“Ano'ng meron? Bakit sila nagtitilian?” I asked Icy na kauupo lang sa tabi ko. I lowered down the volume of my earphones.
Hindi ko na tuloy marinig ng maayos yung kanta ng BTS na pinapakinggan ko. Sigaw sila ng sigaw na parang mga tanga. Akala mo nakakita ng artista.
“Ano pa nga ba? Edi dahil dumaan si Euchleid, kasama yung tropa niya.” Icy replied.
Euchleid na naman?! Lagi ko na lang naririnig ang pangalan na 'yon.
Kumunot ang noo ko. “Sino ba talaga 'yun?” Artista ba 'yon na nag aaral dito?
“Gaga! King of Heartthrobs 'yon dito sa school. Puro ka kasi bts wala ka tuloy alam sa mga titeng kinababaliwan ng mga p**e dito. Si Faren at Schroeder lang tuloy ang kilala mo.”
Malamang mga kaibigan ko yun. Kilala ko talaga.
Ngumiwi ako. “Bakit, guwapo ba 'yang mga kinababaliwan nila bukod sa magpinsan?”
Baka naman ma-expectation versus reality ako kapag nakita ko ang mga 'yon.
“Gurl, ofcourse! May mga lahi tulad ni Faren!” She bragged at me. “Yung tinilian nila kanina. Si Euchleid, 'yun ang King of Heartthrobs. Half korean, half british 'yon...but!” She paused. “Pure filipino by heart. Siya ang ace player sa basketball team nina Faren. He's from STEM Section 1.”
“Si Akihiro naman, Cold and Mysterious Heartthrob. Half japanese, half weirdo — I mean filipino. Takot sa babae 'yun. He's good at sleeping and cutting classes. He's from STEM Section 2.” Inayos niya ang eyeglasses niya. “Yep, he excells in class kahit pasaway. Ang alam ko, STEM section 1 dapat siya kaso napunta sa STEM section 2 kasi late nag enroll. Kaklase siya ni Faren pero 'di natin nakikita kapag napunta tayo sa room nila kasi it's either tulog siya or nasa computer shop na at nakapagcutting na.”
“Aaahhhhhh.” I yawned.
“Ano? Ahhh lang sasabihin mo? Nako gurl, kapag nakita mo yung mga 'yon baka bigla kang makamove on kay Elle. Sayang, 'di ko naabutan kanina eh, edi sana naipalig ko agad ang ulo mo sa bintana.”
“Lols.” Sapat na sa'kin ang bangtan para makapagmove on.
****
Nanlumo talaga ako matapos kong malaman na iisa lang si Euchleid at ang lagi kong nakakatitigan. I still can't believe it. Pakiramdam ko I've been fooled.
“Sabi ko na nga ba gurl eh, iisa lang si Euchleid at yung tinutukoy mong lagi mong nakakatitigan. Nung sinabi mo palang na hazel brown ang mata alam ko na agad. Ahahahaha.”
Parang nang aasar na nag echo sa utak ko ang boses ni Icy nung sinabi ko sa kaniya noong isang araw ang natuklasan ko. Hindi na tuloy ako makatingin kay Euchleid kahapon pati ngayon nung makita ko siya sa pila ng mga late kanina.
Seriously?! Bakit ang tanga tanga ko?!
Tama nga si Riley. I really am stupid not to realize it.
Sa guwapong 'yon, I should have known it already. Kahit pa sabihin kong hindi ko 'yun kilala bilang King of Heartthrobs. Makita ko pa lang ang guwapong mukha na iyon, dapat naisip ko na agad na siguradong marami ang nababaliw sa lalaking iyon. For f**k sake! He's a head-turner and a drop dead gorgeous man.
It's pretty obvious! Okay buti pa yung obvious, pretty. Ako hindi.
UGH! Stop distracting yourself, Fritzey! Isa kang malaking tanga kahit na ang liit mo!
Aish. Bakit ba kasi nawalan pa ako ng pake sa paligid ko dati?!
Kung may pake lang sana ako edi sana hindi ako nagmukhang tanga ngayon 'di ba. Edi sana hindi ako parang tangang lihim na nag a-assume na baka totoo yung sinearch ko na kapag nakakatitigan mo ang isang lalaki. Isang sign iyon na may gusto ito sa'yo.
Assumera!
Bakit naman magkakagusto 'yun sa'kin. Eh ang guwapo guwapo no'n tapos ang daming nagkakagusto. Psh.
Tama nga si Icy sa sinabi niya last year. Sobrang guwapo ni Euchleid at makakalimutan ko ang sakit na idinulot ni Elle kapag nakita ko ang mukha no'n. Eh hindi ko pa nga alam na siya si Euchleid ay nakamove on agad ako magmula nung lagi na kaming nagkakatitigan. Naattract na agad ako sa kaniya...lalo na sa mga mata niyang para akong inaakit.
Aaaaahh!!
Now that I've found out na King of Heartthrobs pala siya. Ia-uncrush ko na siya. I should stop staring at his eyes as well. Kailangan ko nang humanap ng ipapalit sa kaniya as soon as possible. 'Yung hindi heartthrob at wala akong kaagaw. 'Di ako puwedeng mawalan ng crush.
Tuluyan akong mawawalan ng gana pumasok kapag nangyari iyon. Baka lagnatin ako. Aguy.
From now on, I'll start a private operation. Operation: Finding a new crush. Crush lang. Hindi jowa. Ayo'ko na masaktan ulit.
Sighing, I tiptoed when I finally saw a book that Icy was requesting to me na hanapin ko dito sa library. It is a blue with a touch of violet book. Fantasy story siguro. Mahilig 'yon magbasa ng fantasy eh.
I bite my lips nang hindi ko ito maabot. Ang taas kasi. Bakit ba walang upuan dito, para apakan ng tulad naming hindi pinagpala? Inis ah? Mabuti nalang may mga kamay na kumuha para tulungan ako.
I slowly looked back to see kung sino ang may mabuting pusong ito, pero sandali yatang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko nang makita ko kung sino ang lalaking nasa likod ko ngayon.
Blanko ang ekspresyon niya. He has a cold, chestnut brown, catlike eyes. Para siyang tinatawag ng liwanag sa sobrang kaputian. Malago ang messy at curly niyang buhok tipong halos harangan na ng bangs ang isa niyang mata.
I know him. I know his face but not his name.
Siya 'yung cute na lalaking minsan kong nakita noon sa SM na tinakbuhan yung mga babaeng gustong magpapicture sa kaniya. s**t! Dito pala siya nag aaral? Ito na ba ang sign na siya na ang papalit sa trono ni Euchleid?
No. Hindi siya. Kung may nagpapicture sa kaniya sa SM. Surely marami rin ang may gusto sa kaniya dito. Baka isa din siya sa heartthrobs ng University.
I cleared my throat before speaking to him.
“Sala...mat.” Stuttering, I held out my hand, waiting for him to lend the book to me.
But I was astound when he turned his back to me without saying any word, na para bang isa akong multo na dinapuan niya lang ng tingin.
What the heck?!
Akala ko tinulungan niya akong kunin yung libro...
Anak ng tinola. Pakay niya rin pala yung librong hinahanap ko! Yawa oy, mang aagaw!
Tumakbo agad ako para habulin siya at kunin ang libro. Ako ang nauna dun, mang aagaw siya. Ladies first and first come first serve dapat!
“KUYA!” Imbes na siya ang lumingon ibang lalaki ang lumingon.
I think he can't hear me kasi may suot siyang malaking headset sa tenga so I yelled more louder.
Pero hindi parin talaga siya lumilingon. Bingi naman nito. Guwapo sana kaso bingi.
Nung maabutan ko siya, hinawakan ko siya sa braso that made him stop. Mabilis ko rin naman siyang binitawan nang tignan niya ang kamay ko. Suplado.
Tulad kanina, he stares at me coldly. I can't see any expression in his eyes. Bored niyang ibinaba sa leeg niya yung headset.
“Yang libro...” I spoke sabay turo sa libro. “...ako ang nakauna diyan.”
Again, he just stared at me. Para akong nakipag usap sa mannequin. Okay, hindi lang siguro siya bingi. Baka pipe rin.
Naisipan kong mag sign language sa harap niya. Buti nalang tinuruan ako ni Faren noong elementary, kasi gano'n kami mag usap tuwing test kapag nagtatanungan ng sagot.
“Did I asked?”
Ay ponyawa. Hindi naman pala pipe eh. Edi share ko lang.
“I mean, ako nakaunang makakita diyan. Baka naman puwedeng ako muna ang humiram.”
Hindi na naman siya nagsalita. May pinag iipunan ba siya at ang tipid niyang umimik?
“Kanina ko pa rin kasi hinahanap yan. Ilang oras na 'kong paikot ikot sa library dahil diyan—”
He didn't let me finish and he turned his back at me again. Aba aba tatakas na naman.
“Teka lang...” Hinawakan ko ulit ang braso niya at hinarang siya. Instantly, his face gets so red. “...Hindi mo ba alam ang ladies first and first come first se—”
Inilahad niya bigla yung libro sa'kin. Ayun, mabilis naman palang kausap. Dapat pala sabihin lang ang magic word. Ladies first.
I was about to take it nang itaas niya ito para hindi ko makuha. Anak ka ng nanay mo.
Pinilit ko itong agawin pero tumaas ng tumaas ang kamay niya hanggang sa hindi ko na talaga ito maabot. Tinignan ko siya ng masama. Wala pa rin siyang emosyon. A robot can express far more emotion than him. Para siyang hindi tao.
“Poor lady." He scoffs. “Drink some more cherifer for you to grow taller.” He muttered before he finally leaves me.
What did he just say?!
Did he just insulted me?!
Kingina no'n ah?
****
“Hayaan mo na, gurl. Next time nalang kapag tapos niya ng basahin.”
“Pero nakakainis kasi. Sabihan ba naman akong drink some more cherifer for you to grow taller? Guwapo sana kaso...”
Ay hindi pala siya guwapo. Kung tutuusin mukha nga siyang babae. Kaya siguro hindi siya nakinig nung sinabi kong ladies first. Kasi lady rin siya. Bakla.
I crossed my arm. Pinanood ko si Icy na nagpapractice mag gitara. Nandito kami ngayon sa music room, kung saan paborito naming tambayan kapag walang klase.
Tumawa lang siya at sinang ayunan pa ang sinabi nung lalaki na dapat nga akong magcherifer. Uminom na kaya ako no'n kaso hindi tumalab sa ka-cute-an ko.
“Oo nga pala, balita sa matchmake mo kay Euchleid at Mary?” Pagpapaalala sa'kin ni Icy sa dalawa.
I heaved a sigh, “Ayun walang nangyari.”
Ito pa lang talaga ang unang beses na nangyari 'yon. Kaya gusto ko na makabalik si mama para matanong siya. Baka alam niya ang sagot kung bakit hindi gumana ang pair up ko. Since siya lang ang pinagkakatiwalaan ng tunay kong mama na isa ring matchmaker noon.
“Baka kaya hindi tumalab kasi may pangontra sa mga gayuma o magic spell si Euchleid ahahaha.” Icy joked.
“Puwede ba 'yon?”
She shrugged her shoulder, “Ewan ko. Tanungin natin si Euchleid kung may pangontra siya, gusto mo?”
“Baliw 'wag!”
“Char lang. Duh? Hindi ko kayang kausapin 'yon 'no. Pero tingin ko kaya hindi gumana 'yung matchmake mo kasi walang interes sa babae si Euchleid.”
“Wala?”
“Oh ba't nalungkot ka gurl? Don't worry. Kahit magkainteres sa babae 'yon. Wala ka paring pag asa ahahaha.”
Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi naman ako umaasa. Ina-uncrush ko na nga eh. Siraulo 'to.
“Di ko na crush 'yon. Ayo'ko na sa bakla.”
“Gago anong bakla. Hindi bakla si Euchleid.”
“Sabi mo walang interes sa babae, edi bakla kasi lalaki ang gusto,” sagot ko. Tama naman ako 'di ba?
“Tanga. Wala lang interes sa babae kasi mukhang focused sa pag aaral!”
“Hey ladies.”
Naputol ang pag uusap namin nang dumating ang hindi naman namin pinapapunta ritong tao. Si Schroeder.
“Oh Schroeder, wala kayong teacher?” tanong ni Icy. Tumingin ako sa ibang direksyon at nagkunwaring hindi siya nakikita.
“Wala. Pinatay ko na.” Umupo siya sa tabi ni Icy at biglang kinanta ang lyrics na "sorry na talaga, kung nagalit ka, 'di naman sinasadya" mula sa kanta ng parokya ni edgar.
When I looked at him, tumawa siya at tumaas taas ang dalawang kilay. Psh. I rolled my eyes at him. Hindi pa rin kami nagbabati at wala akong balak makipagbati. Hindi niya 'ko madadaan sa kagaganiyan niya. Mga fangirl niya lang ang rurupok sa pagkanta niya.
“Ay magkaaway kayo?”
“Hindi,” sagot ko kay Icy, “Hindi ko nga kilala 'yan. Sino ba 'yan?”
“Awts.” Ngumuso si Schroeder. “Gege. Sakit naman no'n.”
I laughed sarcastically, “Haha, fyi mas masakit yung ginawa mo noong na-late tayo. Plus yung ginawa mo noong tinakot mo 'ko. Kaya f.o na tayo. Salamat nalang sa lahat.”
“Ay kaya naman pala may paalbum ka na naman Schroeder. Naols.”
My eyes widened when I heard a magic word from Icy. Napatingin ako sa kaniya. Hinawakan niya ang...holy s**t!
THE MOST BEAUTIFUL IN LIFE PT. 1 ALBUM!!! OH MY GOD!! MY BABY.
Wait. This is a trap! Hindi ako puwedeng mahulog! Magkaaway kami. Hindi na dapat ako nagpapasilaw ulit sa ganitong suhol niya tuwing magkaaway kami. Kahit pa album ng BTS ang gamitin niya. Hinding hinding hindi na ako makikipagbati sa kaniya. Kaya kong bumili niyan...No you can't.
Okay fine, hindi ko kaya pero hindi pa rin ako makikipagbati! I'll stay with my words!
“Kahit ibili mo pa ako niyan. Hinding hindi ako makikipagbati sayo!”
Hindi makapaniwala niya akong tinignan. “What? Do we know each other, miss?” kunot noo niyang tanong sa'kin sabay aktong nag iisip.
PUTANGINA.
“NAKAKAINIS KA TALAGA SCHROEDER!! YOU REALLY ARE A SON OF A BLEACH!” I walked out.
Pasalamat siya I can't say a b***h word dahil hindi b***h si tita! Hnggg!! Lagi niya na lang akong binubuwiset. Imbes na magsorry siya sa ginawa niya lalo niya pang dinadagdagan ang kasalanan niya.
“What kind of bleach?” I heard him shouted.
Buwiset!
“CHAROT LANG! SORRY NA! KUNIN MO NA 'TONG ALBUM MO KUN'DI IPAPAMIGAY KO ULIT 'TO,” sigaw niya ulit.
Napatigil ako. The last time na nag inarte ako at nagpabebe noong binuwiset niya ako talagang ipinamigay niya 'yung album sa ibang army. So, hindi malabong gawin niya rin nga iyon ngayon. Hindi puwede! Hindi puwedeng mapunta sa iba 'yun!
Nagmartsa ako pabalik sa music room at nakangusong inilahad ang kamay ko. Nakangisi niyang iniabot ang album sa'kin.
“Sino muna ako?” Iniiwas niya ang album nung aabutin ko na ito. Amp ayan na naman.
I tsked. “Schroeder Reid Versoza. 18 years old. Music club President. Magaling kumanta at tumugtog ng iba't ibang instruments. Swimmer at Ideal boyfriend ng mga babae dito sa University. Ang hot kong bestfriend na may nakakaakit na ngiti at six packs abs.” I said as if I'm on a recitation session. Iyan ang lagi kong sinasabi bago niya ibigay sa'kin ang mga album na suhol niya. Kumbaga password bago ko matanggap yung album. Daming alam eh.
“Good. You're welcome.” Finally, ibinigay niya na rin ang album sa'kin. Kaya ang kaninang simangot sa labi ko ay unti unting napalitan ng ngiti.
May bago na naman akong baby! Madadagdagan na sila! Kinikilig ako! Nagtatalon ako sa tuwa nang mapasakamay ko na ang album.
“Sana all album. Sana all boybestfriend. Sana all may arep. Sana alls.” Icy murmured.
Umupo agad ako sa upuan ko without realizing na may naupuan ako. Naglikha ng tunog ang nagcracked na bagay na naupuan ko.
“Ano 'yun?” sabay na tanong nung dalawa.
I stood up to see what is it at agad na napalitan ng kaba ang sayang kanina lang ay nararamdaman ko nang makita namin kung ano ang nasira ko sa pag upo ko.
“AY PUTANGINA! ANG WOODEN FLUTE NI SIR!”
Kasabay ng sigaw na iyon ni Icy ay ang pagdating ng guro nila sa music club na may kasamang isa pang guro.
“What happened to my flute?”
I gulped. Nagkatinginan kaming tatlo at pare paparehong hindi malaman ang isasagot.
Santa maria deputa de mansanilya papaya! SML! So much lagot!
“A-Ano sir...”
“Sir!” Schroeder interrupted Icy then looked at me.
Hala! Isusumbong ako! Mamaaaa! Mapapagalitan ako. Kapag pinagalitan ako hindi na ako makakapasok dito. Pagbabawalan na ako. Hindi na ako makakasama kay Icy kapag tatambay dito.
Uwaaah!! Bakit ba kasi hindi ko manlang tinignan kung may bagay akong mauupuan? Bakit ang clumsy clumsy ko? Bakit?!!
“Nasira ko po yung flute kanina. Sorry po.”
Ehh?!
Naudlot ang pagtulo ng namumuong luha mula sa mga mata ko nang akuin ni Schroeder ang kasalanan ko.
As expected. Nagalit ang teacher nila so he ended up going with their teacher to the faculty room. Hindi na ako nakaimik pa hanggang sa makaalis sila. Gusto kong sabihin na ako talaga ang nakasira kasi nakokonsensya akong ibang tao ang napapagalitan dahil sa katangahan ko. Pero nagring na ang bell kaya hinila agad ako ni Icy pabalik sa room.
Buong oras na nagka-klase kami nakatitig lang ako sa album na bigay ni Schroeder. Iniisip kung ano kaya ang parusang ibinigay sa kaniya nung teacher nila sa music club?
At nasagot lang ang tanong ko nang matapos ang klase namin at magsigawan ang mga kaklase naming malapit sa bintana.
“OH MY GOD! SI SCHROEDER TUMATAKBO SA RUNWAY FIELD! OMG OMG! HE TAKES OFF HIS P.E. SHIRT!!!”
I Immediately stood up to check it for myself at hindi na ako nagdalawang isip pang lumabas nang makumpirma kong tumatakbo nga siya sa runway field. Pumunta agad ako sa faculty room para itama ang mali.
He's really my bestfriend. Lagi niyang sinasalo ang kasalanan ko. Kahit na nakakainis siya at laging nambubuwiset. He never fails to protect me.
Sinabi ko sa teacher nila na ako talaga ng nakasira. I apologized and I said handa akong palitan o bayaran yung flute. Pero walang sinabi ang teacher nila kundi ang tumakbo ako sa runway field at palitan si Schroeder.
