MUKHANG sinusubok talaga ang pasensya ng ate niyo Itang ng tadhana. Paano pati ang taong matagal ng pinutol ang ugnayan niya sa pamilya namin ay muling nabuhay. Dumating si tita Rose. Ibang-iba na ang itsura kaysa noong umalis siya. Kung dati ay hindi siya umaalis ng bahay ng hindi nakaayos at mas inuuna pa ang bumili ng lipstick at koloriti sa mukha kaysa sa bigas ngayon ay dumating ito na magulo ang buhok at walang kaayos-ayos ang mukha at lumang daster lang ang suot. Pumayat din siya at halatang pinabayaan ng kung sino man ang lalaking sinamahan niya. Higit sa lahat ay malaki ang tiyan dahil anim na buwan daw siyang buntis. “Bakit ka pa umuwi dito? Diba’t sinabi mo sa akin na ituring ka na lang namin na patay ng mga anak mo dahil hindi ka na babalik? Sana nilubos-lubos mo na ang magpak

