Ilang oras bago ang eksaktong pagsisimula ng birthday ni ser Feli ay bumyahe na kami pa-Manila. Ang eksaktong pag gaganapan ng event ay sa Sofitel Philippine Plaza Manila na matatagpuan sa CCp Complex, Roxas Blvd., Pasay 1300 Metro, Manila. Sa isang five star hotel magaganap ang pagdiriwang ng kaarawan ni ser Feli dahil malawak naman ang fuction hall doon na kayang mag-occupy ng higit sa isang daang katao sa loob. Mga piling bisita lang at kakilala ni ser Feli ang inimbita nito sa kaarawan niya. At sa pagkakaalam ko, hindi makakadalo ang mga magulang nila ser Feli dahil hindi naman talagang totally nakatira rito sa Pilipinas. Hindi pa nga lang namin alam kung ano ba ang itsura ng function hall doon sa Sofitel pero sa pagkakakilala at sa nakikita namin, dahil sa antas na rin ng kalagaya

