PARANG gusto kong magsisigaw ng, “Itang naka-jackpot ka!”. Pero syempre ay hindi ko ginawa. Sa isip ko nalang ako sumigaw para hindi niya marinig. Ilang sandali ay may nag-doorbell. Binuksan niya ang pinto at wala manlang pakialam kahit naka tapi lang siya ng tuwalya. “Thank you.” Narinig kong kausap niya sa kung sino man ang tao sa pinto. Tapos ay nakita ko siyang may hawak na tray ng pagkain tapos inilapag niya sa mesa. Nilingon niya ako. “Are you hungry? I ordered food for us.” “B-Busog pa po ako, sir,” sagot ko kahit ang totoo ay napapalunok ako sa amoy ng mga pagkain na in-order niya. “Are you sure?” Kagat labi akong tumango para pigilin ang laway ko sa pagtulo. Kaso bigla naman tumunog ang tiyan ko. Shuta! Hindi nga pala ako nakapag hapunan kanina kasi inaasikaso ko palang

