Chapter 6

2517 Words
TUWANG-TUWA ang mga kapatid ko noong pag-uwi ko ng bahay ay may dala akong lechon baboy na ulam namin sa hapunan. Paano naman ay gulay ang madalas naming ulam. Minsan kapag may natirang isda sa paninda ko ay iyon ang ulam namin. Pero madalang pa sa patak ng ulan sa tag araw kami makapag-ulam ng karne. "Ate Itang, ang dami ko nitong makakain. Ang sarap kasi ng ulam natin," tuwang-tuwa na turan ni Rochel habang naglalagay ng pagkain sa pinggan nito. "Ako din po, Ate!" segunda ni Ryan. "Ano ba kayo. Alam niyo ba na mas healthy ang gulay at isda kaysa karne? Tsaka ano nga ulit ang sabi ko sa inyo?" tanong ko sa mga kapatid ko. "Laging magpasalamat sa Diyos anuman ang nasa hapag kainan dahil biyaya ito galing sa kanya," sabay-sabay na sambit ng tatlo kong mga kapatid. "Very good!" "Saan ka pala kumuha ng pambili ng lechon, Itang? Tapos nakabili ka rin ng sampung kilo ng bigas at mga gamot ko," may pagtataka na tanong sa akin ni lola Carmen. Mula ng pumanaw si itay at magtrabaho si tita Rose sa bayan ay dito na sa bahay namin nakatira si lola para matulungan niya ako sa pagbabantay sa mga kapatid ko. "Po? Ano po… Marami akong nabenta ngayong araw. Pinakyaw po kasi ni Wesley iyong huli kong tinda kaya nakauwi din ako ng maaga at nakabili ng bigas at mga gamot." "Kung bigas at gamot lang ang binili mo ate, ibig bang sabihin ay binigay lang ni kuya Wesley sayo itong lechon?" mausisang tanong ni Rose Ann. Matalino kasi talaga ito tsaka minsan sa aming dalawa ay parang siya pa ang ate ko. "Ha? A e ano kasi… Oo, binigay niya nga 'yang lechon. Hinatid niya kasi ako kasi nga mabigat ang dala ko. Tapos noong pagbaba ko ng tsikot niya ay inabot niya sa akin 'yang paper bag ng lechon. Ulam niya daw sana 'yan pero dahil sawa na siya sa lechon kaya binigay niya nalang sa akin at iyong isda nalang daw na binili niya sa akin ang uulamin niya," mahaba kong paliwanag. "Magsabi ka nga Ate, nililigawan ka ba ni kuya Wesley?" nakataas pa ang kilay na muling tanong ni Rose Ann sa akin. "Nako hindi noh. Mabait lang talaga siya. Tsaka kung araw-araw ba naman na lechon ang ulam mo, diba’t magsasawa ka nga naman talaga?" paliwanag ko na higit para sa sarili ko. Tulad ng sinabi ko kanina, ayaw kong bigyan ng ibang kahulugan ang kabutihan ni Wesley sa akin. "Ate Itang, kapag niligawan ka ni kuya Wesley sagutin mo agad ha para palagi tayong may ulam ng lechon," enosenting suhestiyon ni Ryan sa akin. "Oo nga po, Ate Itang. Sabihin mo magdala rin siya ng donuts at pizza ha?" segunda ni Rochel. "Ako ayaw ko kay kuya Wesley, Ate Itang. Hindi bale nang gulay ang ulam natin araw-araw basta huwag ka pong magpapaligaw sa kanya," nakasimangot na turan ni Rose Ann. Kung sina Rochel at Ryan ay nilalantakan na ang ulam na lechon ito ay ang gulay na pakbet ang piniling ulamin. "Bakit naman ayaw mo kay kuya Wesley, Ate Ann?" tanong dito ni Rochel. "Ano ka ba naman, Rochel. Hindi ka ba nag-iisip? Kapag nagkatuluyan sina Ate at Kuya Wesley. Eh di sa malaking bahay na nila Kuya Wesley siya titira at iiwan na niya tayo. Gusto niyo ba ‘yon?" "Totoo po ba yun, Ate Itang? Iiwan niyo po kami kapag nagkatuluyan kayo ni Kuya Wesley?" tanong ni Ryan na biglang nahinto sa gagawin sanang pagsubo ng pagkain. Ako man at si lola Carmen ay natigilan sa sinabing iyon ni Rose Ann. Hindi ko akalain na ganun na pala kalayo ang tinatakbo ng isip niya sa ginawang paghatid sa akin ni Wesley kanina at pagbibigay ng ulam na lechon sa amin. Sobrang advance naman kasi niya mag-isip. "Ate Itang, huwag niyo po kaming iiwan!" may pakiusap naman na turan ni Rochel. "Ano ba kayo. Diba't sinabi ko naman sa inyo na hindi ako nililigawan ni Wesley? Tsaka kung sakali man na mangyari ang iniisip niyo, hinding hindi ko kayo iiwan noh. Kahit sino pa ang mapangasawa ko balang araw ay hindi ko kayo iiwan. Pangako!" Nagtaas pa ako ng kanang kamay bilang pagsumpa. "Hindi naman ako tutol kung ikaw ay magpapaligaw na, Itang. Dalaga ka na at normal lang na matoto ka nang umibig. Ang sa akin lang… Huwag magpapadalos-dalos ng desisyon. Alam mo naman na may kaya sa buhay ang pamilya ni Wesley. Ibang-iba sa atin. Baka masaktan ka lang…" malumanay na paalala naman ni lola Carmen sa akin. "Opo, lola. Alam ko naman po yun." Pagkatapos naming kumain ay magkatulong sina Rose Ann at Rochel sa paghuhugas ng pinggan at pagliligpit ng pinagkainan. Ganun na talaga ang set-up namin dito sa bahay. Bawat isa ay may kanya kanyang gawain. Maski ng si Ryan na anim na taon palang ay nakatoka na sa pagpapatuka ng iilan piraso naming inahin na manok. Gusto kong maaga palang ay matoto na sila sa buhay dahil wala naman kaming ibang aasahan kundi ang mga sarili lang namin. Kapag tapos na nilang gawin ang mga gawaing bahay at mga assignments nila sa eskwela ay tsaka palang sila pwedeng magbukas at manood ng television. Oh, diba? Natototo na silang maging masipag, tipid pa kami sa bayaran sa kuryente. Ako naman ay abala sa pagtatali ng mga gulay na pinamitas ni lola kaninang hapon. Para bukas ng umaga ay handa nang ilako. Kumakanta-kanta pa ako habang iniisip ko rin si Wesley. Paano kaya kung ligawan niya nga ako? Oo, ayaw kong umasa pero kung sakali lang naman. Malay natin diba? Iyon ngang pogi sa bar 2 years ago ako ang napili, diba? Kaya hindi siguro malayong mangyari na magustuhan din ako ni Wesley. Huwag niyong maliitin ang tinatawag nilang exotic beauty na katulad ko. Nako po, makamandag yata ang aming mga alindog. Tsk. Nangangarap na naman ako ng gising. Pero kamusta na kaya si Mamang pogi? Ang laki din ng perang binigay niya sa akin noon. Kung hindi dahil sa kanya ay baka kung ano na ang nangyari sa akin. Tsaka siguro ay hindi rin namin alam kung saan kami kukuha ng pampalibing kay Papa. Muli kong inalala ang nangyari noong gabing iyon sa mamahaling hotel kung saan niya ako dinala. Nalula ako sa gara ng tsikot niya. Sa buong buhay ko ay noon lang ako nakasakay ng ganun ka garang tsikot. Maski ang makakita ay sa telebisyon ko lang nakikita ang mga ganun ka garang tsikot. Sobrang linis at bango rin niyon sa loob. Sabagay maski nga si Mamang pogi ay sobrang bango rin. Nakakatuliro ang halimuyak ng pabango niya, amoy imported. Dinala niya ako sa isang mamahaling hotel na noon ko lang din napuntahan sa buong buhay ko. Hindi ko nga alam na may ganun pala kagandang hotel sa bayan namin. Lahat ng madaanan naming empleyado sa hotel ay nakayukod na bumabati sa kanya na para siyang isang hari sa isang palasyo. Akon naman ay nakayuko lang habang nakasunod sa kanya. Kulang na ngalang ay magtago ako sa likod niya e. Sa totoo lang ay nanliliit ako. Sigurado kasi akong mas mahal pa ang doormat sa hotel kaysa sa suot ko. Pagkapasok namin sa hotel room niya ay namangha ako sa sobrang laki niyon. Iyon siguro ang tinatawag na presidential suite. Grabe kwarto palang pero mas malaki pa sa bahay namin ng ilang ulit. Agad niyang ipinatong ang susi ng mamahalin niyang tsikot sa ibabaw ng mesa sa gilid ng napakalaking kama. Sa laki niyon ay siguradong kasya kaming lahat ng mga kapatid ko kasama pa si lola. Parang kay lambot at kay bango rin. “Sheiße!” Nagulat ako ng bigla nalang siyang parang galit na nagmura pero hindi ko naman maintindihan kung ano ang sinabi niya dahil parang ibang salita ang gamit niya. Nilingon niya ako. “You can go take a shower first, I just need to make a call…” kausap niya sa akin sa barituno na boses na kay sarap sa tainga. “S-Shower po?” medyo nanginginig ang boses ko na ulit sa sinabi niya. Nilingon niya ako. “Yes, shower…” “O-Okay po…” sinubukan kong ngumiti pero yong ngiti ko ay parang naging ngiwi. Ibinaba ko sa may mesa iyong dala kong mumurahing bag at sobre na naglalaman ng pera at iyong birth certificate ni Lucy. Noong papasok na ako sa loob ng cr ay narinig ko siyang may tinawagan sa mamahalin niyang cellphone. “Did you put a pill on my drink, assh*le?“ galit niyang bungad sa kung sino mang kausap niya. Muntik pa akong mapalundag sa takot ko sa kanya. Mabilis na akong pumasok sa banyo dahil baka sa akin pa mabaling ang galit niya. Walang hiyang buhay ‘to mukhang nahulaan niya pa yatang 1-3 lang ang ginawa kong pagligo kanina kaya niya ako inutusan na maligo. Medyo allergic pa naman ako sa tubig kaya minsan lang akong maligo. Kapag may okasyon lang…’di joke lang. Dalawang beses naman sa isang linggo. Madalas ay hugas-hugas lang ng pechay at kili-kili. Paano naman kasi bukod sa kambingin talaga ako, iyon bang lamigin… Mahirap pang mag-igib sa sapa. Madalas nga akong madulas doon kapag paakyat ako at natatapon ang tubig na iniigib ko sa kalagitnaan ng daan paakyat mula sa sapa. Ang sakit na nga sa pwet kailangan ko pang bumalik kasi mababatukan ako ni tita Rose kapag nauubusan ng tubig ang malaking timba na imbakan namin ng tubig sa bahay. Anyway highway… ayon na nga so pumasok ako doon sa cr para maligo. Ang laki rin ng banyo at sobrang linis. May malaking bathtub sa isang side niyon na nakikita ko lang sa mga palabas sa tv. Grabe talaga ang sosyal ng cr. Matapos kong maisara ang pinto ay naghuban na ako para maligo. Inusisa ko ang buong paligid at sumilip sa isang glass na pinto. Iyon yata ang paliguan. Shuta! Ang laki ng problema ko, wala pala silang timba at tabo dito. So paano akong maliligo nito ngayon? Pero dahil matalino ang ate niyo Itang. Napapitik ako sa hangin noong maalala ko ang sinabi ni Mamang pogi na shower. So may shower daw dito. Nahanap ko naman yun agad ang problema pagpihit ko doon sa pihitan ng shower… Shuta!!! Napasigaw ako ng sobrang lakas noong lumapat sa balat ko ang mainit na tubig. Ganito ba maligo ang mayayaman? Parang baboy na tinatanggalan ng balahibo? Kaya siguro makinis ang mga balat nila at mapuputi dahil natatanggal ang mga libag nila agad-agad sa init ng tubig. Syempre dahil hindi sanay ang Ate niyo Itang sa mainit na shower ay nagsisigaw ako. “Inay ko kabayo… Tulong, tulong po!” sigaw ko habang hindi ko alam kung paano kong mapoprotektahan ang katawan ko sa patuloy na umaagos na mainit na tubig sa malaking shower na nasa kisame ng shower room. Agad namang bumukas ang pinto at iniluwa ang gwapong mama. Agad niyang pinihit ang shower at tinimpla ang tubig kaya naging maligamgam nalang iyon. Hindi pala nalock ang pinto. Mabuti nalang din dahil agad niya akong nasaklulohan. “Are you okay?” tanong niya sa akin. Doon naman ako natauhan at naalalang hubo’t hubad nga pala ako. Sa pagkataranta ko ay hindi ko alam kong ano ang una kong tatakpan. Ang petchay ko ba o ang