NOONG una akala ko ay imahinasyon ko lang yong nakikita kong pagnanasa sa mga mata ni Senyorito Xander para sa akin. Pero noong papalapit ng papalapit na ang mukha niya sa mukha ko ay natigilan ako. Hahalikan niya ako! Hahalikan ako ni Senyorito Xander. Makakatikim na ulit ang ate niyo Itang ng halik ng isang beautiful beast. Bigla akong nag-panic. Ano ang gagawin ko? Iiwas ba ako? Itutulak ko ba siya? Bago pa ako makapag-isip ng gagawin ay lumapat na ang mga labi niya sa mga labi ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Lalo na noong maramdaman ko ang marahan niyang pagkagat-kagat sa mga labi ko. Sa gulat ko ay natulak ko siya ng marahan kaya naghiwalay ang mga labi naming dalawa. “Bakit? Ayaw mo rin ba sa akin?” Kitang-kita ko ang insecurities at sakit sa mga mata niya. Pakiramdam

