KASHI POV: Nang magsimula na ang meeting nila ay medyo kabado talaga siya. Pasulyap sulyap kasi sa kanya ang Mommy ni Alex. Tapos ang loko lokong si Alessander naman ay patingin tingin rin sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang problema nito sa buhay. Lalo nitong nilalagay siya sa alanganing sitwasyon. Buti sana kung si Alex ito na pasulyap sulyap sa kanya, kikiligin pa siya niyan nang todo. Pero itong mokong nato, nakakainis dahil naagaw pa tuloy ang pansin nang ina nito dahil sa pag kumusta sa kanya kanina. Pahamak ang kolokoy nato. Isusumbong ko talaga ang lalaking ito kay Alex. Gusto na niyang matapos ang meeting para naman makaalis na siya sa lugar na ito. Maging ang boss niya makikita mo sa mukha nito ang yamot at boredom. Tumagal nang dalawang oras ang meeting. Nang matapos na ang

