Quiet Before the Storm
Chapter 1
Mishie’s POV
10 PM na pala? Pagtingin ko sa cellphone ko, bumungad sa akin yung sandamakmak na notifications sa Messenger. Mga group chats ng classmates ko, reminders, memes, at syempre, “Mishie, tapusin mo na to,” “Deadline na po,” parang walang katapusan arrgh. Worst part? Leader kasi ako sa lahat. Hindi ko muna tinitignan mga messages nila, napatulala na lang ako sa laptop ko.
Matagal-tagal na rin akong nakaupo dito sa study table ko. After defending ng research namin kanina, may revisions pa rin. Bukod dito, marami pang homeworks na kailangan tapusin. The life of being a crammer.
Grabe ang pagod ko sa maghapon. Ramdam na ramdam ko yung sakit ng likod at yung gutom na kanina ko pa rin tinitiis. Ang dami ng activities projects, presentations, at assignments na parang hindi matapos-tapos. Para akong nag-marathon buong araw. Literal, hell week. Nilock ko yung pinto ng kwarto ko at balak kong tapusin lahat.
Isang oras ang lumipas. Nakatapos na rin ako ng tatlong major homeworks at na-revise na yung research namin simula Chapter 1 hanggang 4. Gumaan ng kaunti yung pakiramdam ko, nakapagpahinga ng malalim, at nabawasan na rin yung stress. Sumandal muna ako sa gaming chair na kinauupuan ko at napapikit ng sandali, pero alam kong hindi pa don natatapos ang gabi ko.
Maya-maya, narinig ko yung sigaw ni Mama mula sa kusina: “Mishie, anak! Tatakpan ko na lang dito yung pagkain mo. Kumain ka muna bago ka matulog.”
Sagot ko lang: “Wait lang po, Mama, tapos na ‘ko dito, magliligpit lang.” Agad kong inayos yung notebooks, papers, laptop, at pens sa desk ko. Kahit nangingirot pa ang likod ko, inilipat ko lahat sa ayos bago bumaba papuntang kusina.
Bumaba na ako sa hagdan. Ramdam ko agad yung malamig na sahig sa paa ko. Naglakad na ako at palapit sa sofa nakita ko si kuya Lee, Naka earpods at tutok na tutok sa phone nya. Palagi syang ganyan, pakiramdam ko nga na wala syang pakealam sa paligid nya. In short, nonchalant talaga sya.
Habang naglalakad malapit na papuntang kusina napatigil muna ako nung may nag pop up sa phone ko. Message mula kay Nikolai. “Bukas sa library, may ipapakita ako sa’yo.” Napangiti ako, konti lang, hindi halata.
Si Kuya Lee, tinitingnan nya ako, at bigla syang napatanong: “Oh, bakit ngingiti-ngingiti ka dyan?”
“Tumigil ka nga,” sagot ko, kahit halata sa tono ko na naasar.
“Wala ka ng pakialam,” sagot ko, pero halata sa mukha ko na medyo napangiti ako.
Kinuha ko na yung ulam sa table at iniinit sa microwave. Secretly, nakangiti pa rin ako habang binabasa ang message ni Niko.
Habang hinihintay yung ulam ko na uminit, binuksan ko na muna ang YouTube ko, papanoorin ko kasi ngyung favorite movie ko ko habang kumakain. Konting distraction lang, my everyday routine.
Okay na ang ulam ko at agad na rin akong kumain habang nanonood sa kusina. Patapos na akong kumain nang marinig ko si Kuya Lee “After mo kumain, ilagay mo yung ulam sa ref. Matulog kana rin pagka tapos mo dyan.”
“Oo po!” sagot ko nang malakas. Binilisan ko nang kumain at hinugasan agad ang ginamit kong plates bago umalis.
Umakyat na ako sa kwarto, nagmamadali at konting takot dahil mag-isa na lang ako. Habang paakyat, naiisip ko ulit yung message ni Nikolai. Bakit kaya may ipapakita siya sa library? Konti lang, pero may kinikilig akong nararamdaman. Hindi ko man gusto aminin sa sarili ko, pero may curiosity na gumugulo sa utak ko.
Ni-lock ko na ang pinto ng kwarto ko. Inayos ko na rin agad yung mga homework ko sa bag, inorganize yung mga papers na ipiprint ko bukas, at inayos ko rin yung higaan ko. Ramdam ko na sobrang late na—11:45 PM na.
