PAGBALIK ko ay agad na namin inayos ni kuya Tony ang cake at pansit para pagsaluhan naming tatlo. “Tayka, nasaan si Senyorito?” “Pumasok. May kukunin lang daw sa loob.” “Ganun ba.” Sinindihan na ni kuya Tony ang kandila sa cake. Ako naman ay tinanggal ko ang balot sa pansit at inayos ang mga kakainan naming pinggan sa maliit na mesa dito sa gazebo. Tatlo lang naman kami kaya okay lang kahit maliit ang mesa. Maya-maya ay bumalik na rin si Senyorito. “Syempre hindi kumpleto ang selebrasyon kung wala ito,” nakangiti niyang wika habang itinataas ang bote ng dala niyang alak at tatlong baso. “Wow champagne! Ang mahal niyan, bossing ah…” turan ni kuya Tony at namimilog pa ang mga mata habang nakatingin sa bote ng alak na hawak ni Senyorito. Ako naman ay tulala lang. Hindi dahil s

