"Drive safely, son. Bella, hija, don't be shy to call whenever you need something ok? Tell me if Javier is being rude or something hmm?" Mahigpit akong niyaap ni senyora.
Ngayon ang alis naming papuntang Maynila at nandito kami ngayon sa pinto ng mansyon. Kasama si senyora, si manang, maging sina Marie at Bertha. Nakatayo naman sa gilid ko si Javier at naiinip na hinihintay kaming matapos sa pagpapaalam. Naghihintay na ang sasakyang gagamitin namin pa Maynila.
"Mama, that's enough. You've been stalling us for 15 minutes. We have to go." Naiinip na saad ni Javier. Tinawanan lang siya ni senyora at niyakap ako ng huling beses.
"Manang, ikaw na pong bahala rito. Babalik po ako agad." Lumamlam ang mata ni manang. Natawa ako kasi hindi naman ganoon kalayo ang Manila rito, sa katunayan ay tatlong oras lamang ang biyahe pero parang pupunta ako ng ibang bansa dahil sa reaksyon ni manang.
"Basta't kumain ka ng maayos roon. Huwag ka masyadong magpapapagod." Emosyonal niyang sabi. Tumango tango lang ako.
"At ikaw senyorito, huwag mong pababayaan itong si Isabella, marami pa namang masasamang tao roon at hindi pa ito sanay roon." Umirap lang si Javier at hinila ako papalapit sa kanya. Si Marie at Bertha naman ay matalim lang na nakatingin saakin. Bumubulong bulong pa si Bertha pero nanatiling tahimik si Marie marahil ay takot na mapagalitan ulit.
"As if I'll let anything bad happen to her. We gotta go, bye." Maikli niyang sabi at umalis papuntang sasakyan. Naiwan pa ako saglit at nagpaalam ng huling beses. Hindi na ako nagtangkang kausapin sina Marie dahil wala namang maayos na lumalabas sa bibig ng dalawa.
Sumunod na ako sa kotse at sumakay sa front- seat. Nasa likod na ang mga gamit ko kaya minaniobra n ani Javier ang sasakyan palayo sa palasyo. Kumakaway kaway pa si senyora at manang saamin kaya napatawa ako't umayos na ng upo.
"Do you want to rest first? It's quite a long ride." Sabi ni Javier na nakatuon ang atensyon sa kalsada.
"Hindi naman ako inaantok. Mamaya na siguro." Binalot kami ng katahimikan. Hindi na siya nagtanong ng kung ano saaking ulit at wala akong maisip na sabihin kaya pinili ko nalang na manahimik. Nagmamasid lang ako sa dinadaan naming. Ang galling lang na sa mansyon ako nagtatrabaho na pinapaligiran ng mga puno at walang mga kalapit na establisyemento, ngayon ay sa condo unit ni Javier kung saan iba;t ibang tao ang nakatira at napakabusy ng paligid.
"Do you want to eat something? We can have some snacks while driving." Napatingin ako sa gawi niya. Pinagmasdan ko ang ayos niya. Nakasuot siya ng asul na dress shirt na naka taas ang manggas hanggang siko. May mamahaling relo siyang suot, at ang astig tingnan ng kamay niya habang nagmamaneho. Hindi ko mapigilang titigan ang kabuuan niya lalo na ang maugat na kamay niya na siyang nakadagdag sa kakisigan niya.
"Bella, I asked if you want something to eat. But it looks like you want to eat me instead." Nakangisi niya akong sinulyapan ang malokong itinaas ang kilay. Pinamulahan ako sa sinabi niya. At nag-iwas ng tingin.
"A-ano bang sinasabi mo? Ano.. Hindi ako gutom." Hindi na ako tumingin ulit sa gawi niya pero narinig ko ang mahina niyang pagtawa.
Napadaan kami sa isang maliit na stall sa bayan na nagbebenta ng burgers at fries. Bumaba siya saglit at bumili. Hindi nagtagal ay bumalik na may dalang tigdadalawang burger at medium sized fries at large coke.
"Sorry, there's no better fastfoods here. I'll buy better food when we reached the city." Kinuha ko ang binili niya dahil magmamaneho pa siya. Sobrang daming tao sa bayan ngayon kaya medyo traffic at mahirap lumusot ang mg aga sasakyan.
"Ano ka ba, ok na 'to. Pareho lang naman ang lasa ng lahat eh." Sabi ko at hinalungkat ang paper bag. Inilabas ko ang isang bag ng fries. Hindi naman talaga ako gutom pero saying naman kung hindi kakainin.
Napatingin ako sa kanya na seryosong nagmamaneho, takot makabangga ng mga taong nagkukumpulan. Hinintay kong makalabas kami sa traffic at halos wala nang mga sasakyan sa daan dahil nakalampas na kami sa sentro. Tuluyan kong inilabas ang mga pagkain at sinimulan ang fries. Napatingin ako sa kanya, at balik sa fries.
"Gusto mo?" Tanong ko't inalok ang pagkain sa kanya.
"nah, maybe later. I'm still driving." Nakangiti niyang sabi at sinulyapan ako. Kusa nalang gumalaw ang kamay ko at inabotan siya ng isang piraso. Maging siya ay nagulat sa kilos ko. Pero hindi na rin siya naghintay ng segundo, agad niya iyong kinuha gamit ang bibig niya at nakangisi akong sinulyapan.
"I love being fed by you. I want more." Kinindatan niya pa ako at tumawa ng maikli. Sinimangutan ko lang siya pero sinubuan pa rin.
