Trece

1344 Words
Nang hapong 'yon ay agad namang umalis si Don Gonzalo kasama ang kasosyo sa negosyo patungong palawan. Pinagpahinga na rin kami ni señora pagkatapos kaya sa kuwarto ang diretso ko. Hindi ko ulit nakita si Javier nung araw na 'yon. Umalis rin daw kaagad pagkatapos kumain dahil may aasikasuhin. Nalungkot ako, oo. Pero binalewala ko nalang. Makulimlim ngayong araw. Hindi kagaya kahapon na sobrang init. Naabutan ko rin ang mga senyorito kanina na papaalis papuntang Maynila kaya si señora at mga tauhan nalang ang naiwan sa mansyon. Habang tumatagal mas lalong nagiging busy si señora sa trabaho. Halos hindi na nga siya lumalabas ng library. Nagpapahinga ako sa kuwarto at gumuguhit nang kinatok ako ni manang dahil pinapatawag raw ako ni señora. Pumunta ako sa library kung nasaan 'to ayon kay manang. Inayos ko muna ang sarili bago kumatok at pumasok. Napatigil ako nang makita si Javier na nakaupo sa silyang nasa harap ng lamesa ni señora. Medyo matagal ko siyang hindi nakita. Gusto ko siyang lapitan, at yakapin ng mahigpit, pero hindi puwede. "Isabella, please take a seat." Sinunod ko ang utos ni señora. Umupo ako sa silyang kaharap ni Javier. Nakatitig lang siya saakin at hindi binabawi ang tingin. Hindi ko maiwasang titigan siya pabalik. Namiss ko siya. Sobra. Nakuha ni señora ang atensyon ko nang tawagin niya ang pangalan ko kaya bumaling ako sakanya at putulin ang titigan namin ni Javier. "As I was saying, Javier's stay-out house help resigned. I'm thinking maybe, you can clean his condo for the mean time?" NAgulat ako sa narinig. "Po? E-eh sobrang layo ho ng Maynila rito señora." Sagot ko na para bang hindi alam ni señora kung gaano kahaba ang biyahe mula rito pa maynila. Tinawanan niya lang ako at nakita ko rin ang pag-angat ng labi ni Javier. "That's why you'll be staying with him, in his condo, until he hired a new househelp. You'll do pretty much light chores like doing dishes, cleaning the place and the likes. Someone else does his laundry and you can cook right? He can always have foods delivered." Napatingin ako kay Javier. Nakita ko ang pagngisi niya. Nilaro laro niya ang labi habang nakatitig saakin. Hindi ko alama ng sasabihin. "Is it fine for you hija? You'll be leaving for Manila tomorrrow, you can start packing your things." Dahan dahan akong tumango kahit pa hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi ni sneyora. Lumabas ako ng library at naiwan roon si sneyora at Javier dahil may importanteng pag-uusapan. Anong binabalak mo Javier? Hindi ka nagparamdam ng dalawang linggo tapos babalik ka at magtatrabaho na ako saiyo? Wala sa sarili kong inayos ang mga gamit at inilagay sa maliit at lumang maleta. Hindi naman gaanong marami ang mga damit ko kaya kakasya lang. Toto oba 'to? Bakit parang ang bilis? Hindi ko nga matandaan kung sumang-ayon ba ako o hindi eh. Pero sigurado naman akong hindi ko magagawang tumanggi kay señora. Anon aang gagawin ko ngayon? Magkasama kami ni Javier sa iisang lugar at kaming dalawa lang. Mas magiging mahirap sa sitwasyon ko at alam kong hindi maiiwasang may mangyayari ulit. Pero bakit ako? Bakit ako ang pinili niya? May parte sa isip ko na umaasang ginagawa niya 'to para makasama ako pero sa kabilang banda, naalala ko ang panghihinayang sa mata niya noong huli kaming magkasama. Baka ginagawa niya 'to para ipakita ang sinayang ko o di kayay gumanti. Pero hindi naman siya ganoon kababaw. Baka kailangan niya lang talaga ng katulong at dahil ako ang malapit sa kanya, ako ang napili ni senyora kaya pumayag na rin siya. Tama... 