b***h face siya na akala ng iba’y suplada, pero totoo lang ay laging may iniisip. May nunal siya sa kaliwang pisngi, at minsan parang may sariling mundo.
Ayaw niyang mapansin, pero gusto rin niyang hindi maiwan.
Sa orientation, sa gitna ng ingay at alinsangan, nakilala niya si Krizelle—isang boarder mula Puerto Galera na pareho rin niyang Accountancy major. Si Krizelle ay kabaligtaran niya. Palangiti. Madaldal. Parang sanay na agad sa lahat ng nangyayari.
“Girl, fourth floor talaga yung Accounting major ko. Di ko kinaya,” sabi ni Krizelle habang hingal-hingal silang paakyat ng hagdan.
Napatawa si Helliara. Unang beses niyang natawa nang buong linggo.
Opposites sila, pero nag-click. May mga ganung koneksyon—yung hindi mo inasahan pero biglang natural.
Nandiyan din si Ava, ang childhood friend ni Helliara. Matagal din silang hindi nagkita nang madalas—iba kasi ang pinasukan nitong high school noon. Pero ngayong pareho na silang nasa St. Maria, nagkita ulit ang landas nila.
Pero si Ava, ibang Ava na. Mas confident. Mas maayos magdala ng sarili. Psychology major, at halatang in her element. May bagong barkada na rin ito. Si Helliara, bagamat masaya sa muling pagkikita nila, couldn’t help but feel… left behind.
Hindi na siya ganap na bago sa lahat ng bagay, pero parang hindi rin siya ganap na handa.
---
Tuesday and Thursday, may 3-hour class agad siya: Financial Accounting and Reporting sa fourth floor ng lumang gusaling hindi naaabot ng Wi-Fi. Parang tadhana talaga.
Kaunti lang sila sa klase—dahil nga bagong course pa lang ang Accountancy. Tahimik ang lahat. Walang gustong maunang magsalita. Lahat nakayuko, nag-aabang ng kung sino ang unang magkakamaling magpakilala.
Si Sir Kendrick ang professor nila. Batang-bata, parang estudyante lang din. May confidence na kalmado. Medyo nakakatakot dahil parang ang talino, pero hindi rin bastos ang dating.
“Nandito kayo hindi para takutin ang sarili n’yo. Pero hindi rin ito magiging madali,” unang sinabi ni Sir Kendrick. Walang halong drama, pero tagos sa puso.
Sa MWF naman, may 5–6 PM class si Helliara—Managerial Economics. Major ulit. Pero buti na lang, si Ma’am Rica ang prof—bagong graduate, soft-spoken, at chill. Kahit late na sa araw ang klase, nadadala pa rin ni Ma’am Rica sa mahinahon niyang paraan.
Minsan, sa dulo ng klase, may pahaging itong kwento sa college life niya dati. Sa heartbreak niya. Sa mga pumalya siyang quiz. Parang hindi prof—parang ate. At para kay Helliara, malaking bagay 'yun.
Pagkatapos ng klase? Diretso uwi.
Wala siyang dorm. Nakikitira pa siya sa bahay ng mga magulang niya. May curfew. May gawaing bahay. Hindi siya makalabas kahit gusto niya. Habang ang ibang blockmate ay may weekend gala, group study sa labas, at spontaneous milk tea runs, siya ay nasa bahay—naghuhugas ng pinggan, nagpapakain ng aso, naglalaba ng uniform.
Minsan naiinggit siya. Minsan gusto niyang magrebelde. Pero mas madalas, tahimik lang siya. Nagsusulat sa journal. Nakatulala sa kisame. O kaya’y nagpapatugtog ng instrumental habang nagre-review ng debits at credits.
Hindi pa man full blast ang klase, ramdam na niya ang bigat. Emotional, mental, kahit physical.
This was not high school anymore.
This was not about popularity or cute uniforms or group projects with your barkada.
This was real life—complex, quiet, and sometimes, a little lonely.
---
Pero sa kabila ng lahat, may kakaibang katahimikan sa pag-umpisa. Parang ang g**o-g**o ng lahat, pero may linaw sa ideya na ito na ang simula. Walang kasiguraduhan, pero may paunti-unting pag-usad.
Isang gabi, habang nakaupo siya sa kama, binuklat niya ang kanyang journal at sinulat:
“Day 3 of college. I still feel blurry. Like I’m trying to adjust my focus pero hindi ko pa makita ng malinaw. Pero sabi nga nila, clarity comes slowly. So I’ll wait. And work. And hope. That one day, I’ll feel like I belong here.”
She closed the notebook, exhaled, and stared at the ceiling fan.
Maybe being lost was part of the process. Maybe all freshmen felt this way, kahit hindi nila ipinapakita.
And maybe—just maybe—starting from zero wasn’t so bad.
Because from here on out, everything she’d build would be