"We're here" Anunsyo ni senyora. Nakita ko sa hindi kalayuan ang napakalaking hotel. May magarang pulang carpet papasok sa entrada at mg nakahilerang reporters dala ang kanilang mga camera. May iilang sasakyan ang nauna saamin at ang gaganda ng mga damit na suot nila.
Napatingin ako sa sarili. Suot ko ang itim na gown na ddinisenyo ko at si senyora naman ang nakasuot ng pula. May mga make-up artist na pumunta sa mansion kanina para ihanda kami. Nakita ko ang inggit at galit sa mata nina Marie kanina. Siguradong ako na naman ang pinag-uusapan ng mga 'yon ngayon.
"Are you ok, Isabella?" Nag-aalalang tanong ni senyora saakin. Alanganin akong ngumiti at tumango. Tinawanan niya lang ako at hinawakan ang kamay ko.
Tumigil ang sasakyan sa tapat ng entrada. Mga ilaw mula sa mga camera ay nakakasilaw. Nasa amin na ang atensyon ng lahat.
"Let's do this." Naunang bumaba si senyora. Todo kuha ng litrato ang mga reporter at photographers. Nilingon ako ni senyora kaya dahan dahan akong sumunod sakanya. Saakin na naman nakatuon ang lahat. Nakangiti akong tiningnan ni senyora at naunang pumasok na loob.
"teka, senyora!" Nagmamadali kong tawag. Kinabahan ako nang iniwan niya ako sa harap ng mga taong 'to.
"Miss! Miss!" Tawag ng mga reporters saakin. Hindi ko alam kung anong gagawin. Ngumiti ako ng pilit para sa mga litrato pero sa loob ko, hindi na ako mapakali sa sobrang kaba. Bakit baa ko iniwan ni senyora rito?
"Hermosa" Narining ko ang pamilyar na boses sa likod ko. Nakatayo sa likod ko si Javier, suot ang itim na tuxedo na siyang nagpalitaw ng kakisigan niya. Nakaayos rin ang buhok niya.
"J-Javier. Bakit ka nandito?" Nagtatakang kong tanong. Mas lalong nagkagulo ang mga reporter. Inabot niya ang kamay ko at hinalikad ang likod nito. Nag-init naman ang pisngi ko lalo na nang mapansing saamin nakatutok ang lahat.
"I'll be your escort, mi amor. Eres tan hermosa, Isabella." Kinulong niya ang bewang ko s abraso niya at dahan dahan akong iginaya sa loob. Hindi ko mapigilang titigan ang mukha niya. Sobrang guwapo niya. Pero, ngayon, mas naging maliwanag saakin ang agawat namin.
Nang makapasok kami sa loob ng hotel, nakahinga ako ng maluwag dahil wala ng media sa loob. Nakakapagod siguro kapag sikat ka at mayaman. Ang daming taong gutso malaman ang lahat ng bagay tungkol sa buhay mo.
Pumasok kami sa elevator para puntahan ang venue. Kaming dalawa lang ni Javier sa loob dahil konti lang ang tao kanina sa lobby. Nakatulala lang ako sa repleksyon naming dalawa sa pinto ng elevator. Hawak pa rin niya ang bewang ko kaya dahan dahan akong lumayo para bumitaw.
"Don't" mas hinigpitan niya ang hawak para hindi ako makawala. Napabuntong0-hininga nalang ako at sumunod.
"Bakit ka nga pala nandito? Baka makita tayo ni senyora." Nag-aalala kong sabi.
"Don't worry. Mama asked me to come and escort you. She doesn't want you to be alone while she's entertaining some friends." Napatango ako sa sinabi niya. Hinarap ko siiya nang makitang mataman siyang nakatingin saakin.
"B-bakit?"
"You look gorgeous and delectable, mi amor. I don't want men ogling on you." Mahina niyang sabi. "I want to make love with you here but I won't." Nilapatan niya ng magaan na halik ang labi ko at nakangisi umayos ng tayo. Samantalang sobrang pula ng mukha ko at nakatulala nalang dahil sa mga sinabi niya. Hindi naman mapirmi ang puso ko. Kalian pa ba ako masasanay sa kanya.
