ILANG sandali pa kaming nasa park ni Gavin at nagkukwentuhan nang bigla na lang tumunog ang tiyan ko sa gutom. Noon ko lang naalala na tanghali na pala pero hindi pa ako nag-aagahan. Lalo akong ginutom ng maalala ko ang nilutong agahan ni Manang Lori para sa amin kanina na bangusilog at may ginayat na kamatis at sibuyas at sawsawan na toyo at kalamansi. Hindi ako nakakain dahil nga ang agang tinupak ni Senyorito Xander. “Are you hungry?” “Hehe. Hindi pa kasi ako nag-aagahan e.” “What? It’s already past 11 am and you have not eaten yet? Anong klaseng tao ang amo mo? Hindi ka niya dapat tinatrato ng ganyan.” “May kasalanan nga kasi ako kay Senyorito kaya nagalit siya sa akin at sinabihan ako ng get out,” nahihiya kong pagtatapat. Umiling si Gavin. “Kahit na. Mali pa rin na paalisin

