“Listen class,bukas may group activity kayo at may ilang student ang lilipat dito sa room n’yo, at sila ang magiging leader n’yo kaya magsi-paghanda kayo. Matuto kayong maki-cooparate sa kanila. Understand?” tanong kanilang Teacher.
“Yes, Ma’am,” sabay-sabay nilang sagot.
Maya-maya pa ay lumapit na ang kanyang mga kaibigan sa kanya.
“Oh! Beshy na saan ang baon mo?” tanong ni Rose.
“Kaya nga, mukhang nagkaliktad kayo ngayon ni Rose ah!” natatawang wika ni April.
“Wala kasi sila mama at papa, may meeting sila kaya hindi naka-pagluto si mama dahil maaga silang umalis, pupunta na lang ako sa canteen. Mauna na kayong kumain,” paalam niya.
“Wait lang beshy, doon na tayo kumain para hindi ka na mahirapan na bumalik pa,” ani Rose.
“Sigurado kayo, ayos lang sa akin kung mauna na kayong kumain,” paniniguro n’ya.
“Hindi na, do’n na tayong lahat kumain,” ani Rona at tuluyan ng tumayo bitbit ang lunch box nito, sumunod naman ang mga kaibigan, s’ya naman ay nakatulala lang sa palabas na mga kaibigan.
“Hoy! Bruha ano pang hinihintay mo d’yan? Pasko?” biro sa kanya.
“Dana, ano? Hindi ka pa din ba tatayo d’yan?” Tawag sa kanya ni Rona, dahil na katulala pala siya. Pagkarating sa canteen ay kaagad naghanap ng mauupuan ang mga kaibigan.
Siya naman ay dumiretso sa counter, nang mapasin ang tingin ng mga tao sa kan’ya, sabay iwas pagna-papatingin s’ya sa mga ito. Narinig naman n’ya ang bulungan ng dalawang estudyante na malapit sa kan’ya.
“Ghurl, narinig mo yung chikka?"
“Oo, si pound for pound daw nagtapat ng pag-ibig kay baby Jean Claude, kaloka!” anito na tumingin sa kan’ya at napapailing.
“Tama ka, hindi lang taba ang makapal pati mukha.” Sabay tawanan ng dalawa na kung mag-usap ay parang wala s’ya sa malapit, at parang hindi n’ya marinig ang pang-iinsulto nang mga ito sa kan’ya.
Maya-maya pa ay mas lalong umingay sa loob, nang pumasok ang isang pamilyar na boses, na bigla n’ya ikinatayo ng diretso.
“Bro, ang queen mo?” narinig pa niyang sabi ng kasama nito.
“Tsk, ‘wag mo akong simulan bro!” sagot nito. Na hindi nagtagal ay nasa likuran na niya ang mga ito.
Kabang-kaba s’ya dahil sa pakiramdam niya ang may nakatingin sa likod niya.
“Tsk, ano ba yan ang laki kasi nang nasa harap ko hindi ko tuloy makita kung ano’ng nasa harapan,” parinig ng isa sakasama binata sa kan’ya.
“Pwede ba ‘wag n’yo akong simulan, hindi s’ya gano’n ka importante para pagtuunan ng pansin,” bulong nito sa mga kasama.
Heto na naman po s’ya, na pakiramdam na parang may humihiwa sa kanyang puso. Parang mga bala ng baril ang mga masasakit na salita nang mga ito sa kan’ya, pakiramdam n’ya ay hinihiwa ang kanyang puso.
Bakit ba tagus-tagusan ang sakit na nararamdaman n’ya pag ito ang nagbibitaw ng masasakit na salita sa kan’ya.
Hindi na lang n’ya ito pinansin pa at mabilis na ng-order at nagmamadaling bumalik sa mga kaibigan.
“Beshy, okay ka lang?” tanong ni Rona na nagaalalang tumingin sa kan’ya.
“H’wag mo na lang silang pansinin, mataba ka man mas maganda ka naman kesa sa kanila, lalo na pagpumayat ka. S’ya hala kumain na tayo, dahil hindi tayo mabubusog ng mga chikka nila,” pag-aalo ni Rose.
Habang kumakain ay bigla s’yang kinalabit ni Rose, “Beshy, nasa likod mo!” bulong nito sabay turo sa mga estudyante na umupo sa lamesa na nasa likuran niya.
