Chapter 42

2253 Words

NAGULAT si kuya Tony. Akala niya siguro ay sobrang lasing na ako at hindi ko nakikita ang ginawa niya. “H-Ha. A-Ano kasi—” “Hala ka, kuya Tony. Gusto mo ba siyang ma jebs sa pantalon niya katulad ng ginawa ko kay Mia Maldita?” bulalas ko ng maalala ko ang ginawa ko noong nakaraan. “Sshhh. Huwag kang maingay. Hindi ‘to para maka jebs. Sleeping pills lang ‘to. Para matulog na si Senyorito. Alam mo kasi ganun ang ginagawa ko kapag hindi ko na siya maawat sa pag-inom. Iyon kasi ang utos ni Senyora Aurora sa akin. Tsaka hindi siya pwedeng magpakalasing ngayon dahil darating si Senyora bukas ng umaga,” paliwanag niya sa akin. Dahil sinabi niya na sleeping pills lang yong gamot ay hindi na ako umangal. Tsaka sabi niya si Senyora Aurora daw ang may utos. Kaya nagkibit balikat na lang ako.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD