Once

1604 Words
"Javier, Javier gising!" niyuyugyog ko siya habang nagmamadaling isuot ang gown na suot ko kagabi. Dahan dahan niyang minulat ang mata at nagmasid sa paligid. Hindi man lang kakikitaan ng pagkataaranta nang tuluyan na siyang magising. "Lagot ako kay senyora nito. Bumalik na tayo sa mansyon, baka hinahanap na tayo.." Tatlong oras pa naman ang biyahe pabalik sa mansyon. Nagsimula siyang isuot ang hinubad na dress shirt at binutones 'yon. Isinuot na rin niya ang slacks at lumipat sa driver's seat. Hindi ako mapaakali sa pagsususot ng gown kasi mahirap magbihis ng nakaupo. Inayos ko ang buhok ko at dali daling lumipat sa front seat. "Relax, mi amor. Mama won't be mad." Kampante niyang saad at nagsimulang paandarina ng sasakyan. Marami na ring mga tao sa paligid dahil sobrang maliwanag na. May mga nagtitinda pa nga ng sorbetes, at mga lobo. Mabuti nalang at hindi kami maaninag rito sa loob. "Anong sasabihin ko kay senyora? Nawala nalang tayo bigla kagabi baka anong isipin niya!" Natattaranta kong saad. Tinawanan niya lang ako at swabeng iniikot ang steering wheel. "Don't worry Bella. You're with me. And what do you think would mama think?" "Na baka kung saan na tayo napunta, na baka may milagrong nangyari, na baka may namamagitan sa ating dalawa--- "And? Those are true anyway. Don't worry. Let's have breakfast first before heading home." Nakangiti niyang sabi at pinasadahan ng mga daliri ang buhok. "T-teka. Baka mas lalo tayong matagalan?" hindi niya ako sinagot. Sa halip ay inabot niya ang cellphone niya at may kung anong pinindot roon. May tinatawagan pala siya kasi inilagay niya sa tenga ang telepono. "Buenos dias mama. Isabella's with me." Nagulat ako nang marinig ang sinabi. Sigurado akong si senyora ang kausap niya. Sinulyapan niya ako at nginisihan. "Yes mama.... Yes... I'll take care of her. We'll head home later. Yes, Adios mama." Ibinaba niya ang telepono at ibinalik kung saan niya kinuha. Inabot niya ang kamay ko gamit ang kanang kamay at nanatili naman ang kaliwa sa steering wheel. 'See? I told you there's nothing to worry about." Nagyayabang niyang saad. Pero kahit pa may pagkamayabang siya, mas lalo siya nagiging kahanga hanga sa paningin ko. Kahit kalian hindi siya naliit ng sino man kahit pa sobrang yaman nila. "Hindi ka ba natatakot baka mahuli tayo ni senyora?" "Why would I? I get what I want and no one can stop that. And it's you that I like, and they can't do anything about it." Pagbabalewala niya. Kung sana lang hindi ako takot sa mga mawawala saakin kapag pinagpatuloy naming ;to, hindi ako magdadalawang isip na ipakita sakanya kung gaano ko siya kagusto. "You told me last night you like me too. Did you mean that?" Sinsero niyang sabi. Makikita ang pag-asa sa mga mata niya. Gusto kong sabihing oo, pero natatakot ako sa posibleng patutunguhan nito. "It's fine. Last night was enough. I can wait until you figure out what you feel for me. But, I will make sure you'll fall hard mi amor." Desidido talaga siya. Hindi ko alam kung magiging masaya baa ko kasi pareho kami ng nararamdaman o matatakot sa posibleng isipin ng mga tao, sa mga posibleng mangyari. "Dito tayo kakain?" Nagtataka kong tanong nang itigil niya ang sasakyan sa tapat ng isang karinderya. Hindi ko kalianman naisip na magagwa niyang kumain sa ganito. Sa sobrang yaman kasi nila parang area-araw may pista sa kusina, at palagi ring sa mamahaling restaurant sila kumakain. "Yes. I always eat here whenever I'm free. I'm getting fed up with hig-class restaurants. It's too expensive. It's not even half as good as the food they serve here." Napangiti ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko sobrang proud ko sa kanya. Ibang-iba talaga sila sa mga mayayamang kinukwento ng iba. "U-Uh, lalabas tayo nang ganito ang itsura?" nakangiwi kong tiningnan ang damit niya at ang damit ko. Hindi nababagay ang suot namin rito lalo pa't marami rami na ang kumakain sa karinderya. "It's fine. Just don't mind them. You should focus more to me than everyone else." Sabi niya at mabilis akong hinalikan. Bumaba siya ng sasakyan umikot papunta sa gawi ko para pagbuksan ako ng pinto. "Salamat." Nakangiti kong sabi. Pumasok kami sa loob ng karinderya. At kagaya ng inaasahan, pinagtitinginan kami ng mga kumakain roon. Umupo kami sa pinakagilid na bahago at si Javier ang ekspertong nag-order. Mukhang madalas nga talaga siya rito kasi nakikipagkuwentuhan pa siya sa may-ari. Sobrang bait ngmay-ari saamin at binigyan niya kami ng mas amraming servings. May ilang mga babaeng pasulyap-sulyap saamin. Gusto ko na ngang dukutin ang mga mata nilang kanina pa tingin ng tingin. Hindi ko alam kung kalian ako nagsimulang maging bayolente sa isip, pero naiinis talaga ako kapag pinipilit ng ibang magpapansin saamin... kay Javier. Tahimik kaming kumain. Ineenjoy masyado ni Javier ang