TUWANG-TUWA ang mga kapatid ko. Sa kauna-unahan kasing pagkakataon sa buhay nila ay ngayon pa lang nila mararanasan na makatungtong sa isang mamahalin na hotel, matulog sa isang napakalambot na kama ng isang Presidential Suite pa at makapag-swimming sa isang napakalaking swimming pool na sa telebisyon lang nila noon nakikita. Ito rin ang parehong hotel na pinagdalhan ni Xander sa akin noong una kaming magkakilala sa isang club. Pinalitan lang ng pangalan at may mga nabago na sa building ng hotel at paligid. Mas maganda na ito kaysa noong una akong makatungtong dito. Isa na rin pala ito sa pag-aari ni Xander ngayon. Dahil sa bagyong nanalasa sa nagdaang gabi ay may parte ng bubong namin ang nasira. Yong poste ng kusina namin ay parang malapit na rin bumigay. Kaya noong makita iyon ni Xand

