Tahimik ang loob ng kotse.
Shit!
Ano ka ngayon Perla? Nasaan na ang kakulitan at tapang mo ha?!
Ilang minuto na kaming nasa biyahe at wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Balak kong basagin ang katahimikan kaya naghihintay ako ng magandang tiempo.
"Ano—"
"Wala ka—"
walanghiya! Sabay pa talaga kaming nagsalita eh. Naputol ang parehong sasabihin namin at nagkatitigan tapos sabay ring nag iwas ng tingin.
Jusko! Parang mga bata ang mga kingina!
"Ikaw na sir, wag ka ng mahiya."
nakangisi kong sambit, binalewala ang hiyang nararamdaman sa buong katawan. I saw him smirked at mas humigpit ang hawak sa manibela.
Nag igtingan ang mga ugat sa kamay at braso nito. Ang kanang kamay ni sir ang nasa manibela habang ang kaliwang kamay naman ay nakahawak sa panga nito at nakapatong sa bintana ng sasakyan.
Ang gwapo punyeta na yan!
"I was just going to ask if wala ka na bang ibang pupuntahan ngayong gabi?"
baritono nitong saad. Napalunok ako dahil sa bed room voice nito. Dalawang beses pa akong napalunok bago nakasagot.
"Ah wala na sir, diretso na uwi."
kunwari kalmado kong sambit. Tangina! Halos lumabas na yung puso ko sa dibdib. Masakit na rin ang t***k nito. May sakit ba ako?
Wag naman sana lord! Hindi pa ako mayaman! Bigyan mo na lang muna ako ng AFAM para matapos na tong paghihirap namin!
Pasimple akong napahawak sa aking dibdib at huminga ng malalim.
"How about in the club?"
maingat na sambit ni sir. Agad na nakuha nito ang atensiyon ko.
Hmm...
So, naaalala ni sir?
Hinalikan niya ako nun ah!
Napalingon ako kay sir Magnus at tiningnan siya ng naniningkit na mga mata.
"So, you remembered!"
I exclaimed, nanlalaki ang mga mata, dinuro ko pa siya. Nilingon niya ako at mahina siyang napatawa dahil sa reaksiyon ko.
"Of course."
parang wala lang na sambit ni sir Magnus at ibinalik ang tingin sa daan.
"Hinalikan mo ako nun sir!"
mangha kong saad, nakatingin pa rin sa kaniya. I saw him smile a bit.
"Diba bawal iyon?"
gulo kong tanong. He didn't respond kaya napanguso na lang ako.
"Hindi ka magsasayaw ngayon?"
Tanong nito. Hindi ko napigilang ngumisi.
"Bakit? Manunuod ka ulit sir?"
Nakangisi kong sambit.
"Ikaw ha... kelan pa nagsimula sir?"
tukso ko sa kaniya. Sumeryoso naman ang mukha nito.
"Tss. That's the first time I saw you dancing like that."
madiin nitong saad.
"Wehh? Kumusta performance ko sir?"
hindi mawala wala ang mapang asar na ngiti sa aking mga labi.
"Tss."
tipid niyang tugon. Naghintay pa ako sa susunod niyang sasabihin pero wala ng kasunod iyon.
Pambira!
"Ano sir? Ayos naman diba? 10 over 10 ba?"
pangungulit ko sa kaniya.
"By schedule ba ang pagsayaw mo?"
seryoso nitong tanong sa akin. Tumango naman ako agad. By schedule lang ang pagsayaw ko sa club. Hindi pwedeng araw araw, tangina edi naumay sa kagandahan ko ang mga manunuod nun!
"What schedule? It's sunday when I saw you in there."
tanong niya sa akin.
"Yupp, duty ko kada friday, Saturday at sunday. Yun lang kasi ang time na hindi hectic ang schedule ko."
sagot ko kay sir. Tumango naman ito.
"Manunuod ka ba palagi sir?"
nanunukso kong saad.
"You know it's dangerous inside that club. Madaming bastos doon."
umiigting ang panga na saad ni sir Magnus.
"Wala naman akong choice sir, dagdag na rin iyon sa allowance ko at pambili ng mga bilihin sa bahay."
seryoso ko ring saad. Totoo iyon! Hindi sapat ang kinikita ko sa pagpapart time sa café ni madam V sa lahat ng gastusin sa bahay namin, idagdag pa ang gamot ni tonton at ang mga utang ni nanay.
"I'll be there everytime you have a duty in that club, I'll make sure that you are safe."
nagulat ako sa sinabi ni sir at naguluhan. Kumunot ang nuo ko at napatitig kay sir Damian na parang galit habang nakatingin sa harapan.
Huh?
"Bakit?"
naguguluhan kong tanong kay sir. Sumulyap ito sa akin at napansin ko ang paghigpit ng hawak nito sa manibela.
