Teaser
“Damn it! Why are you with that guy in the Gallery?!”
Nagtatangis ang mga bagang na sigaw ni Aries pagpasok na pagpasok nila ni Aesthen sa foyer ng penthouse niya. Hindi na ito makapagpigil pa sa init ng ulo na kanina pa gustong-gustong ilabas.
Sinamaan lang siya ng tingin ng babae bago ito nagmadaling maglakad papunta sa pinaka malapit na sofa at saka naupo bago tinanggal ang high-heeled shoes nito na kanina pang dahilan kung bakit sobrang hapdi na ng mga daliri nito sa paa at maging ng sakong.
“f**k! EVEN FOR ONCE, AESTHEN! WHY IS IT SO HARD FOR YOU TO OBEY ME?” nanggagalaiti na talagang sigaw ni Aries bago nagmartsa papunta sa kinauupuan ng babae.
Marahas na hinila ni Aries ang babae patayo at saka agad na ipinulupot niya ang kaniyang isang braso sa bewang ng dalaga bago niya ito pinalapit sa kaniya, at saka pinatikim ng pinaka mapait niyang halik.
Bawat paggalaw ng labi ng lalaki ay tila patalim na sumusugat sa labi ni Aesthen at nagbibigay ng kasing pait ng dugo na lasa. Dahilan kung bakit pilit niyang itinulak si Aries palayo habang pinagsususuntok ang dibdib nito, pero agad din namang nahuli nito ang mga kamay ni Aesthen.
“Lumayo ka sa akin!” pilit na sigaw ni Aesthen sa kabila ng marahas na paghalik ni Aries sa kaniya.
Pilit rin niyang kinakalas ang pagkakahawak nito sa kaniyang bewang. Sumisigaw na ang kaniyang isipan, tila sasabog na ang kaniyang dibdib sa halu-halong emosyong nararamdaman niya.
Tila agos ng ilog na bumulusok patungo sa isipan ni Aesthen ang mga alaala noong gabing iyon—ang gabing nag-iba si Aries Caballero.
Ito na nga ba ang ikinatatakot ni Aesthen, dahilan kung bakit nagdesisyon siyang huwag nang bumalik pang muli kay Aries, pero heto siya ngayon, nakatayo sa foyer ng binata, nakaharap at nakikipagtalo sa dito.
Kahit kailan ay hindi siya makapagdesisyon nang hindi niya nilalamon ang pinili niya. Kahit kailan ay napakahina ng buto niya sa mga bagay na nakagaanan niya na ng pakiramdam, o nakasanayan na. Kahit gaano man siya magtago sa sariling facade niya, heto pa rin siya at nanlalambot para sa isang lalaki.
“You stayed here for like months, woman. Why is it so hard for you to obey me, even just this once?” nanggigigil na bulong ni Aries sa dalaga.
Pero hindi nakatakas ang nasasaktan nitong tono sa dalaga, dahilan para napapikit na lamang ng mariin si Aesthen nang dumapo na ang mga halik ng binata sa kaniyang leeg. Hindi na alam ni Aesthen kung ano ba ang dapat niyang gawin.
Hindi ordinaryong tao si Aries; hindi iyon lingid sa kaalaaman ng dalaga. Katulad ng ibang mga bagay na mahirap ipaliwanag, katulad ni Aries ay hirap ding mapigura. Tila ba isa siyang produkto ng isang mapaiit na nakaraan.
“You just met that guy!” mahina pero may diin ang puno ng pagdadamdam na bulong ni Aries sa kaniya. “But seeing you two, I would mistaken you for a couple if I don’t know you.”
Nangunot ang noo ni Aesthen at nabuhayan siya ng galit na dugo nang dahil sa narinig.
You’re jealous now, huh?
Pilit siyang kumalas kay Aries pero hindi siya nito pinagbigyan kaya wala na siyang nagawa kundi ang sumigaw kay Aries. “ARE YOU NUTS? YOU TOLD ME TO SPY ON THAT GUY! TAPOS NGAYON KUNG GANITUHIN MO KO, AKALA MO MAY GINAWA AKONG LABAG SA’YO, ANO BA KITA, ARIES?”
Sa sobrang lakas ay parang mapupunit na ang vocal cords niya, at miski ang mga ugat ay nag-umbukan na sa kaniyang balat, tila ba gusto nang makakawala sa loob ng kaniyang sistema nang dahil sa galit.
