NASA isang VIP room na nito si Mommy ng dumating ako at nagpapahinga. Naabutan ko rito ang doctor na tumingin sa kanya na isang malapit niyang kaibigan at dati na niyang doctor. Nandito rin si Ellie na siyang nagsugod kay Mommy dito sa ospital at kasalukuyan nitong inaayos ang kumot ni Mommy habang natutulog. "Mom? Mom!” nag-aalala kong tawag pagpasok ko pa lang ng pinto ng VIP room niya. Sa malalaking hakbang ay agad akong nakalapit sa hospital bed na hinihigaan ni Mommy. “Is she okay? What happened?" lingon ko kay Ellie. “Senyorito, napasukan ko po siya sa kwarto niya na umiiyak habang nakahandusay sa sahig at hirap na hirap huminga. Kaya agad ko na po siyang dinala dito sa ospital,” paliwanag ni Ellie, makikita rin sa mukha nito ang pag-aalala para kay Mommy. “Doc, is my mother g

