Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Javier, kahit gumalaw ay hindi ko magawa. Tulala akong lumabas ng kuwarto at sapo ang dibdib na pumipintig ng sobrang lakas. Buong maghapon kong inisip ang sinabi ni Javier. Paano ko pipigilan ang sarili kong mahulog kung hulog na hulog na 'ko?
Nang gabing 'yon ay pinatawag ako ni senyora para tingnan ang mga gawa ko. Sobrang saya niya sa limang disenyong naipakita. Nahirapan pa siyang pumili pero may dalawang disenyong nakakuha ng atensyon niya. Agad niya iyong pinadala sa magtatahi ng damit, kaya sobrang saya ko nang magustuhan niya.
Ang pinili niya ay ang pulang gown na ginuhit ko noong nasa garden ako, pero natapos ko lang kahapon. Kulay pulang semi-gown na may malaking slit sa harapan at pants sa loob na gawa sa kaparehong tela. At ang isa naman ay kulay peach na strapped, silky gown, na mayroong slit sa dalawang gilid. Hindi ako makapaniwalang magagawa ang disenyong ginuhit ko, lalo na ang masuot iyon si senyora.
Isang linggo ang dumaan, todo alaga si Javier saakin. Patago niya pa rin akong pinupuntahan sa kuwarto. Ang kaibahan lang ay unti unti na akong nagiging kompotableng kasama siya. Mas nagiging open ako sa kanya at hindi na masyadong ilap. Hindi siya pumalyang pakiligin ako araw araw sa mga matatamis niyang salita at sa isang linggong 'yon, tatlong beses na may nangyari saamin pero hindi ko pinagsisisihan.
"Isabella, hija, the gowns will arrive today! I'm so excited!" nakangiting sabi ni senyora saakin. May bitbit akong feather duster ngayon kasi kailangan kong linisin ang mga muwebles. Napangiti naman ako sa balita, hindi nako makapaghintay na dumating ang mga gown!
"I want us to look at it together, ok? I'll have call you upstairs when it arrives. Adios!" umalis si senyora kaya pinagpatuloy ko na ang ginagawa. Bawat sulok ng mga muwebles na lilinisan ay nilinisan ko ng maigi. Dahil sa sobrang excitement, nakangiti kong tinapos ang ginagawa.
"You look so happy. What is it?" nakangiti kong nilingon si senyorito Javier na nakapameywang sa likod ko. Hindi ko napansin na nakarating siya dyan dahil sa sobrang abala.
"Darating na raw ang mga gown, Javier. Kinakabahan ako pero nasasabik na 'kong makita ang mga dinisenyo ko." Ngumiti siya at kumislap ang mga mata niya.
"I'm happy for you. Don't worry, I know they're amazing." Sobrang saya kong malaman na may tiwala siya sa gawa ko. Masaya rin akong nandito siya't kasama ko sa isa sa masasayang pangyayari sa buhay ko. Hindi ko napigilan ang sariling lapitan siya agt dambahin ng yakap. Naiiyak ako sa hindi malamang dahilan, basta punong puno ng kasiyahan ang puso ko ngayon.
"Salamat. Sobrang saya ko." Napasinghot ako.
"Shh, don't cry. I'm so happy for you. I'm happy to see you slowly reaching your dreams, and your happiness, mi amor." Natatawa niyang sabi habang hinahagod ang likod ko. Naramdaman ko ang marahan na halik na binigay niya sa ulo ko kaya mas lalo akong napasubsob sa dibdib niya.
"Hey." Agad akong napabitaw nang marinig si senyorito Ezequiel at nakitang papalapit siya sa amin. Pinunasan ko ang mukha ko at nagpatuloy sa paglilinis. Kinakabahan ako, baka Nakita niya kami.
"Hey bro. Oh, hello bella. How you doin'?" pabirong tanong niya. Sigurado akomng may Nakita siya. Sa uri ng tingin niya saakin at kay Javier, nasisisguro kong may alam na siya. Hindi naman siya mukhang galit, pero kinakabahan pa rin ako ng sobra.
"S-senyorito, a-ayos lang po" hindi ako makatingin ng diretso sakanya. Tumawa lang siya at binalingan na si Javier.
"Estás haciendo un movimiento con ella, ¿eh?" pabirong sabi ni Senyorito Zeke. Hindi ko naman maintindihan kaya hindi na ako nag-abalang makinig.