"I'm your adviser."
simpleng sagot nito na para bang nasagot ang katanungan ko.
Pwes! Mas lalo akong naguluhan dahil sa sagot ni sir!
"Ayun na nga sir, bakit?"
lito kong tanong. Kumunot naman ang nuo ni sir na napalingon sa akin. Medyo malapit na kami sa bahay namin. Ngayon ko lang napansin na alam pala ni sir kung saan ang bahay namin.
"Adviser kita, kaya bakit mo ginagawa ito?"
medyo matinis kong saad. Huminga din ako ng malalim at tumingin ng madiin kay sir Magnus.
"We're here."
He calmly said. Napatanga ako habang nakatingin kay sir. Hindi niya pinansin ang sinabi ko.
"At bakit alam mo kung saan ang bahay namin sir?"
Hindi ko din pinansin ang sinabi niya. Gusto ko ng sagot. Ang pinaka ayaw ko ay iniiwan akong naguguluhan dahil hindi ako makakatulog ng mahimbing nito.
I am always curious.
Seryoso akong tiningnan ni sir Magnus. Hindi ako nagpatinag at tinitigan din siya ng seryoso.
"Are you stalking me sir Magnus?"
Assuming na kung assuming pero iyon talaga ang nasa isip ko. Dahil ano pa ba ang ibang dahilan?? Walang ibang professor ang aalamin ang buhay ng kaniyang studyante. Naningkit ang mga mata ko habang hindi nag iiwas ng tingin.
Tinanggal nito ang seatbelt at hinarap ako. Nanatili ang titig ko sa kaniya.
Hindi ako papatalo! Kahit sobrang lakas na ng t***k ng puso ko ay hindi ako nagpahalata.
"You're always curious. You're asking too many questions love."
saad nito at mabilis na lumapit sa akin at inangkin ang mga labi ko. Hindi ako nakagalaw.
What the f**k?!
Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa sobrang lapit na mukha ni sir Magnus sa akin. Nakapikit si sir at marahang ginalaw ang mga labi nito sa labi ko. Napahawak ako sa malapad na balikat ni sir at napapikit na rin dahil sa sensasyong nararamdaman.
"hmm"
Hindi ko napigilan ang mahinang ungol na umalpas sa akin. Ang kanang kamay ni sir ay humawak sa aking kaliwang pisngi at mas pinalalim pa ang paghalik sa akin.
Tinugon ko naman ang kaniyang mga halik at narinig ko ang mahinang ungol ni sir kaya mas ginanahan akong labanan siya sa halikan.
Naglakbay ang kamay ni sir pababa sa aking leeg at patungo sa batok ko. Dumiin iyon doon at ramdam ko ang panggigigil ni sir. Naglalaban ang mga dila namin at hindi ako nagpapatalo, sinasabayan ko ang galaw ng labi at dila ni sir.
Marahan ang halik ni sir Magnus sa simula hanggang sa mas naging mapusok iyon at mapagparusa. Dumidiin ang mga labi nito sa aking labi, may nalasahan pa nga akong dugo at alam kong mula iyon sa aking labi.
Pareho kaming hinihingal ni sir Magnus ng maghiwalay ang mga labi namin. Hindi siya lumayo sa akin bagkus ay ipinagdikit pa ang mga nuo namin.
Ramdam na ramdam ko ang mabango at mainit na hininga ni sir Magnus. Hindi pa nga ako nakakabawi sa paghinga ay sinugod niya uli ako ng mapupusok na halik.
"Uhmm"
"hmm"
sabay naming ungol habang hindi napuputol ang mararahas na halikan. Kinapkap ni sir ang seatbelt ko at nahawakan niya pa ng bahagya ang gilid ng isa kong dibdib kaya mabilis na nagreact ang katawan ko dahil dun.
Shit!
Mas inilapit ni sir Magnus ang katawan ko sa katawan niya ng tuluyang matanggal ang seatbelt. Nakakalunod ang mga halik niya. I wrapped my arms around his neck too and pulled him even closer to me.
"S-Sir."
It was about to call his name but it sounds like a damn moan! Tangina! Bakit parang hindi ko kilala ang sariling boses.
Sobrang pula at namamaga ang mga labi ni sir Magnus ng maghiwalay kami. Paniguradong ganun din ang mga labi ko. Napakagat labi na lang ako habang hindi pa rin bumibitaw sa leeg ni sir Magnus.
"You should get going."
saad nito habang naglalakbay ang mga tingin sa buo kong mukha. Parang kinakabisado lahat ng parte ng mukha ko, ang kanang kamay ay nasa batok ko pa rin. Tumango ako habang nakatitig pa rin sa labi ni sir na namumula.
Nagkatitigan kami at parehong natawa. Tangina!