PINAKATITIGAN niya ako mula ulo hanggang paa tapos paakyat naman sa mukha. Kinabahan ako lalo. Nakilala niya ba ako? Bigla akong yumuko para itago ang mukha ko sa kulot kong buhok. “Who are you? Hindi naman ikaw ‘yong katulong ko dito ah… Nasaan na iyong dati kong katulong?” "E-Ellie po, Senyorito. Elenita Capras po ang aking pangalan. A-ako po 'yong pinadala ng Mommy mo galing sa probinsya. Kapalit po ako noong katulong niyo na nagtanan daw po at ‘yong driver ng kapitbahay n’yo…" "What a f**k! Seriously?" bulalas niyang mura. Halos mapalundag ako sa gulat sa malakas niyang boses. May mali ba sa sagot ko? E nagtatanong siya at sinasagot ko lang naman ang tanong niya. Tsaka iyon naman talaga ang nangyari. Kaya ako nandito ay dahil nagtanan ang dati niyang katulong. Pero bakit parang