Gusto ko nang magpahinga at matulog. Agad naman akong humiga sa kama para pipikit na sana… pero biglang sumagi sa isip ko na bukas na pala ang Friendship Day namin ni Nikolai. Tradisyon naming i-celebrate iyon, at naisip ko, baka may ibibigay siya sa akin sa library bukas.
Taranta akong bumangon at umupo sa kama, kinuha ang mga art materials ko, tumayo, at pumunta sa mesa. Sinimulang gumawa ng handcraft gift para sa kanya.
Habang gumagawa ako, napapatingin ako sa phone ko, baka may bagong message si Nikolai, pero kahit anong refresh ko ay mukhang wala na. Siguro tulog na ‘yon. Saglit akong napaisip, at napangiti na lang ako sa sarili ko–kahit hindi ko rin alam kung bakit.
Tumayo ako sandali para kumuha ng gunting, tapos bumalik din agad sa mesa. Medyo napahinto ako, hawak pa rin yung mga materyales. “Okay, Mishie… kaya mo ‘to. Baka tomorrow may surprise din siya,” sabi ko sa sarili ko. May maliit na saya sa dibdib ko—hindi ko pa kayang aminin, hindi ko ma-explain.
Tinuloy ko lang yung ginagawa ko hanggang matapos. Hindi ko na namalayan kung gaano na kalalim ang gabi.
Nagising na lang ako kinabukasan, na nakahiga na sa desk ko.
Pakiramdam ko’y sobrang bigat ng ulo ko, at medyo nananakit yung leeg ko sa pagkatulog kagabi. Napatingin ako sa desk ko, at nakitang maayos naman yung gift na ginawa ko, nakatabi lang sa gilid.
“Okay na siguro ‘to?“ saad ko.
Dahan-dahan akong bumangon at nag-stretch ng bahagya. Huminga nang malalim, at pilit inalis yung antok sa katawan ko. Medyo nananakit ang braso ko at ramdam ko pa rin yung pagod sa buong gabing pagtatrabaho. Pero hindi ko nalang ito pinansin at agad nang nag asikaso.
Kinuha ko saglit ang phone ko balak ko sanang i-charge pero sandaling chineck yung group chat namin. Nag-type ako:
“Guys, di muna ako papasok this morning. Masama pakiramdam ko. Mamaya na lang ako.”
Maingat kong inilagay yung gift ko sa bag para hindi maipit, tapos inilapag ito sa gilid ng upuan. Huminga ako nang malalim at nagdesisyon na bumaba na sa hagdan.
Sa baba, nakita ko si Kuya Lee sa shoe area, nag-aayos ng medyas niya kasi paalis na papuntang school. Kasabay ni Mama na maghahatid sa kanya. Napatingin ako sa kanila sandali, saka nagpaalam. “Mama, hindi muna ako papasok this morning. Masama pa pakiramdam ko.”
Ngumiti si Mama at tumango. “Okay, anak. Pero kumain ka muna bago umalis mamaya, ha?” Sabi niya habang tinitingnan ako saglit. Tumango lang ako.
Pagkatapos non, umalis na rin si Mama at Kuya. Pumunta ako sa ref at kumuha ng simpleng breakfast. Wala akong kasabay, tahimik lang ang kusina.
Kumuha na’ko ng makakain, naglakad papunta sa sala, at umupo habang nanonood ng random na pelikula sa TV. Nararamdaman ko ang pananakit ang buong katawan ko.
Matapos kumain, bumalik ako sa kwarto. Inayos ko yung uniform ko at isinabit sa upuan, inorganize ang bag ko kung saan nakalagay ang gift. Sinigurong maayos lahat bago ko buksan ang laptop at i-prepare para sa mga notes ko mamaya.
Habang inaayos ang laptop, may nag pop up na message sa phone ko, mula kay Nikolai: “Kamusta ka na? Ready ka na ba for friendship day natin?” Napangiti ako nang bahagya, medyo kinakabahan sa simpleng tanong niya.
Tinapos ko rin ang ilang notes at nagpatugtog ng paborito kong music habang nagsusulat.
Makalipas ang ilang minuto ay napatingin ako sa oras, 10:37 AM. Sandali akong huminga ng malalim at sinigurong handa na para sa araw na’to kahit ang tahimik ng paligid at medyo inaantok pa rin ako.