"La tendré pronto. No le daré la oportunidad a otros chicos de tenerla." Sagot ni Javier sa seryosong boses. Nagpatuloy lang ako sa paglilinis kahit nasa tabi ko lang sila nag-uusap.
"What a man!" natatawang sabi ni senyorito Zeke at tinapik si Javier sa braso. "Keep it up, bro"
"What do you need from me? Is this about your secretary again? Scarlet?"
"Yeah. I need your help about something. I just found out what happened to her and her sister and I can't let her keep hurting. Can you pull some strings for me? Please?" si senyorito Ezequiel ang pinaka subsob sa trabaho sa magkakapatid. Hindi ko nga maisip na magagawa niyang sabihin ang mga salitang 'yon. Ang swerte ng babaeng 'yon, wala na siyang hihingin pa kay Senyorito Ezequiel.
"You're whipped kuya." Natatawang sabi ni Javier at inaya ang kuya niyang mag usap sa ibang lugar.
"We're going, mi amor. See you later." Kumindat pa si Javier bago umalis kaya pumula ng sobra ang mukha ko. Natatawa akong tiningnan ni senyorito Zeke. Hindi ba siya natatakot na nandito ang kuya niya? Paano kung sabihin niya kay sneyora? O di kaya'y mag-iba ang tingin niya saakin? Hindi ako mapakali sa pagsasawalang bahala ni Javier sa mga tao sa paligid naming. Kung sana kaya kong kumalma kagaya niya. Kahit pa kanina pa sila nakaalis, ang dami kong naiisip na problema.
Mga tatlumpong minuto na akong pabalik-balik sa pagpupunas ng muwebles na 'to [ero hindi ko matapos tapos. Okupado kasi ang utak ko, at problemado kong ginagawa ang trabaho kaya hindi ko magawa ng maayos. Palagi nalang 'tong nangyayari. Ginugulo ni Javier ang isip ko samantalang parang wala lang sakanya ang lahat.
"Isabella, pinapatawag ka ni senyora." Sabi ni Manang Lorna. Tumango ako at niligpit ang mga gamit. Nagprisinta si manang na siya na ang magbabalik n'on sa lalagyan para mapuntahan ko kaagad si senyora. Pumayag na rin ako dahil hindi na ako makapaghintay na makita ang mga gown.
Nakangiti akong pumunta sa kuwarto ni senyora. Nagmamadali akong naglakad, at ang nasa isip ko nalang ngayon ay kung anong itsura ng mga damit.
"Senyora? Pinatawag niyo raw po ako?" Hindi ko maitago ang kasiyahan sa boses ko. Inaya akio papasok ni senyora at mayroong dalawang malalaking box na nakalatag sa higaan niya.
"Here are the gowns, dear. I'm so excited!" Hindi na nag-atubili pa si senyora at binuksan na ang isang box. Nasa loob ang pulang gown. Nagningning ang mata ko nang makita ang napakagandang gown. Maganda at maayos ang pagkakagawa. Siguradong magaling na mananahi ang gumawa.
"Wow. I knew they'd be so pretty!" Binuksan na rin ni senyora ang isang kahon. Nasa loob naman nito ang itim na gown. Magaganda ang mga telang pinili, bumagay talaga sa disenyo ko. Gusto kong maiyak sa sobrang tuwa.
"A-ang ganda po senyora. Salamat po" naiiyak kong sabi sakanya. Masaya ako't natupad ang pangarap kong makita ang mga gawa ko, lalo na't si senyora ang unang magsusuot n'on.
"you're talented, Isabella. I can't wait to wear these." Masaya niyang sabi at hinagod ang likod ko.
"I would love to wear these with you." Biglang sabi ni senyora na siyang nagpagulat saakin.
"Ano pong ibig mong sabihin, senyora?"
"You're coming with me in the Charity Gala. Famous designers will be there, I won't let them miss the chance to scout a talented woman like you." Hindi ko na talaga mapigilan ang sariling luha sa sinabi ni sneyora. Sa sobrang saya ko, hindi ko namalayang napatalon ako sa saying nararamdaman at dinamba ng mahigpit na yakap si senyora.
"Salamat po talaga senyora."
Nay, malapit na. Laking pasasalamat ko't napadpad tayo sa pamilyang 'to, Nay.