HALOS baliktarin ko na ang buong mansion sa paghahanap ng picture ni Miss Kristel ngunit hindi ko talaga siya makita. Huli na ng maalala ko na naisama ko pala siyang itinapon sa basurahan ng linisin ko ang kwarto ni Senyorito Xander kahapon. Paano naman ay kinuyumos niya yon at itinapon sa sahig kaya ang akala ko ay basura. Kaya ito ang ate niyo Itang ay pinalayas ng masamang ugali kong amo. Dahil wala akong alam na pupuntahan ay napadpad ako dito sa playground ng subdivision. Nagugutom na nga ako e. Paano naman sa sobrang takot ko kay Senyorito Xander ay nagtatakbo ako palabas ng mansion ng wala man lang akong dala kahit na barya manlang na pambili ng kwek kwek. Inaliw ko nalang ang aking sarili sa panonood sa mga batang naglalaro sa park. Bigla ko tuloy na miss ang mga kapatid ko. Sigu