'yon nga. "Hija, rinig kong ililipat ka sa lugar ni senyorito Javier bukas?" Mahinang tanong ni manang nang makasalubong ko siya papuntang maid's quarter. "Opo manang. Sa Manila po muna ako habang naghahanap ng bago." "Naku, kaya mo ba? Mag-iingat ka roon lalo na't maraaming barumbado sa Manila. Atsaka, tumawag ka saakin kapag may problema, ha?" Napangiti ako sa sinserong paalala ni manang. Niyakap ko siya ng mahigpit. "Salamat manang. Huwag ka pong mag-alala, mabait naman po si senyorito Javier kaya hindi ako mapapahamak don." Si manang ang parang tumayong magulang saaming mga kasmbahay rito. Makikita ang sinseridad at pag-aalala sa kanya kaya mas lalo akong ngumiti para pagaanin ang loob niya. "Sayang at mawawalan ako ng mabait na kasama rito sa bahay. Ang mga maldita pa talaga ang maiiwan." Natawa ako dahlia lam kong sina Marie at Bertha ang tinutukoy niya. "Sandali lang naman po ako roon manang." "O siya, pumunta ka na sa kuwarto mo't magpahinga. Babyahe pa kayo bukas." Itinulak ako nang bahagya ni manang papasok sa maids quarter. Tinawanan ko lang siya't dumiretso sa loob. Iilang oras na ang nakalipas, paikot ikot pa rin ako sa higaan. Kinuha ko ang sketchpad ko't nagiisip ng idedesenyo pero wala rin namang pumapasok sa isip ko kaya ibinalik ko rin agad. Inabot ko ang litrato namin ni mama noong bata pa ako at napangiti. Ang saya naming tingnan. Tinitigan ko 'yon ng ilang minuto habang inaalala ang mga panahong buhay pa siya pero ibinalik ko rin agad sa bedside table. Hindi ako makatulog sa dami ng iniisip. Hindi mawala sa isip ko si Javier. Tumayo ako at lumabas ng kuwarto para lumabas muna't magpahangin. Malalim na ang gabi kaya halos lahat sa mansyon ay nagpapahinga na. Malamig at nakakagaan ng pakiramdam ang hangin. Ipinikit ko ang mga mata para langhapin ang preskong hangin at alisin kung ano mang iniisip. Iniyakap ko ang mga nbraso sa sarili dahil sa lamig. Pero kahit ganoon, gusto ko pang magtagal sa labas. Maya maya'y naramdaman ko ang makapal na tela ng isang jacket sa balikat ko na siyang nagpawala ng lamig na nararamdaman. Nasa gilid ko si Javier, nakatayo kagaya ko at nakatingin sa harap habang nanatili akong nakakatitig sa kanya. "Can't sleep?" bigla niyang tanong nang hindi ako tinatapunan ng tingin. "O-oo. Ikaw?" Pinilit ko alisin ang pagtitig sa kanya at tumingin sa mga halaman at punong nasa harap. "Can't sleep too. I'm thinking about you." Nagulat ako sa sinabi niya kaya bigla akong anpatingin sa kanya. Nakatitig siya saakin ng mariin, at puno ng emosyon ang mga mata. "I missed you. Did you miss me too?" Iniwas ko ang tingin at lumayo ng kaunti. "Iniiwasan mo 'ko. Bakit?" Buong tapang kong tanong. Tumingin ako sa kanya, nag-aantay ng sagot. "I'm sorry... I just had to think about a lot of things. Everything's going fast, and I can't grasp myself, my feelings. I missed you." Iniwas ko ang tingin nang makita ang pangungulila at pagmamahal sa boses niya. Ayokong umasa, baka mali lang ang nakikita ko dahil 'yon ang gusto kong paniwalaan. "Tungkol sa... Tungkol sa paglipat ko sa condo mo. Bakit ako?" "Isn't it obvious? I want to be with you, alone. I always want to be with you. When I go home from work, I want to see you. When I wake up in the morning, I want to see you. When I go to sleep, I want to see and cuddle with you. The thought and sight of you isn't enough. I want to hold you and have you for myself. What have you done to me?" Tinawid niya ang espasyo sa pagitan naming at inilapit ang mukha saakin. Direktang naktingin ang malamlam niyang mga mata sa mga mata ko. Kumakabog ang puso ko ng sobrang lakas, natatakot ako baka marinig o maramdaman niya 'yon sa sobrang lapit naming. "I don't know what's going on in that pretty head of yours, but I can see through your eyes that you feel something for me too. I'll do everything I can to make you admit it, and you'll fall. You'll fall really hard... for me. Just like what you did to me." Hinalikan niya ang noo ko at tumalikod. Naglakad siya pabalik sa mansyon habang tulala akong nakatingin sa likod niyang papalayo. Humigpit ang kapit ko sa jacket niya at ipinikit ng mariin ang mga mata. Hindi mo na kailangang gawin 'yon. Dahil matagal na akong nahulog sayo, pati ako hindi kayang iahon ang sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD