BILOG nga talaga ang mundo. Noon ako ang katulong at nagsisilbi lang sa gwapo kong amo. Pero ngayon ay asawa ko na ang gwapo kong amo at ako na ang pinagsisilbihan ng mga katulong. Dahil nga sa asawa niya na ako ngayon kaya kumuha si Xander ng tatlong bagong katulong bilang kapalit ko at makakatulong ni Manang Lori dito sa mansyon. "Go, bakit ka pa kumuha ng bagong mga katulong? Ano pa ang gagawin ko dito sa bahay kung lahat ng trabaho ay ginagawa na nila?" nakasimangot na turan ko habang ikinukuha ng pambahay na bihisan si Xander sa walk-in closet dito sa masters bedroom, ang kwarto ni Xander na ngayon ay kwarto na naming dalawa. "Ga, hindi ka na katulong dito. Asawa na kita ngayon kaya hindi mo na responsibilidad ang paglilinis ng bahay," narinig kong sagot ni Xander mula sa main ro

