KASHI POV: Handa na ang lahat nang mga kakailanganin nila ni Ma'am Kalixta. Bumukas ang pinto ng opisina nito at sabay na lumabas ang dalawa. Naka akbay sa among babae ang boyfriend nitong si Sir Dimitriv. Perfect couple talaga ang dalawa. "Kashi, let's go. Si Dimitriv pala ang hinihintay nating driver." natatawa nitong sabi sa kanya. Napamulagat ako ng mata sa sinabi ni Madam at napangiwi. At agad kong tiningnan ang lalaki na seryosong nakatingin lang samin at umiling iling sa sinabi ni Ma'am Kalixta. "Halika na, dear. Huwag mo na lang pansinin yang isang yan. Kasi naman, may trabaho dapat yan pero hindi mapalagay sa opisina niya at talagang dito pa sakin nagkakampo. So, siya na ang bodyguard at driver natin ngayon."may pang aasar na sabi nito sa binata. "Okay po." Mukhang hindi pal