dalawang bundok sa dibdib ko. Sa bandang huli ay tinakpan ko nalang ang mukha ko. Para itago ang hiya. “What are you doing? Why are you covering your face? Are you hurt somewhere” nagtataka niyang tanong sa akin. “W-Wala po,” sunod-sunod kong iling. “The water must be fine now…” anito sa akin at lumabas na. Nang makalabas siya ay tinuloy ko na ang paliligo. Gamit ang mga sabon at shampoo na may pangalan ng hotel nairaos ko naman iyon ng wala nang problema. Hindi ako nakialam sa gamit ni Mamang pogi at baka isipin pa niyang ninanakawan ko siya. Ang sarap palang maligo kapag maligamgam ang tubig. Pakiramdam ko ay natanggal ang mga libag ko sa katawan. Pagkatapos kong maligo as isinuot ko ang puting roba na may pangalan din ng hotel at ginamit ang puting tuwalya para patuyuin ang buhok ko. Alam kong nakasunod sa akin ang tingin ng Mamang pogi kaya yukong-yuko naman ako. Natatakot akong salubungin ang mga tingin niya. Isa pa ay nahiya ako noong maalala ko na nakita niya akong hubad sa shower kanina. Walang salita na siya naman ang pumasok sa banyo para maligo. Habang nasa banyo siya ay iniisip ko kung ano ba ang gagawin ko. Lord, ito na ba talaga? Matutuhog na ba talaga ako? Nako mukha pa namang malaki ang kargada niya. Kaya ko ba? Buhay pa kaya ako pagkatapos? Ang daming tumatakbo sa isip ko noong mga panahong iyon. Nang marinig kong tapos na siyang maligo ay agad kong isinampay ang tuwalyang puti sa sandalan ng isang upuan at nagmamadali akong tumakbo papunta sa may gilid ng kama malapit sa dingding at ipinailalim ko ang sarili ko sa makapal na kumot. Takot man ako at nanginginig ang mga kamay ko ay may bahagi pa rin sa sarili ko na parang excited. Eh kasi naman diba, kahit na minsan ay may pagka tanga ang ate niyo Itang. Alam ko din naman kung anong swerte ang dumating sa akin. Eh sa gwapo nitong Mama na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan ay malabong patulan o lingonin man lang ako nito kapag nakasalubong ko ‘to sa daan. Baka nga kaya niya lang ito ginagawa ay dahil sa alak na nainom niya eh. Siguro iba yata ang epekto niyon sa kanya at biglang gumanda ako sa paningin niya. So ayon nga paglabas niya ng banyo ay parang automatic ang ginawa kong paglingon sa kanya. OH EM GEE!!! Muntik na akong mapasipol. Nakatapi lang siya ng puting tuwalya sa may baywang niya. Grabe, ang sexy niya sobra! Para siyang iyong mga hollywood model na minsan ay nakikita ko sa tv na model ng deodorant. Ang lapad at matikas ang dibdib niya tapos iyong tiyan niya ay may tinatawag na six pack abs! Noong bumaba ang tingin ko sa bagay na natatakpan ng tuwalya sa pagitan ng mga hita niya ay napalunok ako. Sure na talaga akong daks siya. Parang gusto nang himatayin ang ate niyo Itang. Medyo nahiya naman ako noong marinig ko siyang tumikhim. Nagblush pa nga ako eh. Hindi lang halata kasi nga sa kulay ko tsaka medyo madilim sa silid dahil iyong mga ilaw lang sa cr at gilid ng kama ang nakabukas. Kaya iniwas ko ang tingin ko sa katawan niya at napunta sa mukha niya. Parang natulala ako ng mga sampung segundo yata. Dahil nga sa nagshower siya ay hindi na niya suot ang itim na sombrero niya kanina. s**t na malagkit kung suot ko lang ang panty ko ay baka nalaglag din sa kagwapuhan niya. Kamukha niya iyong artista sa palabas na “Boy Next Door” na napanood ko. Kamukha niya si Ryan Guzman, lalo na yong mata. Sigurado akong may lahi nga siya pero hindi ko lang sigurado kong ano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD