Dieciseis

1815 Words
"Isabella! Trisha and Aling Rosa's here!" rinig kong tawag ni Javier. Dali dali akong nagbihis para salubungin sila. Kakatapos ko lang kaisng maligo kaya nagmamadali ako. Excited naman akong makita si Trisha lalo na ang mga ituturo niya saakin ngayon. "Magandang araw po aling Rosa."binati niya ako pabalik at nagpaalam na para magsimula nang maglinis. Agad akong hinatak ni Trisha papuntang sala para don tatambay. Nakasunod lang si Javier saamin. "Halika na ate, excited na akong turuan ka!" Umupo siya sa tabi ko at may papalakpak pa. Umupo rin si Javier sa tapat namin at inabala ang sarili sa pagmamasid. "Sige. Ano bang gagawin ko?" inocente kong tanong. Nakita ko ang konting ngiti sa labi ni Javier habang nanonood saamin. "Hmmm, may cellphone ka po ate? 'yon nalang po gamitin natin." Tumango naman ako at nag-alangang tumayo. "Ah, de keypad yung cellphone ko. Pwede ba 'yon?" ayan na naman ang gulat na ekspresyon sa mukha ni Trisha. "Kuya hindi mo man lang ba tinuturuan si ate Isabella? Tsk tsk." Nagulat pa si Javier at tinuro ang sarili dahil sa tinuran ni Trisha. Napailing nalang siya at tumawa. "Alam mo ate, wala na pong kwenta ang mga de keypad na cellphone ngayon. Uso na po yung mga touchscreen at Android. Nakakpag-internet, tawag, tex, nakakpagpicture ka na rin!" Inilabas niya ang touchscreen na cellphone niya at ipinakita 'yon saakin. Tinuturo niya bawat gamit n'on na para bang nageendorse. "Ganun ba. Pa'no ba 'yan, wala naman akong touchscreen? Huwag nalang siguro." Medio nanghinayang ako. Wala rin naman kasi akong perang pambili ng touchscreen na cellphone dahil pinag-iipunan k opa ang pangarap ko. "Itong akin nalang muna ang gamitin natin ate. Gagawan kita ng f*******: rito tapos pwede ka nang makapag log- in gamita ng cellphone ni kuya Javier. Diba kuya?" natigilan na naman si Javier sa biglaang pagsali sakanya ni Trisha sa usapan. "Ano, nakakahiya naman 'yan. Pwede namang wag nalang." Nahihiya kong sabi pero tinawanan niya lang ako. "Sige, eto ate oh. Ito yung email na gagamitin mo, tapos mag-isip ka ng magandang password. Yung madali mo lang maalala." Nagsimula na si Trisha sa pagpipindot ng kung ano sa cellphone niya. Pinilit kong alalahanin lahat ng sinasabi at tinuturo niya pero yung utak ko, hindi pamilyar sa lahat. Umalis rin saglit si Javier dahil may kakausapin sa telepono kaya may nakapagfocus ako sa mga tinuturo ni Trisha. Buong umaga kaming nakatambay sa sala at nakatitig sa cellphone. Kinailangan ko na ngang kumuha ng papel at ballpen para maalala lahat. Tango lang ako ng tango kahit pa pakiramdam koy kinakausap niya ako gamita ng ibang salita. Mabuti nalang at nagpahinga kami saglit kaya agad kong binitawan ang papel at ballpen sa lamesa at nag-inat. "ano ate? Marunong ka na ba?" dahan dahan akong tumango. "Medyo? Hindi ko sigurado. Ang dami eh." Tinawanan niya lang ako at inusisa yung sinulat ko. Dahil wala akong ibang papel o notebook, 'yung sketchpad ko yung pinagsulatan ko kaya inusisa niya 'yon. "Ate ang galing mo palang magdrawing! Ang ganda ng mga design." Ngumiti ako sa pagpuri niya at nahihiyang nagpasalamat. "Ano po bang gusto niyong maging ate? Ang ganda po talaga nito eh! Gusto mo bang maging fashion designer?" "Oo, pangarap namin ni nanay 'yan kaso wala namang pera kaya nag-iipon ako para makapag-aral." Tumangi siya't binalik ang sketchpad sa lamesa bago dumikit saakin at nagpapacute. "Kapag po nagawa na 'yang mga disenyo mo ate, ipasusuot mo ba saakin?" mabilis niyang pinagalaw ang pilik mata, may dala pang nguso. "Oo naman, ikaw pa ang unang sasabihan ko." Tuwang tuwa namn siyang pumalakpak at yumakap saakin. Pagkatapos ng tanghalian, iniwan na namin si Aling Rosa at si Trisha sa bahay ni condo ni Javier. Gustong sumama ni Trisha at pumayag naman si Javier kaso si Aling Rosa naman ang hindi pumayag. Napagalitan pa nga si Trisha eh. Binabagtas namn ang patraffic na dan rito sa Maynila. Sobrang alinsangan ng panahon at dumagdag pa ang halos hindi gumagalaw na trapiko. Naipit kami ni Javier sa traffic kaya marami kaming oras sa sarili namin. "Saan pala tayo pupunta Javier?" binalingan niya ako ng tingin at inabot ang kamay ko. "I'll bring you to our mall. And I have to buy things there too." Lalo naman akong nsexcite. Matagal ko nang alama ng mga malls nila, maging ang mga kuwento n'on pero ni isang beses hindi pa ako nakakapunta kaya sobrang excited na ako! "Hindi pa ako nakakapasok sa mall nyo. Ayos lang ba ang itsura ko? Baka magtaka ang mga staff mo na kasama mo ako?" maraming tao sa mall, ibig sabihin maraming makakakita saamin kaya delikado baka may mabuong usapan. "You're always pretty mi amor. No need to worry. Besides, you're with me and you know I won't let anything bad to happen. If you;re worried about the staffs, they don't know me, only on the higher positions met me. So, you feeling good now?" nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Tumango ako't ngumiti. "Salamat sa pagpapasyal saakin kahit hindi naman kailangan. Sobrang saya ko." Sinsero kong sabi. "Anything for you, mi amor." Tiningnan niya ako ng diretso sa mata at nilapatan ng halik ang likod ng kamay ko. Hapon na nang makarating kami sa Alvarado Mall. Marami ngang tao, patuloy na pumapasok at lumalabas. Napaplingon ako sa paligid sa dami ng mgagandang bagay na nakahilera. "You like it here?" bulong ni Javier. Lumingon ako sa kanya at ngumiti ng malapad. "Oo sobra! Salamat!" Sumakay kami ng elevator at pinindot niya ang pang-apat na palapag. Nang makalabas, bumungad ang iba't ibang stores na may nakadisplay na iba't ibang klaseng gadgets. Nakita k opa nga 'yung cellphone ni Trisha na nakadisplay eh. "Bakit tayo nandito?" "I'll buy you a new phone and a laptop." Diretso niyang sabi kaya napatigil ako sa paglalakad na siyang nagpatigil rin sa kanya kasi magkahawak ang mga kamay namin. "Ha?! Wagn a, hindi naman kailangan!" todo iling ako para ipakita ang pagtanggi ko. "Come on, it's fine! You can use those to talk with Trisha anytime you want, and you can even call mama and manang with it." Napaisip naman ako. Tama nga kaso ang mahal nun eh. "Ok pan aman yung cellphone ko kaya wag na." Pagpupumilit ko. "Nope it's not. Let's just buy something not too expensive. Is that good?" alanganin pa rin ako pero dahan dahan nang tumango. Mukhang hindi ko rin naman siya mapipigilan eh. Pumasok kami sa store na may parang manzanas na logo sa entrance. Kakaiba yung itsura ng mga gadgets nila rito, at mukhang mamahalin. Nilapitan kami ng lalaking naka tuxedo at magalang na inikot kami sa buong store. Si Javier ang kumakausap sa kanya akya tahimik lang ako sa tabi habang nakakapit kay Javier. "Give me the latest Iphone and aMacbook please." Ibang iba ang tono ng pananlita ni Javier sa pagkausap sa lalaki kaysa sa tono niya kapag kausap ako. Sobrang seryosong pakinggang parang nuong una kaming nagkita ulit. "Sure sir. I just have to process it. Can you wait for a while?" "We'll just get it later once we're done roaming around. Would that be fine?" Naglakad na ulit kami palabas at nakasunod naman yung lalaki. "That would be good sir." May binigay si Javier na card sa lalaki at may pinag-usapan p asila saglit na hindi ko namna nasundan bago kami tuluyang lumabas at sumakay ulit sa elevator. Ngayon, pababa naman kami sa second floor. Iba't ibang botiques nman ang naroon, puro damit pangbabae. Hinila niya ako papasok sa tahimik na boutique at sinalubong agad kami ng hula ko'y may-ari. "Hello sir. What can I help you with?" Napatigil ako ng marinig ang matinis at inipit niyang boses. Tiningnan ko lang siya ng may pagtataka pero biglang sumama ang mood ko sa nakita. "I need a few dresses, shirts, jeans, and lingeries." Marahang tunago ang babae at mabilis na pinagaalaw ang pilik-mata. Titig na titig siya kay Javier at may pahaplos haplos pa sa braso. "Surely, sir. Is it for your mother?" Mukhang kilala niya rin si señora ah. Mas lalo lang akong sumimangot sa naisip. "No. It's for my girlfriend right here. I don't want anything too revealing." Nawala ang pagsimangot k osa narinig. Saglit akong tiningnan noi Javier at pilyonng ngumiti. Para namang nawalan ng dugo 'yung babae dahil sa sobrang pagkaputla at pekeng ngumiti. "O-oh, yes. S-sure sir." Muntik nang madapa ang ababe nang nagmadali itong umalis sa harap namin. Umupo kami sa bench na nasa gitna ng botique para maghintay. "Bakit mo sinabing girlfriend mo 'ko? Baka kung ano ng isipin niya." Bulong k osa kanya. Tumawa lang siya at inikot ang braso sa bewang ko. "Why? Is there something wrong with that?" ayan na naman ang nakakalokong ngiti sa mukha niya. "Oo. Baka lang kasi makarating kay señora at baka na rin masira ang pangalan mo. Alam mo na.... Imposible naman kasi 'yon." "hmm. It is true anyway. You're my girlfriend. Aren't you? I mean, girl- friend?" unti unti akong sumimangot nang maintindihan ang ibig niyang sabihin. "Oh, were you thinking about something else? I would love that too." Bulong niya sa tenga ko at may dala pang kindat. Lumayo ako ng kaunti sakanya at nag-iwas ng tingin. Tinawanan niya lang ako at mas lalong inasar kaya hindi ko na lang siya kinakausap. Maya-maya'y bumalik na yung babae at nakakpagtakang nag-iba na yung mga galaw niya. Mas naging seryoso at profesional na siya at wala nang kasamang pahaplos kaya medyo umayos na rin yung pakiramdam ko. Ewan ko nga kung bakit biglang nagbago yung mood ko. Maraming paperbags na dala si Javier at ayaw niya namang magpatulong. Hindi na rin ako nakaaangal sa mga binili niya kasi hindi rin naman siya nakikinig. Pagkatapos ay binalikan namin yung mga gadgets na binili niya at bumalik na sa sasakyan para pumunta sa isang restaurant. Halatang mamahalin, at mga kilalang tao ang narito. Kumuha siya ng VIP table na nasa isang kuwarto na mayroong lamesa at mga upuan sa loob. May sarili ring Butler, at waiter. HInila niya ang upuan at ginaya ako paupo. "Ang ganda rito Javier." Sinsero kong sabi. Umupo siya sa tapat ko't inabot ang kamay ko. "Only the best for you, mi amor. Only for you." Napangiti naman ako. Hindi talaga siya nagkukulang sa pagpaparamdam saaking kung gaano ako kaimportante sa kanya. Sobrang nakakagaan ng puyso. Siya lang ang nakakapagparamdam saakin nito. "Salamat talaga. Sobrang saya ko ngayong araw, lalo pa't ikaw ang kasama ko. Parang gusto ko nalang na ganito tayo lagi, maliban nalang sa mga mamahaling binibili mo para saakin." Ngumiwi ako sa huling bahagi, samantalang siya nama'y natawa. "You're so adorable and you never failed to amaze me. s**t. You should stop making me fall harder. It should be you who's falling for me here." Nilagay niya pa ang isang kamay sa taas ng dibdib niya at pabirong ngumuso. Natawa lang ako sa kanya. Sana palagi nalang ganito, Masaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD