Xander’s POV THINGS got out of hand. Sa kagustuhan ko na mabigyan ng leksyon si Adam Ramirez ay hindi ko naisip ang mga inosenteng tao na pwedeng madamay. I sent Mia and her son to Ramirez mansion to test his sense of responsibility as a man and father to his own son. Gusto ko rin subukin kung hanggang saan kayang tanggapin ni Kristel ang mga kapintasan at kakulangan ng lalaking pinili niyang pakasalan kaysa sa akin. Higit sa lahat pinabagsak ko ang negosyo ng mga Ramirez para subukin kung hanggang saan kayang ipaglaban ni Adam Ramirez ang pagmamahal niya para kay Kristel. Kaya pa rin ba niyang piliin at manatili sa tabi ni Kristel kung ang pera at kumpanya na dahilan ng pag-iisang dibdib nila ay mawawa sa kanya? Ngunit dahil sa banta ng pagkalugi ng Ramirez chemical, ang kumpanya na sa