Pagkatapos ng dalawa't kalahating oras, naakrating kami sa pamilyar na gusali. Dito niya ako dinala nuong nakaraan pagkatapos ng Gala. Hapon na kaya hindi na masyadong mainit at maraming tao sa paligid.
"Let's go." Inalalayan niya ako gamit ang brasong inilagay niya sa likod ko. Bitbit niya sa isang kamay ang maliit kong maleta at pumasok sa elevator, papunta sa unit niya na pinuntahan naming dati.
Pagkapasok, wala namang pagbabago. Ganoon pa rin naman pero hindi ko pa rin maiwasang humanga. Ang ganda talaga ng lugar maging ang tanawin.
Naglakad ako palapit sa glass na pader malapit sa kinatatayuan ko. Inabala ko ang sarili sa paghanga ng tanawin. Maggagabi na kasi kaya nakabukas na ang mga ilas sa kalapit na mga establisyemento. Sobrang dami ng sasakyan sa daan, halos hindi gumagalaw sa bigat ng trapiko.
Nanigas ako sa kinatatayuan nang ipinulupot ni Javier ang braso sa bewang ko. Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko kaya tinagilid ko ng konti ang ulo ko, pinapakita ang kabuuan ng leeg ko.
"You like it here?" Mahina niyang tanong. Mas lalong humigpit ang yakap niya sa bewang ko kaya napahawak ako sa mga braso niya.
"Oo. Sobra." Bahagya akong napangiti. Nakiliti ako nang dinampian niya ng magaan na halik ang leeg ko na siyang nagpaigtad saakin ng kaunti.
"I'm loving it here too. Because you're here, with me" Hindi ko alam ang isasagot kaya nanatili lang akong tahimik. NAkatayo lang kami roon, magkalapit at nakatingin sa tanawin.
Napatalon kaming dalawa nang biglang bumukas ang pinto ng banyo sa bandang kusina. Kinabahan ako bigla at naisip baka may multo o kung ano. Laking gulat ko nang may babaeng medyo kaeded ni manang na biglang lumabas sa banyo dala ang maliit na basket na may iba't ibang gamit panglinis. Nanlaki ang mata ko nang makita siya, maging siya'y mukhang nagulat.
"Aling Rosa, Why are you still here?" Nangunot ang noo ko't tiningnan si Javier na hindi man lang nagulat. Mukhang nakabawi na sa pagkabigla nag tinawag niyang aling Rosa kaya sinulyapan niya muna ako't tumingin sa gawi ni Javier.
"Nilinisan ko muna ang banyo mo hijo. Ssabi mo kasi'y may kasama ka nang tityra rito kaya't naisipan kong linisan ng maayos ang buong bahay. Aba't siya na ba ang nobya mo?" Nakangiting bumaling saakin ang babae at lumapit para yakapin ako. Naguguluhan kong tiningnan si Javier, nagkibit balikat lang siya't umupo sa sofa.
"Aba't kaygandang babae. Mukhang mabait, at magalang." Hinaplos niya pa ang buhok ko kaya pinilit kong ngumiti kahit pa sobrang naguguluhan sa nangyayari. Sino ba 'to?
"You should go now Aling Rosa. I'll introduce you both properly tomorrow. For now, I need to talk to her first." Pagkausap ni Javier sa matanda. Tumango si Aling Rosa at nakangiting nagpaalam, at lumabas ng unit ni Javier. Nagtataka ko siyang binalingan ng tingin, pero umiwas lang siya't prenteng nakaupo sa sofa.
"Sino 'yon? Nagulat nalang ako nang bigla siyang lumabas." Pang-uusisa ko. Bumuntong hininga siya't napakamot ng ulo.
"About that... Uhm, she's my house helper." Mas lalo kong hindi naintindihan.
"Ha? Akala ko kailangan mo ng katulong rito? Atsaka sabi mo... nagresign na?" Hinila niya ako paupo sa tabi niya.
"I know... Well, I lied. I'm sorry but I lied about that." Umiwas siya ng tingin. Tinaliman ko ang tingin at napakamot lang siya ng ulo.
"at bakit ka naman magsisinungaling tungkol dyan? Hindi mo naman pala kailangan ng katulong edi anong ginagawa ko rito? Dapat nag'y nasa mansyon ako't tinutulungan si manang roon." Nakaramdam ako ng kaunting inis nang isiping nagsinungaling siya. PAkiramdam ko'y sinasayang niya lang ang oras ko.
"I'm sorry, mi amor. I just wanted to be with you and this is the only way I can think of. I told you I want to be with you, to pursue you and to prove myself to you. But how can I do those when you're very sensitive and uncomfortable with the people in that house? I want you to accept me and be yourself that's why I brought you here. I want you to stop hindering yourself and caging yourself with fear and doubts. I will stop if you want me to. I' bring you back home immediately if you hate this idea. I'm sorry if I acted without considering you. I'm sorry if I;m being selfish. I'm sorry, but I;m desperate. Very desperate to have you and to hear your 'I Love you's'" Nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko. Ang inis na naramdaman ko kanina ay biglang nalusaw at napalitan ng hindi maipaliwanag na kasiyahan.
"A-anong ibig mong sabihin?"
"I love you, Isabella. I'll conquer everything for you." At nang gabing 'yon, hinayaan ko ang sariling sumunod sa tunay kong nararamdaman at subukang harapin ang takot na lagi kong pinanghahawakan.