pagkain kaya busog na busog siya pagkatapos. Ako nama'y panay ang pagbibigay ng masasamang tingin sa mga babaeng tumitingin sa gawi namin at bumubulong sa katabi. Umalis kaagad kami sa karindirya pagkatapos kumain at magpasalamat sa may-ari. Akala ko ay didiretso na kami pauwi pero pumasok kami sa parking lot ng isang mataas na gusali. Bumaba si Javier at inalalayan rin akong bumaba. "Anong gagawin natin rito? Akala ko uuwi na tayo?" Nakaangkla ang kamay ko sa mga braso niya at inaalalayan niya akong maglakad patungo sa elevator. Pinindot niya ang 11 at dahan dahang umakyat. "This is where I stay whenever I'm here in Manila. I just want to share my place with you." Nakangiti niyang sabi saakin. Malamlam ko siyang tiningnan at niyapos ang braso niya. Bumukas ang elevator sa 11th floor. Nagsimula kaming maglakad patungo sa pinakahuling pinto. Binuksan niya ito't bumungad saakin ang Malaki at napakagandang sala na mayroong isang set ng putting sofa, maliit na dining table, at paikot na hagdan patungo sa ikalawang palapag. Magarang tingnan ang lugar at napakaaliwalas. "Welcome to my condo unit. Let's go upstairs? Feel at home, Bella." PInauna niya akong paakyatin sa ikalawang palapag. Mayroong dalawang pinto sa itaas. Ang sabi ni Javier at kuwarto niya raw at guest room, pero wala namang bumibisita sa kaniya rito, ginawa nalang niyang opisina. "Ang ganda rito Javier." Namamngha kong sabi. Proud siyang ngumisi at niyakap ako mula sa likod. Hinalikan niya ang leeg ko at bumulong ng kung ano anong matatamis na salita. "Let's clean up. You can take a bath in my bathroom. I'll prepare clothes for you." Binuksan niya ang pinto ng kuwarto. Mas magara ang kuwarto niya sa mansyon pero sobrang modernong tingnan ang kuwarto niya rito. Itinuro niya ang isang pinto patungog banyo. Pumasok na ako't hindi nagdalawang isip na maligo. Sobrang lagkit ng pakiramdam ko dahil sa pawis at dahil na rin sa... ginawa naming kagabi? Natapos akong maligo at Nakita ko ang isang peach na dress na nakalatag sa higaan. Pumasok si Javier sa kuwarto na basa ang buhok at walang pang-itaas na damit. 'You can wear that. I took a bath in the other room so we can leave early. We still have a long ride back home." NAgsuot siya ng simpleng tshirt at pantalon. Hindi pa rin ako nagbibihis at nakatapis pa rin ng tuwalya. "Why aren't you dressing up yet? You might catch a cold!" Naiirita niyang saad. Ngumuso lang ako at nag-iwas ng tingin. "Hindi ka pa ba lalabas? Magbibihis na 'ko." Tinawanan niya lang ako at tiningnan nap uno ng paghanga. 'Seriously? I already saw every inch of you. Touched it, and tasted it even." Natatawa nityang sabi kaya tinapunan ko siya ng unan at sinamaan siya ng tingin. Natatawa pa rin siyang lumapit saakin at kinurot ang dalawa kong pisngi. "Aray! Javier masakit!" Galit kong sabi. Pero imbes na matakot, tinawanan niya lang ako at naglakad na palabas ng pinto. "I'll wait for you downstairs. You're so adorable!" Tatawa tawa pa niyang isinara ang pinto. Napabuntong hininga nalang ako at tiningnan ang peach na dress. Saan naman siya galling nito? Bakit may damit siya ng babae rito? Nanikit ang puso ko sa naisip. Baka may dinadala siya rito. Agad kong isinawalang bahala ang naisip at nagpatuloy sa pagbibihis. Kung may dinadala man siya rito, o wala, ay wala na dapat akong pakialam roon. Bumaba ako't nakitang naghihintay siya habang nakaupo sa sifa. Tumingala siya't napangiti nang makita ako. "Gorgeous as always. Let's go?" Tumango ako't tinanggap ang kamay niya. Marami kaming bagay na napag-usapan sa biyahe. Mas nakilala pa naming ang isa't isa. At mas lalo lang akong nahuhulog sa kaniya. Sa loob ng tatlong oras na biyahe, walang palya niyang pinapatibok ng mabilis ang puso ko. Nang dumating kami sa mansyon, pinigilan niya muna akong bumaba. "I hope this won't last today. Please treat me freely here just like how you treat me when we're alone. Please?" sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Napayuko ako nng makita ang nagmamakaawa niyang mga mata. "P-pasensya na. Hindi ko kaya." Hindi ko kayang isawalang bahala ang mga tao sa paligid natin. Hindi ko kayang sayangin ang mga oportunidad na ibinigay ng mama mo saakin. Hindi ko kayang biguin si senyora pagkatapos ng lahat ng naitulong niya saakin. Pasensya na. Napabuntong hininga lang siya at tumango. Nauna akong bumaba at dali daling pumasok para kausapin si senyora. Hindi pa man ako nakakalayo, nasa tabi ko na si Javier at bumulong, "I wish we're alone. I hope we can be alone and free together." Mahina ngunit malungkot niyang bulong. Lumamlam ang mga mata ko nang makita angpapalayo niyang pigura. Mabuti na rin 'to nang hindi ko makalimutan ang lugar ko sa buhay niya, sa buhay nila. Isa lang akong katulong, at ang pamilya nila ang bumubuhay saakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD