Quince

2388 Words
Pagkatapos ng usapang naganap, wala nang nagsalita ulit. Nagpahatid lang ng pagkain si Javier, at kumain kami ng tahimik, at nakaw tingin sa isa't isa. Naiilang ako ng konti, pero may konting determinasyon akong nararamdaman. Pero hindi sapat 'yon para iwan lahat ng kinatatakutan ko. Nauna akong umakyat sa itaas, sa kwarto ni Javier. Pinasok ko ang katabing kuwarto kanina pero lamesa't mga libro ang laman. Kaya napilitan akong pumasok sa kuwarto niya at nanatiling nakaupo sa sofa na kaharap ng higaan niya. Nang makaramdamn ng antok, tumayo ako't kinuha ang dalawang unan at iniwan ang dalawa pa sa higaan ni Javier. Bumalik ako sa sofa at ipinuwesto ang mga unan hanggang sa maging kumportable ako. Humiga ako't pinilit ang sariling makatulog habang wala pa si Javier sa kuwarto. Kumportable naman ako sa sofa kasi malambot at sakto lang sa akin. "Isabella? Why are you there?" dali dali akong bumangon nang pumasok si Javier sa kuwarto. Agad ko namang kinolekta ang unang kinuha at tumayo. "A-ah, bawal ba? S-saan ba ako pwedeng matulog?" Nahihiya ako. Hinid ko naman kasi alam na hindi pala pwedeng higaan ang sofa niya. "What are you talking about? Ofcourse your sleeping beside me. In my bed." Napatigil ako. "H-ha? Bakit? Hindi pwede 'yon. Kasambahay ako rito atsaka... hindi magandang tingnan kapag magkatabi tayong matutulog rito sa kuwarto mo. Lalo pa't dito ang bago kong trabaho." Hindi ako mapakali sa kinatatayuan. Tinitigan niya lang ako ng matalim, at lumapit. "Please? Stop thinking about anything else. Just focus on me.. please. Just until you're here with me." Kusang tumangi ang ulo ko nang makita ang sinseridad at marinig ang pagmamakaawa sa boses niya. "O-okay." Napangiti naman siya at agad na akong hinila pahiga. Ipinulupot niya ang mga braso sa katawan ko, at idinantay and mga biinti niya sab inti ko. "Just in case you;ll try to escape." Bulong niya at mas lalong hinigpitan ang yakap. Amoy na amoy ko ang mabangong natural niya na amoy. Napangiti nlang ako sa ginhawang nararamdaman. Tumayo siya saglit at pinatay ang ilaw. Natira nalang ang lamparang nasa bedside table niya. "Good Night, mi amor." Banayad niyang hinalikan ang leeg ko. Nakangiti kong ipinikit ang mga mata, at naging mas kompotable nang maramdaman ko ang paghinga niya sa leeg ko. Ito na yata ang pinakamapayapang tulog na nagawa ko sa buong buhay ko. Kinabukasan, nagising ako sa kiliting nararamdaman sa mukha. Dahan dahan kong iminulat ang mata at bumungad saakin ang nakangiting si Javier. Medyo magulo pa ang buhok niya pero malapad siyang nakangiti saakin habang hinahalikan ang iba't ibang parte ng mukha ko. "Buenos dias mi amor." Mabilis niyang hinalikan ang labi ko. Napangiti naman ako ng konti, at lumambot ng sobra ang puso ko. "Magandang umaga Javier."malumanay kong sabi at inalis ang iilang hibla ng buhok niya sa mukha. Binigyan niya pa ako ng isa pang halik sa labi at dali daling tumayo mula sa higaan. "Breakfast is ready. I have to go to work today, but I'll be home early. Aling Rosa will be here with you." Umupo na ako mula sa pagkakakhiga at pinagmasdan siyang kumukuha ng susuotin sa walk in closet niya. "Ayos lang ako rito Javier. Huwag mo na akong alalahanin." "I know. But call me if something happens. Don't worry, I'll be off from work tomorrow, and I'll tour you around the city. Sounds like a plan?" tiningnan niya ako saglit at kumindat bago kumuha ng roba at naglakad papuntang banyo. "I'll take a bath, wanna come?" pilyo niyang tanong kaya napaiwas agada ko ng tingin. "A-ano ba?! Maghanda ka na nga lang." Nahihiya ko pang sabi na siyang tinawanan lang ng hudyo at tumuloy na sa banyo. Humugot ako ng malalim na hininga at sinimulang ayusin ang higaan. Habang nagbibihis si Javier sa kuwarto, dumiretso ako sa kusina niya at tinimplahan siya ng kape. Hindi naman ako nahirapan sa mga gamit niya rito dahil halos kapareho lang lahat ng mga nasa mansyon. Nakapagluto na rin pala siya ng ulam. Itlog, bacon, at hotdog lang namna ang niluto niya pero natututwa pa rin ako. "Let's eat." Nakangiti niyang aya at ginaya ako paupo. Umupo rin siya sa harap ko at naglagay ng kanin at ulam sa plato ko. "Parang ang saya mo yata ngayon Javier? Naninibagao ako." "I'm just happy. I woke up beside you, and ate breakfast with you without any restrictions. I just love spending time with you." Masaya niyang sabi na siyang nagpangiti saakin. Nakasuot lang siya ng itim na polo na bukas ang butones hanggang dibdib at pinaresan ng itim na slacks at sapatos. Kahit ano yatang suoting niya ay bagay na bagay sa kanya. "Uhh, dito ka ba maghahapunan?" nag-aalangan kong tanong. Tumango siya't pinunasan ang labi gabi ang table napkin. "Yes. I'll be home by 6 or earlier. Aling Rosa will come here an hour from now." Tumango ako't tumayo para ilagay ang pinagkainan sa lababo. Tapos na kasi akong kumain. Sumunod rin siya para ilagay yung kanya. Nagliligpit ako ng pinagkainan at napatigil nang mapansing tumutulong siya. "Ako na rito Javier. Baka mahuli ka pa sa trabaho atsaka baka madumihan ang damit mo." Inagaw ko ang mga maduming plato sa kamay niya na agad naman niyang binigay. "Ok. I have to go. Don't bother washing the dishes, aling Rosa will do it once she arrives. Ok?" umiling ako na ikinasimangot niya. "Kaya ko naman, hindi na kailangang hintayin si aling Rosa kung pwede namang ako na ang gagawa. Sige na, baka mahuli ka na sa trabaho." Pinagtulakan ko siya hanggang sa pinto. Nakasimangot lang siyang nagpadala. Bago pa siya lumabas ng pinto, hinatak niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa kaniya. Mabilis niyang ginawaraan ng madiin na halik ang labi ko. Hindi ko maiwasang mapaungol ng kaunti, kaya marahan niyang kinagat ang pang-ibabang labi ko sa gigil. Tumigil siya at tiningnan ako ng diretso sa mata. Sa hindi malamang dahilan, hindi ako nakaramdam ng hiya gaya ng lagi kong nararamdaman. Pero hindi pa rin nawawala ang malakas na pintig ng puso ko. "I probably should just go. Before I change my minda and devour you right here, right now. See you later mi amor." Kumindat pa siya at tuluyan nang nawala sa paningin ko. Humugot ako ng malalim na hininga at inayos ang sarili bago bumalik sa kusina at magsimulang maglinis. Isang oras ang lumipas, nakapaglinis na ako ng kuwarto at kusina, nagsimula na rin akong maglinis sa sala. Wala naman masyadong lilinisin dahil sobrang linis na ng lugar. Sa gitna ng ginagawa, tumunog ang doorbell kaya agad ko namang pinuntahan at binuksan ang pinto.  Bumungad saakin ang nakangiting si aling Rosa at isang mas batang babae sa gilid niya. Pilit naman akong ngumiti kasi hindi ako sanay makipaghalubilo sa mga taong hindi ko pa masyadong kilala. "Magandang umaga ho, pasok po." Magalng kong bati. "Salamat ma'am. Pasensya na't kinailangan kong dalhin itong bunsong anak ko rito, nagkaproblema kasi ito sa eskwelahan eh." Tinuro pa ni aling Rosa ang babaeng hula ko ay nasa 17 years old na. Nakasimangot lang ang babaeng tiningnan ako. "Ayos lang po. Atsaka, Isabella o Bella nalang po itawag mo saakin, hindi niyo naman po ako amo. Nag-agahan na po kayo?" sabay kaming naglakad papuntang kusina. Ang anak naman ni aling Rosa ay agad na umupo at naglaro sa hawak nitong cellphone. "Oo tapos na. Oh, nasaan ang mga hugasin?" nagugulat niyang tanong. "Hinugasan ko na po." Diretso kong sagot. Napakamot naman siya sa ulo at umiling. "Dapat hindi ka na nag-abala. Ako kasi ang naghuhugas ng iniiwang pinagkainan. O sya, maglilinis na ako, magpahinga ka na muna Bella." Tumango ako't nanatiling nakatayo roon. Umalis naman si Aling Rosa para maghanap siguro ng lilinisan. Napansin kong nakatitig lang saakin ang anak niya kaya ngumiti ako at lumapit sa tabi niya. "Hi. Anong pangalan mo?" nagugulat naman niya akong tiningnan. "Trisha po." Ang cute niya. Medyo mataba ang pissngi, pero hindi naman mataba. Pati boses niya ay maliit. "Ilang taon ka na ba?" Pang-uusisa ko. "17 na ate. Ikaw po? Ang ganda niyo po." Natuwa naman ako sa sinabi niya kaya nahihiya akong nagpasalamat. "Ikaw rin, ang cute mo. Bakit ka ng apala dinala ng nanay mo dito?" binaba niya ang cellphone niya at ipinatong sa lamesa. Tuluyan na niyang hinarap ang upuan sa gawi ko. "Ewan ko ba dyan kay nanay ate. Sabi ko lang naman na gagala ako ngayon kasama mga kaibigan ki kasi manonood ng basketball tournament. Tapos bigla nalang nagsabi na hindi pwede at isasama niya ako ngayon. Sayang nga po eh, hindi ko tuloy mapapanood maglaro yung crush ko." Nakasimangot pa nyang sabi. Natawa naman ako ng kaunti. "Baka siguro kaya hindi ka pinayagan kasi alam niya na pupuntahan mo yung crush mo?"Natatawa ko pang sabi. Napakamot lang siya ng ulo. "Hindi niya naman alam na may crush ako eh." Umirap pa siya ng pabiro pero agad rin namang ngumiti ng malaki. "Ate, jowa mo bs si kuya Javier?" Nagulat ako sa taning niya kaya hindi agada ko nakasagot. "H-ha? Ano ka ba, h-hindi noh. Tagalinis lang rin ako dito. Paano mo nasabi?" binigyan niya lang ako ng isang makahulugang tingin. Sinundot sundot niya pa ang gilid ko kaya napapaigik ako. "Yieee, eh bakit ka po namumula? Ang ganda niyo naman pong taapaglinis? Pero crush niyo po si kuya? Ang pogi noh? Mabait pa!" Pagmamalaki niya pa. Tahimik naman akong sumasang-ayon sa kaniya. "Alam mo po ate, ang bait niyang si kuya Javier. Simula po noong nagsimulang magtrabaho rito si nanay, naku! Medyo gumaan na buhay naming. Si kuya pa nga ang nagpapaaral saakin eh kaya sobrang laki ng utang na loob naming sa kaniya." Sumaya ng sobra ang puso ko. Ramdam ko ang sobrang pagkaproud kay Javier. Maytagal ko annag alam kung gaano kabuting tao ang mga Alvarado, pero hindi ko parin maiwasang humanga ng paulit-ulit. "Oh ano ate? Crush mo na ba si kuya? Ang dami nga pong babaeng umaaligid kay kuya eh, lalo na sa social media! Ang daming nagtatag ng mga pictures sa kaniya. Pero po mas maganda naman kayo sa kanila eh. Tsaka gusto ko ikaw ang makatuluyan ni kuya. Crush ko nga ko si kuya Javier eh pero ibibigay ko nalang siya sayo ate. Marami pa naman akong ibang crush" Nagulat ako sa sinabi niya. May parte saakin na naiwan sa bandang maraming babaeng nakaaligid sa kaniya. Hindi na maalis sa isip ko. "H-ha? Eh kakakilala mo lang saakin tapos sasabihin mo 'yan? Naku ha, binobola mo lang yata ako eh." Pinilit kong pasiglahin ang boses ko. Tumamlay ako ng kaunti sa narinig eh. "Pagbukas niyo palang po ng pinto kanina, nagagandahan na po ako ng sobra sa'yo! Tapos po halata naman pong mabait kayo eh." Pinagkibit balikat ko anlang ang mga pagpupuri niya. Hindi ko na kasi alam ang dapat kong ireact. "Tara, manood nalang tayo ng tv?" sumang-ayon naman siya kaya lumipat kami sa sala at nanood ng mga palabas. Si Aing Rosa naman ay hindi ko ulit Nakita, malamang ay abala sa ibang parte ng bahay. Nang hapon ay tinulungan ko na si aling Rosa sa paglilinis. Tumatanggi pa nga siya pero nagpumilit ako kaya wala na siyang nagawa sa huli. Dinadaldal ako ni Trisha buong maghapon. Natutuwa naman ako kasi ang cute niyang magkwento. Mga 4;30 ng hapon ay nagpaalam na sina Aling Rosa at Trisha. Gusto pa ng ani Trisha na manatili pero may pupuntahan pa ang nanay niya kaya wala ring nagawa. Nakasimaangot siyang sumunod sa pinto. "sa susunod ate chika pa rin tayo ha? May f*******: ka po? O i********: at Twitter?" Pahabol niya pa. "f*******:? Wala akong mga ganyan. Hindi ako marunong eh." Napakamot ako ng ulo. Kitang kita ang gulat sa mukha niya. "Seryoso po?!" Tumango lang ako kaya mas lalo siyang nagulat. "Sige sige. Sasama nalang po ulit ako kay mama rito bukas tapos po, tuturuan kita. Gagawan po kita ng f*******:. Ok lang po?" Pumayag ako kaya nagtatatalon siya sa tuwa. Niyakap niya ako at tuluyang nagpaalam. Saktong pag-alis nila, nagsimula na akong maghanda ng hapunan. Pinilit ko rin si Aling Rosa na ako nang bahalang magluto ng hapunan, at pumayag naman siya. Simpleng afritada lang ang niluluto ko, sana lang magustuhan ni Javier. Tamng tama, pagkatapos kong ihanda ang hapagkainan, narinig ko ang pagbukas ng pinto. Nakangiti kong sinalubong si Javier, at agad rin niya akong niyakap ng mahigpit. Halata ang pagod sa mukha niya. "Mukhang napagod ka. Naghanda na ako ng hapunan. Kumain na tayo?" Hindi siya gumalaw mula sa pagkakayakap. Nanaatili lang na nakasubsob ang mukha niya sa leeg ko. "I missed you. How's your day?" malumanay niyang tanong. Ginaya niya ako papuntang kusina habang nakaakbay saakin. "Ahh, ayos lang. Nakilala ko yung anak ni Aling Rosa, si Trisha? Ang saya niyang kasama. Ikaw? Kumustang trabaho?" Naninibago ako pero parang natural lang saaming ganito ang kilos. "Hmm, pretty tiring. But I knew you'll be waiting for me at home so it was nothing." Lihim akong napangiti sa sinabi niya. "Uh, sasama raw ulit si Trisha bukas rito tapos gagawan niya daw ako ng f*******:, at tuturuan na rin. Ayos lang ba?" "It's fine. But I'm not going to work tomorrow, and I was planning to go out with you. Maybe you can spend the morning with Trisha and be with me in the afternoon?" Napaisip naman ako. Oo ng apala, sabi niya kahapon pero nakalimutan ko. "Salamat Javier." Nginititan ko siya ng matamis na sinagot niya rin ng ngiti. Natapos ang hapunan at nagtulungan ulit kaming maglinis. Kahit pa sinabihan ko na siyang magpahinga, hindi naman siya nakikinig eh. Sabay kaming umakyat sa kuwarto. Nakaupo lang ako sa higaan habang abala siya sa pagbibihis. Nakasuot nalang siya ng jogging pants ngayon, tapos topless. Pinipilit kong hindi tumitig sa katawan niya. Pakiramdam ko nagkakasala ako lagi dahil sa katawan niya. "Javier." Lumingon siya saakin tapos naglakad na palapit at umupo sa gilid ko. "Why?" "Marunong ka bang magtagalog?" bigla nalang pumasok sa isip ko kaya hindi ko maiwasang itanong. "Yeah, why?" diretso niyang sagot. "Wala lang. Minsan lang kitang marinig magtagalog eh. Nagulat ako ng bigla niya akong dinaganan at inilapit ang bibig sa tenga ko. Bumigat ang hinga ko at bumilis ang pintig ng puso ko. "Mahal kita. Puwede bang akin ka na lang?" tumigil sa pagtibok ang puso ko. Puwede bang sumagot ng oo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD