ISA sa ipinagpapasalamat ko sa panginoon ay sa ilang Linggo kong pagtatrabaho dito sa mansion ni Senyorito Xander ay mukhang hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako natatandaan. Siguro talagang walang ibig sabihin sa kanya ang nangyari sa pagitan namin noong gabing iyon. Isa lang ako sa napakaraming mga babae na dumaan sa buhay niya at maswerteng naambunan niya ng tulong. Pero mabuti na rin na hindi niya ako natatandaan dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag naalala niya kung saan niya ako unang nakita at nakilala. Baka bigla nalang niya akong sisantihin ng wala sa oras. Syempre ay siguradong sasang-ayunan siya ni Senyora Aurora kapag sinabi niyang sa isang nightclub niya ako unang nakita. Kapag nangyari yun ay hindi ko alam kung paano ko mababayaran kay Senyora Aurora ang pin

