"Senyora, sorry po kung hindi ako nakasabay umuwi saiyo kahapon. Nainip ho kasi kami ni senyorito Javier kaya naisipan po naming umalis. Hindi po naming namalayan ang oras at nakatulong kami sa kotse." Walang preno kong ppaliwanag kay senyora. Kakatapos lang ng hapunan at dumiretso agada ko rito sa library. Nasa harapan ko si senyora at nakahalukipkip akong pinagmamasdan.
"está bien, Bella. Mind telling me what you and Javier did?" Alam kong binibiro lang ako ni sneyor apero kumabog ng malakas ang puso k osa sobrang kaba. Paano kapag nalaman niyang may nangyayari sa pagitan namin ni Javier? Ayokong magsinungaling pero hindi ko naman puwedeng sabihin ang totoo.
"I'm just kidding Bella, Mukha kang hihimatayin sa gulat. Anyway, there's nothig to worry about. You can go now and rest. You had a long day." Magalang akong nagpaalam kay señora at bumalik sa kuwarto ko. At kagaya ng nakagawian, hindi naman magkamayaw sa pagpaparinig sina Marie at Bertha. Wala na talaga silang ibang magawa kundi ang pagtsismisan ako.
"Nakasama lang sa pangmayamang pagtitipon akala mo kung sinong umasta. Basahan lang naman siya roon eh." Isa lang 'yan sa marami pa nilang sinabi pero hindi ko n asila pinakinggan dahil hindi naman totoo, isa pa pagod ako't gusto ko nang magpahinga.
Hindi ko nakita si Javier kaninang hapunan dahil hindi siya bumaba. Baka napagod sa biyahe. Hindi ko maiwasang malungkot sa sitwasyon namin. Alam ko sa sariling kong sobra p asa pagkagusto ang anraramdaman ko para sa kanya pero alam ko ring bawal, at kailangang pigilan.
Dalawang linggo ang dumaan, sinubsob ko ang sarili sa trabaho at pagguhit. Ni isang beses ay hindi ko na muling nakita si Javier. Hindi na rin namna siya nagpapakita. Ang sabi ni manang ay pumunta itong Manila, pero gabi gabi kong inaabangan ang pag-uwi niya at pagpunta sa kuwarto ko pero wala. Malungkot ako't nasasaktan lalo na dahil sa mga hindi magandang bagay na naiisip. Sa kabilang banda, maayos na rin siguro 'to para wala nanag taguang mangyayari. Para hindi ako tuluyang mahulog at hindi na makaahon.
Iniisip ko na ring mas makakabuti ito saamin. Isa pa, ito rin naman ang matagal ko nang planong gawin pero hindi ko maintindihan kung bakit nasasaktan ako... at nangugulila. Siguro nasanay na rin akong makasama, at makausap siya. Maging ang pangugulit niya saakin. Pero nagawa ko namang makontento noon kahit pa wala siya. Makakaya ko rin ngayon.
"Manang ano pong gagawin ko ngayong araw?"
"Linisin mo nalang ang swimming pool hija. Palitan ng tubig, at linisin na rin ang paligid." Sabi ni manang na abala sa pag-aayos ng mga pinamalengke.
"Sige po manang." Tumango ako't umalis. Tumungo ako sa pool at dinrain ang tubig. Nagwawalis ako sa paligid habang naghihintay na maubos ang tubig. Pinutol ko ang mga d**o, at inilipat ang ilang paso ng bulaklak. Ang init kasi tanghali na. Pero kaya ko pa nman.
Nang maubos na ang tubig sa pool, kumuha ako ng brush at sinimulang linisin ang tiles. Pagkatapos at binanlawan at nang wala nang sabon at siguradong malinis na, sinimulan ko nang lagyan ng tubig. Matagal pa yung matapos kaya umupo na muna ako sa lilim at nagpahinga. Gusto ko ngang pumunta sa kusina at kumuha ng maiinom pero napagod ako ng husto kaya hindi na muna ako tumayo.
Ipinikit ko ang mata ko at sinubukang umidlip pero maya maya lang, may naramdaman akong tumabi saakin. Dali dali akong umayos ng upo nang makitang si senyorito ang nasa tabi ko at bagong ligo pa.
"Senyorito Rafael, ano pong kailangan niyo?" magalang kong sabi. Sumandal siya ng konti sa puno sa likod namin at ngumiti ng bahagya at ngumiti.
"Wala lang. Nakita kita dito at mukhang ang sarap ng hangin dito so I decided to come." Nakapikit niyang sabi. Tumango ako at umusog ng kaunti papalayo.
"Is there something going on with you and kuya?" bigla niyang sabi na ikinagulat ko. Bumukas ang mata niya at nagmasid.
"P-po?"
"I said, do you have a relationship with Javier?" seryoso ang boses niya at hindi ko alama ng mararamdaman.
"W-wala po. Bakit po?" Hindi ako makatingin sa kanya. Iniiwasan ko ang nagtatanong na mga mata ni senyorito Rafael at kinakabahan akong may masabi akong hindi dapat.
"Hmmm. He keeps bugging me about you. He seems devastated. Anyway, Nevermind. I know you wouldn't want to know since there's nothing going on, as you said." Ipinikit niya ulit ang mata niya pero nakataas ang gilid ng labi niya, isang malokong ngiti.
Tumango nalang ako't inabala ang sarili sa pagtitig sa swimming pool na nasa harap namin. Medyo malakas ang hangin rito pero mainit ang panahon. Nakita ko si senyorito Ezequiel na papunta sa gawi namin. Nakakunot ang noo at nakasalubong ang kilay. Mukhang galit pero parang hindi, siguro naiinitan lang din.
"Rafael get up." Agad niyang sabi at hinampas pa si senyorito Rafa. Nakatingin lang ako sa kanilang dalwa. Nilingon ako ni senyorito Zeke at ngumiti ng bahagya.
"What? Why?" naiiritaang saad ni senyorito Rafa at nanatili pang nakasandal.
"Javier llamó y quiere hablar contigo. Seguramente te matará una vez que sepa que estás con Bella." Wala na akong maintindihan kaya dahan dahan akong umalis roon at nilapitan ang pool. Nakita kong malaoit nang mapuno kaya naghintay nlang ako sa gilid. Naririnig k opa rin ang usapan nila pero hindi ko na masyadong maintindihan kasi gumagamit n asila ng Espanyol.
"That brute. I'm sure he's just calling to check on his amor." Nakita k opa ang pag-ikot ng mata ni senyorito Rafa kaya natawa ako.
"Just stop making him mad. He keeps bugging me too so stand up and leave. Just go and bother your novia" Padabog na tumayo si senyorito Rafa at inirapan si senyorito Zeke.
"She's not my girlfriend! Why don't you go and flirt with your secretaria... Oh wait, you can't! Because you're shy!" Natatawang asar ni senyorito Rafa sa kuya niya at dali daling naglakad palayo. Gigil namang nagpaalam si senyorito Zeke saakin at sinundan ang kapatid.
"And torpe mo kuya, baduy!" At nawala n asila sa paningin ko dahil naghabulan sa loob. Nakakapagtaka at nandito sila ngayon sa mansyon. Dapat kasi ay nasa Maynila sila ngayon o di kaya'y sa kalapit na syudad para asikasuhin ang negosyo. Marahil ay may bisita ngayon dahil marami rami ang pinamalengke ni señora kanina.
At hindi nga ako nagkamali. Pagkatapos kong maglinis ng pool, pumasok ako't tinulungan si señora na maghanda ng mga putahe. Puno ang mahabang mesa ng iba't ibang pagkain. May mga pina deliver pa ngang cakes at inilabas rin ang iilang mamahaling inumin.
"Manang, sino po ba ang darating?" Tanong ko habang kumukuha ng mga babasaging plato.
"Si Don Gonzalo raw hija, at mayroong kasamang kasosyo sa negosyo. Bibisita lang saglit at aalis rin naman agad dahil maglalagi muna sa Palawan." Napatango ako't binilisan ang kilos. Isang beses ko palang Nakita si Don Gonzalo at bata pa ako noon. Pero sigurado akong seryoso at strikto siya dahil mnakita ko kung paano niya pagalitan sila senyorito noon.
Hindi nagtagal, dumating si Don Gonzalo kasama ang kasosyo sakay ng magarang sasakyan. Mas lalong tumanda si Don mula nang huli ko siyang Nakita. May bitbit pa itong tungkod na mayroong bilong na parang kristal.
"maligayang pagbabalik, Don Gonzalo." Sabay- sabay na bati naming nina Maria, maging si manang. Sinalubong ng yakap at halik ni senyora ang manugang at parang mababait na tuta naman ang mga senyorito.
"¿Dónde está mi nieto Javier?" boses pa lang ng Don ay nakakatakot na. Mababakas na isang pagkakamali lang ay pagsisisihan mo talaga.
"U-uh, he's coming, papa. Puede que esté ocupado con los negocios." Ang kaba sa mukha ni señora at ng mga senyorito ay nakakahawa. Kaya iniwas ko ang tingin sa kanila at pinilit na huwag pansinin ang nakakatakot na awra ng Don.
Nabaling ang atensyon k osa kasosyong kasama ni Don Gonzalo na ngayo'y binabati na ng pamilya. Ang inaasahan koy kasing eded niya at strrikto rin ang itsura pero kabaligtaran niyon ang mukha ng kasosyo. Siguro ay matanda lang siya kay señora ng ilang taon. Medyo mabait rin siyang tingnan at palangiti. Hindi ko alam bakit pakiramdam ko'y nakilala ko na siya dati. Sobrang pamilyar ng ngiti niya. Pero hindi ko maalala kung saan.
Nagsimula na silang kumain at nag-usap ng mga bagay tungkol sa negosyo. Sobrang poral kumilos ng dalwang senyorito ngayon. At nakaabang naman kami nina manang sa mga maaari nilang iutos. Inaya pa nga kaming sumabay sa kanila pero tumanggi kami dahil hindi naman nararapat 'yon.
"Bella, Kumuha ka ng panibagong pitsel sa loob." Tumango ako't naglakad papasok sa kusina.
"Siento llegar tarde, abuelo." Naptigil ako nang marinig ang pamilyar na boses. Ang boses na dalawnag linggo ko nang hindi naririnig. NAgsimula na namang tumibok ng napakabilis ang puso ko. Pero hindi ako lumingon at nagpatuloy na puamsok sa loob.
Napatulala ako't gumugulo na naman ang isip. Pumasok na si manang sa kusina upang siya na ang Magdala ng pitsel dahil sa kabagalan ko. Wala sa sarili akong tumango at natulala.
Pagkatapos ng dalawang linggo mong hindi pagpapakita, boses mo pa lang tumatalon na ang puso ko. Paano mo nagagawa 'yon? Delikado ang puso ko dahil sayo.