DAHIL sa pagod sa byahe ay nakatulog ako sa kwarto ko. Siguro mahigit isang oras din akong nakatulog ng magising ako dahil sa katok sa pinto. “Ellie, gising ka ba?” Noong una pagmulat ko ng mata ay nanibago pa ako at inisip kung nasaan ako. Tsaka ko lang naalala na nandito na nga pala ako sa kwarto ko sa mansion ng anak ni Senyora. Dali-dali akong bumangon at binuksan ang pinto. “Opo, Manang Lori… May kailangan po ba kayo? Pasensya na at nakatulog po ako.” “Walang problema. Pero okay lang ba sayong ngayon ka na mismo magsimula ng trabaho? Sa sobra kasing dami ng inaasikaso ko ay nakalimutan kong hindi pa pala nalilinis ang kwarto ni Senyorito Xander.” “Opo, wala pong problema sa akin. Nakapagpahinga naman na po ako e.” “Pasensya ka na ha. Magagalit kasi si Senyorito Xander kapag