Bumungad saamin ang napakalaking function hall. Mga gintong chandelier sa itaas, at pulang carpet. Mayroong mga magagarang lamesa, at mg politico at artista. Napakaraming tao at puro glamoroso.
"Hindi yata ako bagay rito, Javier. Nakakahiya." Napyuko ako sa naramdaman. Hindi naman kasi talaga ako dapat nandito eh.
"Why not? You're pretty, smart, and talented. Sila ang hindi bagay na kasama ka." Kahit pa hindi kumbinsido, gumaan ng kaunti ang nararamdaman ko sa sinabi niya.
"Let's go to mama." Hinawakan niya ang kamay ko at dinala kay senyora na may kausap na dalawang magagndang babae at isang lalaki.
"Oh, hijo. Hello dear, I'm sorry I left you. Javier wanted you to come together." Nakangiting bati ni senyora at bineso ang anak.
"They were praising my gown so much! Let me introduce you to them." Inagaw ako ni senyora kay Javier kaya nakasimangot na sumunod lang si Javier saamin.
"Rudolph, this is the lady I was talking about. She's Isabella, she designed these gowns." Itinuro ni senyora ang gown na suot ko at 'yong kaniya. Sa harap naming ay mukhang binate. Nasisisguro kong may lahi 'top dahil kulang berde ang mata.
"Good evening, sir." Magalang kong bati at inilahad ang kamay.
"What a lovely lady! It's a pleasure to meet you." Nag-bend pa siya ng kaunti at hinalikan ang likod ng kamay ko. Nagulat ako ng bigla akong hinigit ni Javier mula sa likod at pinalibot ang braso sa bewang ko.
"I'm Javier Alvarado. And I'm her date." Striktong saad ni Javier.
"Woah, woah, easy dude. I'm Rudolph McCartney." Inilahad niya ang kamay niya pero tiningnan lang 'yon ni Javier tapos inungusan siya. Nawala ang ngiti sa labi ni Rudolph sa inasal ni Javier. Siniko ko siya pero tiningnan niya lang ako ng masama.
"Anyway, I have to go and meet more people. Nice meeting you, Isabella. See you around, Almira." Naglakad naa palayo si Rudolph. Sinamaan ko si Javier ng tingin na sinagot niya lang ng inosenteng mukha.
"What? What did I do?"
"Ang sama ng ugali mo. Dapat tinanggap mo yung kamay niya." Pagpapangaral ko. Sinamaan niya lang ako ng tingin at umirap.
"I don't care. He likes you and I hate it." Sabi niya at binalewala ang oangaral ko.
"You both look so cute. Oh, well, let me look for Archie Mendez. He's a famous designer. I really want you to meet him." Hindi ko namaalayang nakatayo lang pala sa harap naming si senyora kanina at pinagmamasdan kami. Kinabahan na anamn ako't baka kung anong isipan niya.
Umalis na si senyora at hindi na ulit naming siya nahagilap. Pumunta kami sa isang lamesa sa gilid ng stage at doon namalagi. Kaming dalawa lang ni Javier rito at mukhang gusto nang matulog. Nakasubsob lang siya sa lamesa at hamak ang kamay ko, at ako nama'y nakamasid lang sa paligid.
"Javier? Umuwi nalang kaya tayo? Mukhang pagod ka." Umayos siya ng upo at tinitigan ako.
"I love it when you're worried about me." Nakangisi niyang sabi kaya napairap nalang ako. Pinisil pisil niya ang kamay ko pero hindi ko na siya hinarap ulit.
Nagsimula na ang program pero wala akong maintindihan. Wala naman kasi akong alam tungkol sa mga ito eh. Si Javier naman ay pinaglalaruan lang ang daliri ko at walang pakialam sa paligid samantalang ang ibang kababaihan ay nakatingin sa gawi namin at pasulyap sulyap kay Javier.
Pinigilan ko ang sariling pansinin ang mga babaeng nakatingin kay Javier kahit pa naiirita ako. Hindi ko alam kung bakit ko 'to nararamdaman basta, naiirita ako sa mga tingin nila.
