Xander’s POV NOONG bata ako ay malaking katanungan sa akin kung bakit walang wedding picture and parents ko. Hindi ko rin maintindihan noon kung bakit madalang lang namin na kasama si Daddy at kahit isa sa side ng pamilya niya ay hindi ko pa nakikilala. Then I found out that I’m an illegitimate child. May asawa at pamilya pala si Daddy sa Germany bago pa niya nakilala si Mommy sa isang business trip niya dito sa Pilipinas. Nainlove sila sa isa’t isa at nabuo ako. Huli na daw ng malaman ni Mommy na may asawa na pala si Daddy. Ang pagiging anak ko sa labas ang naging dahilan kung bakit ako madalas na ma-bully noon ng mga kalaro ko. Tinatawag nila akong bastardo at putok sa buho. Okay lang sana yun sa akin kaso pati ang Mommy ko ay tinatawag nila ng kung anu-anong masamang mga salita, dah

