KASHI POV: Maraming baong kwento si Kuya Andoy kaya naman nag enjoy siya na kausap ang lalaki. Nagtatawanan pa sila nito nang biglang matigilan ang lalaki at napatingin sa likod niya. Kumunot ang noo niya at agad na lumingon kung sino ang tinitingnan nito. Nanlaki ang mga mata niya at napalunok. Patay. Lagot na naman siya. "Uhm, hi, Boo." nakangiwi niyang bati rito. Kinabahan siya bigla sa presensiya nito. Parang iba ang feeling niya ngayon. May nagbabadyang delubyo sa pagitan nila nang binata. Agad siyang umiwas nang tingin rito at tumingin sa paligid. Maraming babae ang nakatingin rito at mukhang pinag papantasyahan pa ang binata. Sinamaan niya ng tingin ang mga ito at inirapan. Napanguso siya. "Care to explain kung bakit ka andito?" seryosong sabi nito sa kanya. "Oy, huwag ka. Kasa