Nanlaki ang mga mata ng lalaki dahil hindi nito inaasahang sasagutin siya nang gano’n ng dalaga, o kukwestiyunin sa pagkakataong iyon.
Gusto niya itong sigawan muli o kaya’y saktan para ipamukha dito kung sino ang boss sa kanilang dalawa.
Kung sino ang masusunod.
But seeing that woman in front of him, completely transformed from the woman who he was writing with to something so elegant...
Too gorgeous—she f*****g slays!
Her black tube-top flowing gown really suits her.
That pink lipstick screams too much innocence for her ever-sharp mouth.
Only her eyes remained the same, but that sexy mascara was way too seducing. He knew once Aesthen blinked her eyes, he'd be in doom. Hindi na siya makatatakas pa sa alindog ng dalagang nasa kaniyang harapan.
His erection could do nothing but twitch.
Matamang napatitig na lang si Aesthen sa binata. Hinihintay ang susunod nitong sasabihin o gagawin. Hinihintay na umamin na ang lalaki sa kaniya, kasi kung hindi pa ito umamin ng nararamdaman sa kaniya, hindi na niya alam ang gagawin. Iisipin niyang lahat ito ay para sa wala, at isa lamang mapaglarong lalaki ang gaya ni Aries Caballero.
Hindi alam ni Aesthen sa pagkakataong iyon kung aamin pa ba siya.
Napasabunot na lang si Aries sa arousal na naramdaman at agad lumayo na sa babae. Not now. Kapag hindi pa niya napigilan ang sarili niya ay malamang may magagawa siya na pagsisisihan niya. He knows Aesthen very well. They can’t do that thing right now. She’s too mad, they will end up on the wrong way. She might leave him. Or worst, baka magdesisyon itong pumunta kaagad sa Paris.
He can’t risk that thought just to get that woman now in his arms. Hindi ngayong wala siyang alas para pigilan ang babae sa tangkang pag-alis nito. He’s way too vulnerable right now, talong-talo siya sa larong ito. She’s way too precious for him to lose. There’s a right time and a right moment for what he wants and what he needs. A great businessman like him should know that better than any.
Agad nagmartsa paalis ng penthouse si Aries ng walang paalam.
He’s heading somewhere.
In the clubs, maybe.
Kapag umakyat lang siya at sa personal gym na lang niya tumambay, malamang ay mahihirapan siyang maibsan ang arousal na nararamdaman niya. Mararamdaman niya si Aesthen sa apat na sulok ng kwartong iyon. Kapag hindi niya napigilan, malamang ay masusugod niya ito, na alam niyang pagsisisihan din niya sa huli.
Ngayon, kailangan niya lang mapag-isa at makakalimot. Alcohol seems great company though.
“Damn. Why does she have to look at me like that?” inis na lang na sambit ni Aries sa sarili bago nagmamadaling sumampa sa elevator pagbukas na pagbukas ng dalawang meta doors.
Naiwan si Aesthen sa penthouse na nagpupuyos sa galit at init na init ang buong katawan. Parang gusto na lang niyang sirain ang suot na flowing gown dahil parang nag-aalab ang kaniyang katawan.
He kissed me that way, kasi halatang nagseselos siya! Tapos iiwanan lang niya ako ng ganito dito?! Is being so furious not seducing enough for a guy? It’s in every f*****g novel, dimwit!
Nanggagalaiting nagpapadyak na lang sa flooring si Aesthen dahil sa nag-uumapaw niyang galit na nararamdaman sa lalaki. Gustong-gusto niyang sumigaw sa pagkayamot, maibsan lamang ang pagkapoot. Sobrang nanggagalaiti siya. Gusto niyang magwala. Pero wala siyang choice.
Teka, wala nga ba?
Bakit hindi na lang niya sundan ito papunta sa bar na maaari nitong puntahan?
Then do something.
Ngayon pa ba siya panghihinaan ng loob?
Ngayong dapat ay aalis na siya sa penthouse ni Aries?
Ngayong dapat ay wala nang pakialam si Aries sa kaniya?
Why doesn’t she change the flow of the story?
Why doesn’t she control it now?
Alright, Aesthen. You just have to push yourself, if no one does it.