"Isabella, this is Archie Mendez, the Asia's best fashion designer." Napatayo ako sa inuupuan at magalang na ngumiti at inilahad ang kamay. Nanatili lang na nakaupo si Javier at walang pakialam sa bagong dating,
"Good evening Isabella. Almira said that you designed her gown. You have potential huh?" Napangiti ako sa papuri niya.
"Thank you, sir. It's nice to meet you." Magalang kong sabi. Nagpatuloy ang pag-uusap naming tatlo tungkol sa kung ano- ano. Tinanong pa nga ako ni sir Archie kung saan raw baa ko natutong magdisenyo, kung pinag-aralan ko ba, at kung anoa no pa. Sinagot ko naman lahat ng makatotothanan, hindi nag-iba ang pakikitungo niya nang malamang katulong ako nina senyora kaya nakakagaan ng loob.
"You know, Almira, I have an upcoming workshop for potential designers. It'll start next year? Probably. I would love to have Isabella there. She's really talented. Just a little training and she'll be big!" Napansin ko ang babaeng mula sa kabilang lames ana kanina pa nakatingin sa gawi ni Javier na tumayo at lumapit sa puwesto naming.
"That would be great Archie. But it depends on Isabella. Dear, do you want to joi his workshop?" Nilapitan niya si Javier at dahan-dahang hinaplos ang braso nito habang nakangiti. Si Javier naman ay nakikingiti rin at kinakausap ang babae. Bigla nalang sumikip ang dibdib ko at nairita sa Nakita. Parang gusto kong sakmalin ang nakangiti at magandang mukha ng babaeng 'yon.
"Isabella? Are you ok, hija?" Nawala ang atensyon ko kay Javier at sa babae nang marahang tinapik ni señora ang braso ko.
'A-ah, o-opo. Opo." Kahit hindi ko alam kung anong pinag-uusapan, pinilit kong hindi ipahalatang wala sa kanila ang atensyon ko. Ngumiti si Archie at pumalakpak.
"Then it's settled! Just call me, then you're good to go. It'll take place in France by the way. So? I better go. It's really a pleasure meeting you, Isabella. Almira, don't let her be scouted by others, ok?" Pabirong sabi ni Archie at bumeso saamin ni señora.
"Yes, yes. Go now." Natatawang taboy ni señora at kinawayan si Archie. Umalis nanaman si señora para puntahan raw ang mga amiga niya. Babalik na sana ako sa upuan at nanlisik ang mata ko nang makitang nasa puwesto ko na ang babae.
"U-uhm, excuse me. Upuan ko po 'yan." Magalang kong sabi. Hindi ako pinakinggan ng babae at patuloy pa rin sa pakikipagtawanan kay Javier. Mukhang nag-eenjoy rin naman ang lalaki.
Tumikhim pa ako ng isang beses. Sa wakay ay nakuha ko na ang atensyon nilang dalawa. Nakakapit pa rin ang kamay niya s abraso ni Javier.
"Just look for another chair. You're disturbing us." Mataray niyang saad. Nakatingin lang si Javier saakin at kumunot ang noo sa inasal ng babae. Sinamaan ko lang siya ng tingin at inirapan.
"Miss, she's my date. Better get off of her chair." Malamig na saad ni Javier. Para namang binuhusan ng malamig na tubig ang babae sa pagkapahiya at dali aling umalis. Padabog akong umupo at tinuon ang atensyon sa harap. Hindi ko muling nilapatan ng tingin si Javier na ngayon ay nakapulupot na ang braso sa bewang ko.
"What did you talk about? Hmm?" isinubsob niya ang ulo sa parte ng leeg ko at inamoy amo yang buhok ko. Kahit pa nadadala ako sa ginagawa niya, hindi k opa rin siya tinapunan ng tingin. Naiinis ako, naiirita.
"Hey, talk tp me. What's wrong?" tanong niya at pilit pinihit ang ulo ko paharap sa kanya. Binigyan ko lang siya ng matalim na tingin.
