KASHI POV: Naging maayos naman ang araw niya ngayon. Lalo na at pumasok na rin naman sa trabaho si Madam Kalixta. Hindi na boring ang araw niya dahil may kakwentuhan na siya.Nang lunchtime na, ay may dumating na delivery nang pagkain. Galing yun sa mabait at gwapong boyfriend. Hahaha. Ang sarap magmahal ni Major Alex Del Fierro. Alagang alaga talaga siya. Ano pa kaya kapag sa magiging anak na nila. Si Madam Kalixta naman ay sinundo ni Sir Dimitriv at may lunch date raw yung dalawa. Si Nyxara ang nakasabay niyang mag lunch. Naghati silang dalawa sa pagkain niya dahil marami yun at hindi naman niya kayang ubusin. Bago mag 1 PM ay nakabalik na sila sa kanya kanyang trahaho. Hindi pa nakakabalik ang amo, mukhang napasarap ang kwentuhan nung dalawang mag fiancé. Tumunog ang cellphone niya a

