INIKOT ko ang paningin ko sa paligid. Grabe, ang daming tao. Lahat ay puro mga sosyal ang mga kasuotan at kilos. Ang mga lalaki ay naka tuxedo o kaya ay naka suit. Habang ang kababaihan naman ay naka evening dress at nagkikinangan ang bato ng mga suot na alahas na para bang nakikipag paligsahan sa kinang ng mga chandelier sa ceiling nitong hotel. Kanina ay punong-puno ako ng confident ng makita ko ang sarili ko sa salamin matapos akong ayusan ng make-up artist. Gandang-ganda ako sa sarili ko. Feeling ko ay ibang-iba na ako kumpara sa Itang na probinsyana. Mukha na akong sosyal sa itsura at mga kasuotan ko. Ngunit ng makita ko ang mga tao dito ay alam ko sa sarili ko na ako pa rin ito. Ako pa rin si Itang na taga Rosario. Walang-wala pa rin ako kung ikukumpara sa mga sosyal na mga bisita