"Bakit hindi siya ang kausapin mo? Mukhang ang saya niyang kausap eh." Pinilit kong pakalmahin ang boses ko pero mapapansin pa rin ang pait sa bawat banggit ko ng salita. Tiningnan niya lang ako na parang namamangha tapos tumawa ng kaunti.
"Is my baby jealous? Tell me, are you jealous mi amor?" malokong niyang sabi. Ako? Magseselos? Bakit naman? Wala namang kami kaya bakit ako magseselos.
"A-at baakit naman ako magseselos? Sinabi ko lang naman na Masaya siyang kausap." Nauutal kong saad at nag-iwas ng tingin. Tumawa lang siya ng mahina at kinurot ang pisngi ko.
"You're so adorable. But, there's nothing to be jealous about, mi amor. I only want... you." Bulong niya sa tenga ko. Lumayo ako ng kaunti sakanya at pinaningkitan siya.
"Ano bang sinasabi mo?"
"Let's go somewhere else?" Bigla niyang sabi at umupo ng maayos. Nakahinga ak ng maluwag kasi lumaki na ang distansya naming dalawa.
"Ha? Paano si señora?" Nagtataka kong tanong.
"Don't worry about her. She'll understand." Tumayo siya at inilahad ang kamay saakin. "Let's go? I want to be with you.. alone." Mabilis kong inabot ang kamay niya at hawak kamay kaming lumabas ng hotel at sumakay sa kotse niya. May mga reporter at photographers pa rin sa lavas kaya maraming kumukuha ng litrato saamin hanggang pag-alis.
Binagtas namin ang madilim na dan. Gabing-gabi na kasi at wala masyadong mga tao at sasakyan sa paligid. Tumigil siya sa tabing dagat at pinatay ang makina. Binuksan niya ang binta ng kotse at bumungad saamin ang napakalamig na simoy ng hangin.
"Bakit mo 'ko dinala rito Javier?" Malumanay koy sabi.
"I just want to be alone with you so that you won't be so distant to me and be so concious about other people." Nakonsensya naman ako sa sinabi nya. Hindi ko naman kasi mapigilan ang sarili lalo na kapag pumapasok sa isip ko ang katayuan namin sa buhay. Hindi puwede, hindi bagay. Ang layo lang ng agwat namin sa isa't isa.
"Tell me, Isabella. We're you jealous earlier? I want to hear it." Bigla niyang sabi sa gitna ng katahimikan. Natagalan pa ako bago sumagot dahil hindi ko alam kung anong sasabihin.
"H-hindi ko alam Javier. Hindi ko pa ksai 'yan naramdaman noon. Basta naiinis ako, at naiirita nang makita ko kayong nagtatawanan." Mahina kong sabi at yumuko. Hindi sya nagsalita kaya dahan dahan akong lumingon sa gawi niya, nagtataka. Nakita ko siyang nakahawak sa labi niya at pinipigilan ang sariling ngumiti. Ano bang iniisip niya?
"Anong nangyari sayo?" nagtataka kong tanong. Tuluyan na siyang ngumiti ng napakalapad at tumawa ng mahina.
"I don't know what to do with you anymore." Bigla siyang dumukwang at sinalubong ng malalim na halik ang labi ko. Ilang segundo pa bago maproseso ng utak ko ang nangyari at napapikit ako't lumaban sa halik niya. Tumagal ng ilang minuto ang halikan namin. Kinakapos kami ng hininga ng tumigil siya, at hinawakan ang pisngi ko habang sobrang lapit pa rin namin sa isa't isa.
"I really like you, Isabella. Please tell me you like me too." Kitang kita ang sinceridad at pagmamahal sa mata niya. Hindi ko mapigilan ang sariling ilahad ang tunay na nararamdaman.
"Gusto rin kita Javier. Gustong gusto." Napangiti siya ng sobrang lapad sa sinabi ko at sinunggaban na anamn ako ng panibagong halik.
"f**k this. I want you right here, right now." At nagising nalang kaming nakahubad at magkalapat ang katawanan sa backseat ng sasakyan niya kinaumagahan.