Bakit ba sa dami-dami nang pwedeng upuan dito pa talaga sila sa malapit sa ‘kin? Inis na nasabi sa sarili ng maupo sina Jean Claude kasama ang barkada nito.
“Bro, ano ang pakiramdam na may isang queen ang nagtapat sa ‘yo ng pag-ibig,” sabay hagikgik ng iba pa nitong kasama.
Pero walang reaksyon siyang narinig sa lalaki, at alam n’ya na sinadya ng mga kaibigan nito na iparinig iyon sa kan’ya.
“Beshy ‘wag mo na silang pansinin,” nag-aalalang sabi ni April sabay hawak sa kanyang kamay.
“Okay lang mga beshy, wala lang sa ‘kin yung mga parinig nila, saka sino ba naman s’ya para pagtuunan ko ng sobrang atensyon. Isa pa ayoko sa lahat ‘yon kalalaking tao napaka-tsimoso, kailangan pang ikalat sa buong school makakuha lang ng atensyon sa iba, ‘di ko alam atensyon seeker pala s’ya,” aniya na sinadya niyang lakasan ang boses para marinig nito. Pero sa totoo lang sobrang sakit na nang nararamadaman n’ya na anytime tutulo na ang luha n’ya.
Pero pilit s’yang nagpakatatag para hindi s’ya mapahiya. Saka nilantakan na lang niya ang pagkain na nasa harap niya.
“Wow,” sabay palakpak nang kaibigang bakla, “That’s my girl!”
“Sshhh— tumahimik na kayo, nakatingin na sila sa atin,” bulong ni Rose.
“So what, kung nakatingin sila sa ‘tin. Mamatay sila kakatingin,” sigaw nito, saka tumayo at na-meywang, bigla namang nag-iwas ng tingin ang ibang mga estudyante.
Kaya mahal na mahal n’ya ang mga kaibigan n’ya e, dahil lagi s’yang pinagtatanggol ng mga ito sa mga nambu-bully sa kanya, kahit madalas niyang sabihin na ayos lang sa kanya. Lalo na si Rona sa mga ganitong sitwasyon ito ang mas madala na galit na galit kesa sa kan’ya.
“Salamat best, ikaw talaga ang knight ‘n shining armor ko” nakangiti niyang hinawakan ang kamay nito.
“Kaya besh, ‘wag mong hayaan na inaapi-api ka lang dahil sa lalaking walang kwenta,” sabay kindat nito.
“Hoy! Bakla tumahimik ka nga d’yan, baka gusto mong dumapo sa’yo itong kamao ko?” patol ng isa sa kamahan ng lalaki sa kanyang kaibigan.
“O edi gawin mo! halika ng makatikim ka din sa ‘kin,” sigaw din ng kaibigan n’ya, halos pag-tinginan na sila ng ibang estudyante dahil sa ingay nila.
“Guys, tumigil na kayo, ‘wag n’yo na silang patulan, baka ma-guidance pa tayo,’ pigil ni April sa kaibigan na naghahamon na rin ng away.
“Ang tapang mong bakla ka ah!” sabay tayo ng nasa kabilang lamesa, saka sabay na nagtayuaan na din ang ibang kasamahan nito.
Nang papalapit na ang lalaki ay bigla naman siyang tumayo at hinarangan ito.
“Hoy, ikaw baka gusto mong dumapo itong kamao ko d’yan sa bunganga mo, sa laki ng kamao kong ‘to siguradong basag ‘yan pati bungo mo, ano?” hamon niya na nagpaatras dito.
Sa taas ba naman niyang five foot and seven inches, na halos pumantay na sa lalaki, lalo na’t malaki pa ang kan’yang katawan, ewan ko na lang kung hindi pa s’ya umatras sa takot.
“Ano, wala ka pala e,” hirit pa ng kaibigan n’yang si Rona.
“Beshy, tama na tapusin na natin ‘tong pagkain natin para makaalis na tayo dito.” Awat niya sa kaibigan at buti na lang nagpaawat ito sa kanya.
Bubulong-bulong naman ang nasa kabilang lamesa, pagtingin niya ay masama ang tingin ni Jean Claude sa kan’ya, kaya inirapan niya ito at na-upo na para tapusin ang pagkain.