Kaya pagdating ko sa runway field, sinabayan ko si Schroeder sa pagtakbo.
“Bumalik ka na sa room niyo.” I said while running with him.
“Anong ginagawa mo dito?” He looked at me. Pawis na pawis na siya. Ilang oras na ba siyang tumatakbo dito?
“Inaako ang kasalanan ko. Mahirap na, baka pagkatapos mong tumakbo bawiin mo yung album sa'kin.” I answered, in a joking manner, but I mean it.
He remained serious, “Bumalik ka na do'n. Hindi ko babawiin 'yon, baliw ka ba?”
“Ayo'ko pa rin. Kasalanan ko kaya nasira yung flute kaya dapat ako ang—”
“Ang dami ng nakapanood oh.” He interrupted me. Pagtingin niya sa buildings ay naghiyawan ang mga babaeng nakadungaw at nakapanood sa'min.
Okay, ang dami nga nila. Pero hindi ako patitinag. Nahihiya man ako na ang daming matang nakatingin. Mas mahihiya ako sa sarili ko kung hahayaan kong ibang tao ang napaparusahan sa kasalanan ko.
“Ano naman ngayon? Makakatulong naman sila para maovercome ko ang fear ko sa harap ng maraming tao. Tsaka di na nila ako mabubully kasi ipagtatanggol niyo 'ko,” tugon ko.
Nagsalubong ang kaniyang mga kilay.
“Bahala ka nga.” Umabante siya ng takbo.
“Hoy, bumalik ka na sa room niyo! Malinis na ang kasalanan mo sa sir niyo!”
He looked back at me. “Habulin mo muna ako. Kapag nahabol mo 'ko. Babalik na 'ko.”
“Parang tanga naman!”
Ang daming alam. Alam niya namang hindi ako mabilis tumakbo.
“Habol!”
Binilisan ko ang takbo ko. Panay ang sigaw ko na bumalik na siya sa room nila. Habang siya ay tawa pa ng tawa at nang aasar na para akong internet nila kung tumakbo...ang bagal.
Tumigil lang ako sa pagsigaw at unti unting bumagal ang takbo ko nang mahagip ng mga mata ko si Euchleid na may kasamang dalawang lalaki. Hindi siya nakatingin sa gawi namin. Hinintay kong tumingin siya. Pero wala.
Teka, bakit mukha akong disappointed?
Eh heartthrob 'yun.
Hindi nga manlang ako kilala no'n. Kaya bakit titingin 'yon dito? Baka nga tingin niya sa'kin ay isang creepy'ng babae na may gusto sa kaniya kasi lagi siyang tinititigan. Tsaka ia-uncrush ko na siya! Bakit pa ba ako tumingin kanina?!
“HEY! ” Gulat sa'kin ni Schroeder. “Sabi ko habulin mo 'ko. Where the heck are you looking at?”
“Huh?” I looked at the place kung saan ko nakita si Euchleid. Wala na siya doon. “Ah? Wa...wala. May nakita lang akong parang nakatayo doon. Multo 'ata.”
“Walang multo dito sa University. Ghoster meron.”
Nagpatuloy na kami ulit sa pagtakbo.
Naguguluhan ako. Gusto ko na siyang i-uncrush at tigilan sa kakatitig. Pero kapag nandiyan naman siya. Parang may sariling desisyon ang mata ko na tignan siya sa mata.
Lord, bigyan mo nga ako ng sign.
Kapag hindi ko siya nakita ng one week next week, ia-uncrush ko na siya. Pero kapag nakita ko siya kahit isang beses. Official crush ko na siya. Kahit marami pa akong kaagaw sa kaniya. Crush lang naman.
Don't worry about my baby heart, lord. Hanggang crush na lang naman siya ngayon. I will protect her. Hindi na hihigit pa sa paghanga ang mararamdaman ko. Sure 'yan.
Sana makita ko siya kahit once lang...
Hehe.
To be continued...