bc

THORN OF LIES

book_age4+
1
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
warrior
drama
comedy
sweet
mystery
friendship
lies
war
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

WARNING!

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, places, events, locales and incidents are either the products of the author imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

However, i was just excuse of any grammatical error, typos spelling, letters, spacing and what so ever. I'll edit it soon when i transfer it in w*****d app, just bare with me.

In addition, despite the theft of other works, I strictly prohibit PLAGIARISING and CLAIMING any of my works without my permission. No part of each of my story may be reproduce, transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, I repeat, any work by any writer goes through a thorough process. It's not easy because every events, locations, dialogues, scene or whatever the author worked hard just to create a good creation for the readers. It's just free, not PREMIUM.

I don't ask for anything in return, I just want you to be a sensible reader and we will understand each other.

COPYRIGHT (2022)

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
"Habulin nyo !!" dinig niyang sigaw ng isa sa mga kabataan humahabol sa kanya . Nasa anim na kalalakihan ang humahabol sa kanya, swerte niya dahil nakahanap siya ng syempo para makatakas at makatakbo. Tumakbo lang siya ng mabilis habang palinga-linga sa paligid at naghahanap ng mapagtataguan. Oras na maabutan siya ng anim na lalaki siguradong papatayin siya ng mga ito. Lalo pa at may dalang patalim ang isa sa mga ito na swerte niyang naiwasan nung akmang sasaksakin siya nito. Binilisan niya pa ang takbo para matakasan ang mga humahabol sa kanya. Doon siya nagtungo sa unang kantong nadaanan niya at dahil sa mag aalas-onse na ng gabi kaya wala ng katao-tao sa paligid. Dumagdag pa na ilan lang ang ilaw na nakasindi sa bawat posteng madadaanan niya, patay sindi pa ang iba kaya may parte na madilim. Hindi na niya natatanaw ang mga humahabol sa kanya pero patuloy parin siya sa pagtakbo kahit pagod na pagod na siya, mahirap na baka nakasunod lang ang mga ito sa kanya at hinahanap parin siya. Ang kailangan niya nalang ay makahanap ng mapagtataguan para makaligtas siya sa kapahamakan na nakaamba sa kanya. Pero nakaramdam siya ng matinding kaba, doble sa kabang naramdaman niya kanina. Nang may biglang humawak sa kamay niya at hilahin siya nito sa likod ng isang malaking basurahan na may mga nakapatong na kahon at mga nakatambak na kahoy. Kahit na hindi kaaya-aya ang amoy, nag tiis sila at nagsumiksik sa kakarampot sa ispasyo na sapat para magkasya silang dalawa. Isinandal siya nito sa malaking basurahan bago sumilip sa maliit na butas na malapit sa gilid ng ulo niya. Hindi niya makita o maaninag man lang ang muka nito dahil bukod sa madilim sa kinalalagyan nila ay may suot itong sumbrero at tulad niya may soot din itong Facemask. Biglang tinakpan nito ang bibig niya ng may marinig silang mga yabag na palapit sa kanila. Ang kaninang anim na lalaki ay nadagdagan pa ng isa. Boss, mukang natakasan tayo!" sabi ng isa na kanang kamay ng tinawag nitong boss at humahabol sa kanya. Bwesit! Bakit ba kasi ang babagal niyong tumakbo, natakasan tuloy kayo!" sabi ng isa na boss ng mga ito. Nakuha naman natin ang kailangan natin sa kanya kuya kaya takot lang nun kung magsumbong pa siya." sabi naman ng isa sa kanila. Tanga kaba? Diba nakita niya ang muka mo, paano kung mag sumbong yun? Edi naloko na! Ang katangahan nyo pa hindi nyo man lang tinanggal ang face mask niya, paano natin aabangan sa susunod yun?! At syaka bakit kaba nandito, akala ko nasa inyo ka? Diba sinabihan na kita na wag kang sasama sa grupo kapag may tinatrabaho sila. Paano na yan, nakita ang muka mo at ikaw pa talaga?" galit na sermon nito sa kausap at hindi ito nakasagot. At kayo, mga tanga ba kayo bakit niyo idinamay sa kagaguhan niyo ang pinsan ko?! Pasensiya na boss------- Ahhhhhhh!" sigaw nito. Oras na may mangyaring hindi ko nagustuhan, malilintikan talaga kayo sakin. Ipanalangin niyo na hindi tanda ng taong pinagnakawan niyo ang muka ng pinsan ko dahil pasensiyahan tayo!" galit na sabi nito. Sandaling katahimikan ang nangibabaw sa kanila. Tayo na! Umalis na tayo dito, baka nakapagsumbong nayun sa mga parak. Sa susunod gamitin ang utak!" sigaw ng boss nila . Narinig nilang tumakbo ang mga ito palayo kung saan sila nagtatago. Nang masigurado nilang wala na ang mga ito ay binitawan na siya nito at naunang lumabas sa pinagtataguan nila, sumunod naman siya. A-ah, pare salamat sa pag ligtas mo sakin. If you hadn't come I might have perished ." sabi niya sa taong nagligtas ng buhay niya. Nakatalikod ito sa kanya at palinga linga parin ito sa paligid dahil baka nasa paligid lang ang mga lalaking humahabol sa kanya kanina. Nakuha niya pang suriin ang itsyura ng taong nasa harap niya, sinuri niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. NakaOver size t-shirt, pants at white rubber shoes ito. May suot din itong sumbrero at facemask tulad niya. May nakasakbit na sling bag sa leeg papunta sa kili kili at nakapwesto sa dibdib nito. May nakasampay ding jacket sa balikat na hawak hawak nito dahil baka mahulog. Halika na!" sagot lang nito at nagmamadaling tumakbo. Sumunod naman siya dito at nagtiwala siya dahil sa ito ang nagligtas sa buhay niya. *** "NAGTUNGO sila sa police station para ireport ang nangyari sa kanya at natawagan niya narin ang pamilya niya na ngayon ay bumabyahe na para puntahan siya. Mga isang oras siguro ang byahe at makakarating na ang mamie at dadie niya kung nasaan siya. Hindi narin naman traffic dahil 12:30 na ng madaling araw. Nilapitan niya ang taong tumulong sa kanya na nakatayo lang sa labas ng police station. Hindi na ito nag abalang pumasok pa at nag antay nalang sa labas. Ah, again thank you sa pagtulong mo sakin, tatanawin ko itong napakalaking utang na loob!" nakangiti niyang sabi. Sasagot pa sana ito ng may biglang huminto na itim na kotse sa harapan nila. Agad itong nagbukas ng pinto at bumungad sa kanila ang nag-aalalang mamie at dadie niya. Oh my God Son, thanks God your ok .." subrang pag aalalang sinabi ng mamie niya sabay yakap ng mahigpit sa kanya. Nahuli ba ang mga hayop na yun?" galit na tanong naman ng dadie niya. No dad, pero naireport na namin ang ang nangyari at mag-antay nalang daw ng update. Sasabihan nalang daw nila tayo oras na mahuli nila ang nang holdap sakin and about my car, they said they will take care of it as long as we just wait for the update." Sumang- ayon nalang ang mga ito sa sinabi niya kahit kita pa sa muka nila ang pag-aalala. Oh, by the way mom ,dad. Siya po pala ang nagligtas sakin kaya malaki po ang utang na loob ko sa kanya." sabi nito. Hinarap naman siya ng mga magulang nito at niyakap ng mahigpit kahit na may nakaharang na bag sa bandang dibdib niya. Thank you so much for saving my son. Malaki ang utang na loob namin sayo." sabay bitaw sa pagkakayakap sa kanya. Hinawakan nito ang hamay niya. Paano ba kami makakabawi sayo?" Kahit nakasumbrero ay napakamot parin ito sa ulo. Wala pong anuman, hindi nyo na po kailangang bumawi o magka utang na loob sakin. Kahit kanino naman po gagawin ko ang ginawa ko basta kaya ko." Hinawakan naman ng dadie nito ang balikat niya at napatingin naman siya dito. Basta malaki ang utang na loob namin sayo dahil sa pagligtas mo sa anak namin . Just let us know if you need anything and we will help you. " nakangiting sabi ng dadie ng taong tinulungan niya. Saan kaba umuuwi sumabay ka na samin at ihahatid kana namin!" singit ng mamie niya. Hindi napo , Magtatrysikel nalang po ako malapit lang naman ang bahay namin, isang sakay lang ." ------ Hindi! ihahatid kana namin. Tell me where you live!" Hindi na siya nakatanggi pa ng pilitin siya ng mga ito na sumakay na sa kotse para ihatid siya. *** "BUMABA na siya ng kotse at bumaba din ang taong tinulungan niya. Ang parent's naman nito ay hindi na bumaba pa at binuksan nalang ang bintana ng kotse nila. Marami pong salamat sa paghatid!" nakangiting sabi niya kahit hindi pa nakikita ang muka niya. Ano nga pala ang pangalan mo iho? We've been talking before, we don't know your name yet ?!" tanong ng babae sa passenger seat. Denise po!" nakangiti niyang sabi. Ako pala si Sabrina pero tita nalang ang itawag mo sakin, ito naman ang tito Danilo mo at ang anak ko naman na si --- hindi nito tinuloy ang sasabihin. Sige na siya na ang bahalang magpakilala sayo. Salamat ulit Denise, makakabawi din kami sayo!" nakangiting sabi ng babae kaya napakamot na naman siya sa ulo. Salamat po tita, tito!" ngumiti naman ito sa kanya at sinara na ang bintana ng sasakyan. Mula sa kabila lumapit naman sa kanya ang taong tinulungan niya kaya hinarap niya ito. Mara----- Natigilan siya at hindi natapos ang sasabihin bago wala sa sariling napahawak sa noo ng pitikin nito ang noo niya, wala na kasi itong soot ng sumbrero baka nahulog kanina. Tanging facemask nalang ang nakatakip sa muka niya. Oo na, walang anuman! Kanina kapa salamat ng salamat sakin hindi kaba napapagod?!" nakangiting tanong niya kahit hindi kita nito. Ah! Hehehe, pasensiya na pero basta! Salamat parin!" napakamot pa sa ulong sabi nito. Itinaas niya ang dalawang kamay niya bilang pagsuko. Oo na, walang anuman Kelvin!" sabi niya na ikinabigla nito. Y-you know me, but i haven't told you my name yet?! " nagtatakang tanong niya. Bahagya naman napangisi si Denise sa tanong nito. Sabi ko na nga ba halata parin ang muka ko kahit nakadisguise nako!" bulong nito. Disguise na pala tawag mo dyan?! " napatingin naman ito sa kanya dahil sa sinabi niya. Ah ,kasi--- Natigilan siya ng bigla itong natawa pero sandali lang at hinarap ulit siya. Nagtataka kaba kung bakit nakilala kita? Malamang artista ka at siyaka, itatago mo nalang ang sarili mo hindi mo pa inayos kaya kahit sino makikilala ka. Aanga anga karin pala minsan." sabi niya. Bahagya namang natigilan si Kelvin sa sinabi niya lalo pa at first time nitong nakaincounter ng isang tao na walang pakialam sa kung ano man ang lalabas sa bibig niya, masabi na niya ang masabi. Isa pang dahilan, crush kita kaya kilala kita!" walang alinlangang sinabi niya sa kaharap. H-ha? crush moko ?" gulat at nakakunot-nuong tanong nito!" Yes! Why is it bad and---ah! hahaha." bahagya siyang natawa ng makuha niya kung bakit ito nagulat ng sabihin niyang crush niya ito. I already know why?" sabi niya pa. Tinanggal niya ang soot niyang mask at sumbrero kaya lumadlad ang mahabang buhok nito na ikinagulat naman ng kaharap niya. B-babae ka!" gulat na sabi nito. Sino ba kasing nagsabi na lalaki ako?! nakangiting tanong niya at dahil sa tulala parin ito sa kanya ibinalik na niya ang soot niyang facemask at inayos ang buhok bago isinuot ang sumbrero niya. Hinarap nito ang pinto ng kotse at kinatok ang bintana kung saan nakaupo ang parent ng binata at pinagbuksan naman siya ng bintana ng mga ito. Nagpaalam siya sandali at ng matapos hinarap niya ulit ang binata na nakatingin parin sa kanya. Uy, pumasok kana sa loob ng kotse papasok narin ako sa bahay namin dahil 1:30 na ng madaling araw. Mabuti nalang day off ko bukas." sabi niya at pinag-ekis ang dalawang braso habang nakatingin sa bahay nila. Ng balingan niya ito ng tingin, tulala parin itong nakatingin sa kanya na palihim na ikinangisi niya. Ibinaba niya ang mask na soot bago iiling-iling na lumapit dito at nakangiting ginulo ang buhok nito, nagulat pa ito sa ginawa niya. Siyaka niya tinalikuran ito, nakasunod naman ang tingin nito kay Denise bago napangiti. Sige na! Ingat kayo pauwi." kaway pa niya bago buksan ang pinto ng bahay nila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
11.3K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
624.6K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
833.1K
bc

The Lone Alpha

read
125.9K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
36.7K
bc

Bad Boy Biker

read
8.9K
bc

The CEO'S Plaything

read
20.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook