ALEX POV: Matindi ang pagpipigil niya sa sarili ngayon. Mukhang lahat ng santo dapat na niyang dasalan. Mukhang uubusin ng dalaga lahat nang baon niyang pasensiya. Makita ba naman niya ng harap harapan ang buong katawan nito na natatakpan lang nang dalawang maninipis na tela. Halos lumuwa ang mata niya nang maghubad ito ng damit sa harap niya. Napanganga pa nga siya. Sobrang ganda ng katawan nito. Walang tulak kabigin. Unang beses niyang makita ang makurbada nitong katawan, ang may kalakihang hinaharap at malaking beywang na binagayan ng bilog na bilog na p#### nito. Hindi man ito nabiyayaan sa height pero bawing bawi naman ito sa katawan. Nag iinit ang pakiramdam niya at mukhang kailangan niya ring magpalamig. Kaya naman agad siyang tumayo at hinubad ang board short at ang Tshirt niya.

